Chapter 43

36.9K 661 196
                                    

Wedding




Ahmira's POV

Nasa sala ako nang dumating si Dad. Nabobore ako kaya bumaba ako ng kwarto, sinundo kasi ni Zack si Bhambie kaninang umaga kaya wala na akong makausap dito sa bahay.

"Dad.." Tawag ko sa kanya bago siya makaakyat ng hagdan.

He just give me an asking look.

"Can we talk?" ... Bigla siyang natigil at humarap sa'kin..

"Sa taas tayo mag-usap" Seryosong sagot niya nagpatuloy sa paghakbang. Kaagad akong sumunod sa kanya at ramdam na ramdam ko panlalamig ng mga kamay.

Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. I dont have a choice, kailangan kung mamili bago pa lumala ang sitwasyon.

Pagkapasok ko sa office niya, para akong mahihimatay sa sobrang kaba. Hindi ako sigurado ko makakaya kong sabihin 'tong mga nasaisip ko.

"Inaasahan kong kakausapin mo ko para sabihing lalayuan mo na ang Adam na iyon.." Kalmadong sabi niya ng makaupo siya sa kanyang swivel chair. Ganoon ka workaholic si Dad, na kahit sa bahay may sarili siyang office at halos palagi siyang dito dumidiretso pagkauwi niya.

"I still love him.." I whispered. Mukhang narinig naman niya ang sinabi ko dahil nakita ko siyang ngumiti, 'yong pilit na ngiti.

"After what he have done *smirk? Alam kong matalino ka Ahmira pero bakit ka nagpapakatanga sa lalaking 'yon?" Napayuko na lang ako habang pinipilit na hindi tumulo ang luha sa mata ko.

"Hindi niya ginustong mangyari 'yon Dad, naniniwala akong mahal niya ako, kami ng anak ko.." Nagulat ako nang biglang tumayo si Dad at malakas na hinampas ang mesa.

"Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko sa'yo Ahmira, ayaw kong gawin sayo 'to pero kailangan ..This for your own good!" Tumayo siya at lumapit sa bintana. Alam kong pinipigilan lang niyang hindi magalit ng sobra sa'kin dahil na rin sa sitwasyon ko.

"Okay lang kahit hindi ako magkaroon ng marangyang buhay Dad. Kahit hindi na 'ko magkaroon ng mana... kahit hindi niyo na 'ko bigyan ng pera... Hayaan niyo lang akong makasama si Adam at ang baby ko...." Matapang na sagot ko. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala 'ko sa harap niya.

"Naririnig mo ba ang sinabi mo Ahmira? Hindi kita pinalaki at pinag-aral para lang mapunta sa lalaking 'yon" Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya..

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now