Chapter 45

41.3K 698 200
                                    

The Letter

Adam she's leaving..

Adam she's leaving....

Iyon ang paulit ulit na naririnig ko sa isip ko habang nagmamaneho.

Fuckshit! Kailangan ko siyang mapigilan, hindi ako papayag na umalis siya nang hindi kami nag-uusap at mas lalong hindi ako papayag na ilalayo niya ang anak 'ko.

Mabilis kong kinapa ang cellphone ko at tinawagan si Bhambie.

"Hello Adam..sorry talaga-" Kaagad na sabi niya ng masagot ang tawag ko.

"Anong oras ang flight niya?" Deretsong tanong ko, kailangan ko siyang maabutan kahit anong mangyari.

"3:00 pm daw Adam, malapit na ako sa airport, at sana ikaw din.. Please Adam do everything..pigilan mo siya.." WTF! 20 minutes na lang at mag-aalas tres na.

Alam kong kahit si Bhambie hindi din inaasahan na mangyayari 'to. Dinig na dinig ko ang mahinang hikbi niya sigurado akong magkasama din sila ni Zack dahil naririnig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan dahil iyan naman talaga ang gagawin ko" Seryosong sagot ko.

"Kilala ko si Ahmira Adam hindi gagawa ng desisyon 'yon ng basta basta kung walang dahilan.." She suddenly said.

Alam ko din naman 'yon, pero paano ko malalaman kung ano ang problema niya kung ayaw  naman niya 'kong kausapin. She never answered my calls at ngayon aalis na lang siya bigla.

"I know.." Napabuntunghininga na lang ako at sa kalsada ko na lang itinuon ang atensyon ko.

"I just wish na hindi pa huli ang lahat sa pagitan ninyong dalawa..." She said..

Nagpasalamat na lang ako sa kanya at napilitang tapusin ang tawag dahil biglang bumagal ang usad ng mga kotse sa harapan ko.

Tang *na! ngayon pa talaga nagka-traffic!

Napamura ako ng ilang beses dahil sa mahabang oras na tinagal ko doon, I check my watch and I only  have 15 minutes left.

Mamaya ay nagsimulang umusad ang mga sasakyan at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

I drove as fast as I can hanggang sa hindi ko napapansin kong nasa tamang lane pa ba 'ko. Hindi ko na magawang isipin ang bagay na 'ton dahil si Ahmira lang ang laman ng utak ko at wala ng iba.

Makalipas ang ilang minuto nakarating din ako sa airport at hindi na 'ko nag-aksaya ng oras. Kaagad akong lumabas ng kotse at tuloy tuloy na pumasok sa loob.

"Excuse me, nakaalis na ba ang 3:00 pm na flight?" Nagmamadaling tanong ko sa isang empleyado sa Information Desk.

"Hmm.. not yet Sir but---" ..

"Thank you!" Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at agad na umalis para hanapin si Ahmira..

Kung iisipin mukhang imposible nang makita ko si Ahmira dahil na rin sa dami ng tao dito pero hinding hindi ako susuko dahil alam kong malapit ko na silang mabawi.

Maya-maya may nahagip ang mata 'ko, hindi ko alam kong hallucinations ko lang ba o si Ahmira talaga ang nakita ko kasama si Bryan.

Ahmira! Sigaw ng isip ko. Bago pa siya mawala sa paningin 'ko, mabilis akong naglakad papunta ka kinaroroonan nila pero 'yon na lang ang pagkagulat ko ng biglang pigilan ako ng guard.

"Sir, pasensya na po pero hanggang dito na lang kayo" He said..

"Wala akong pakialam kong pwede o hindi! I fuckin' need to talk to my wife now!" Mukhang nagulat naman ito sa sa lakas ng boses ko pero hindi pa rin nito binitawan ang braso ko.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now