Chapter 38

32.6K 483 43
                                    



The Decision


Adam's POV

Kaagad akong bumaba ng kotse pagkadating ko ng hospital pero nasa pinto pa lang ako nang pigilan ako ng dalawang lalaki.

"Sir, pasensya na po pero bawal kayong pumasok" I smirked.

"Inutusan kayo ng Tatay ni Ahmira?" Naiiling na tanong ko. Ibang klase talaga ang matandang 'yon.

"Oo, kaya kung ako sayo huwag ka nang magpumulit na pumasok bago ka pa niya makita at siya mismo ang magpaalis sa'yo" Sagot nung isa. Ngumisi lang ako at lumapit sa kanilang dalawa.

"Tsk! Sige sabihin mo na lang sa amo niyo na dumaan ang boyfriend ng anak niya" Sabi ko at tinalikuran silang dalawa. Mukhang naniwala naman silang aalis ako, kabobohan.

Nang makitang sa ibang direksyon sila nakatingin, mabilis akong pumunta sa gilid ng hospital kung saan may mangilan ngilan akong nurse na nakikita.

Ayokong mandamay ng ibang tao pero kailangan kung gawin 'to para mapuntahan ko kaagad si Ahmira. Eksaktong may lalaking nurse akong nakita na papunta sa direksyon ko habang may hawak itong piraso ng papel. Hindi niya ko napansin kayo nagtago ako sa halaman at nang mapadaan siya ay kaagad kong hinila ang damit niya at sinuntok siya.

Hindi naman malakas ang pagkakasuntok ko pero sadyang mahina ang isang to kaya kaagad na nawalan ng malay. Mabilis kong hinubad ang damit niya at sinuot iyon. Mabuti na lang at nagkasya ang damit niya dahil wala na 'kong oras para mag-abang sa nurse na dadaan.

Derideritso akong pumasok sa loob ng pinto at hindi man lang ako nakilala ng mga gagong inutusan ng Tatay ni Ahmira. Mabuti na lang may mask akong suot.

Kaagad akong nagtanong kong anong room si Ahmira at agad namang binigay 'yon ng babae.

Nakakabakla man pakinggan pero walang kasing saya ang nararamdaman ko nang malamang buntis siya. She's now bearing my child at wala akong ibang gustong gawin kung hindi ilayo sila kahit galit pa sya sa'kin.

Ilang saglit lang nakita ko rin ang room niya pero tumigil muna ako para kumatok. Boses lalaki ang sumagot kaya mabilis akong pumasok at nakita ko si Bryan na nakaupo sa natutulg na si Ahmira.

Anong ginagawa ng gagong to dito.

"Pwede bang iwan mo muna kami Sir, E-checheck ko lang kung okay na ang kalagayan niya" Pagsisimula ko. Binago ko rin ang tono ng boses ko para hindi ako mahalata.

"It's okay, you can check her condition now, wala namang sigurong masama kung nandito ako" Naikuyom ko ang kamao ko sa sinagot niya. Nagpapasalamat akong sinasamahan niya ngayon si Ahmira pero masyado ng papapel ang lalaking 'to.

"Sinusunod ko lang ang sabi ni Doc.." Mahinahong sagot. Narinig kong napabuntunghininga siya at napilitang tumango.

"S-sige" Napilitang sagot niya at lumabas ng kwarto. Agad akong lumapit sa pinto para ilock 'yon ng tuluyan siyang makalabas.

Pagkatapos ay dahan-dahan akong lumapit kay Ahmira at dinampian ng halik ang noo niya.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang