Chapter 21

46.9K 594 8
                                    

She's Back

Adam's POV

      Naramdaman kong gumalaw  ang katabi ko kaya napamulat ako. Parang anghel talaga ang babaeng to kapag tulog, a seductive angel to be exact. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinalikan ang labi niyang medyo nakabukas.

       Mukhang himbing na himbing siya kasi hindi  man lang ito nag react sa ginawa ko. I kissed her again pero smack lang at baka di ko mapigilan ang sarili ko at baka saan pa mapunta 'to. Naiiling na inayos ang pagkakamot sa kanya at  sinubukang matulog ulit. Wala pang  dalawang minuto akong nakapikit ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong inabot 'yon at pinatay dahil baka magising si Ahmira.

        Pero imbis na  magising ay mas sumiksik pa ito lalo sa dibdib at dinantay ang hita niya sa binti ko. Damn! Mas lalo lang akong nahirapang magpigil! Napamura lang ako lalo ng tumunog ulit  ang cellphone ko. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay at hita niyang nakapulupot sa'kin bago bumangon.

"What the hell do you need asshole!" Galit na sigaw ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Wala ng hello hello sayang lang sa laway. Tssk Lakas makadisturbo ng isang to.

"Adam..." Mahinhin  na sagot ng babae. Unti unting bumalik sa isip  ko  ang mga nangyari noon ng marinig ko ang boses niya.

"Who's this?" Naiinip na tanong ko. Kahit kilala ko na siya gusto  ko pa ring sa kanya mismo manggaling. Hindi ko alam kung bakit  siya tumawag. Matagal na rin nung huli kaming magkita o magkausap, kung kailan iyon, di ko na matandaan.

"Babe, sinong kausap mo". Napalingon ako sa kagigising lang na si Ahmira. Magulo ang buhok at kumot lang ang takip. Pssh bigla kong nakalimutan na may kausap ako sa cellphone.

Ahmira's POV

       Naramdaman kong bumangon si Adam kaya nagising ako ng tuluyan. Nagulat kasi ako ng mag ring iyong phone niya kanina pero dahil inaantok ako dinedma ko na lang.

      Na curious ako ng may tumawag ulit sa kanya, mukhang importante kasi. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa bintana at nakasabit sa balikat niya ang isang T-shirt.

      Gusto kong matawa ng marinig ang malakas na singhal niya sa tumawag. Ambastos talaga, hindi man lang nag hello.

       Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko at tumayo para lapitan sana siya pero napatigil ako ng tinanong na niya kung sino 'yong tumatawag. Naghintay ako ng ilang sandali pero hindi nagsalita si Adam.

      Hmp sino naman kaya ang tumawag at bakit sobrang apektado ang lokong to! Nagsalita ako bago pa niya akong mahuling nakikinig.

"Babe, sinong kausap mo?" Malambing na tanong ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Nagising ba kita?" Nag-aalalang tanong niya kaya mabilis akong umiling.

"Hindi naman, sino 'yon?" I asked again. Hindi siya nakasagot agad.

"Wala, wrong number lang babe" Sabi niya at lumapit sa'kin. He then kissed my forehead.

"Are you sure? Bakit parang di ka yata mapakali" Halata kasing pilit lang iyong ngiti niya at parang ang lalim ng iniisip niya.

"I'm sure. Nakita lang kitang ganyan kaya nagkakaganito ako, you looked so sexy and hot" He said at hinawakan ang bewang ko.

"Hmm bolero!" I said and rolled my eyes. Natatawang inakbayan niya lang ako at kinurot iyong pisngi ko.

Kung sino man 'yong tumawag, makikilala ko din siya but for now I want to enjoy this day with him. Siguro nga baligtad 'yong pag-isip ko kasi pag sinabing bawal, mas gusto ko lalong gawin at kapag sinabi ni Adam na wala, para sa'kin meron 'yon!.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now