Chapter 19

37.6K 548 8
                                    


He's Mad

      Kanina pa 'ko  paikot ikot sa living room dahil sa pag-iisip kung paano makakaalis ng bahay. Gosh di ko na kayang ipabukas to, I'm so worried about Adam dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.




      Nakokonsensya ako ng sobra kasi nakatulog ako kakaiyak noong gabing date sana namin. Urghhh! until now naiinis pa rin ako kay Dad for doing this to me even si Mom walang nagawa. Gusto ko talagang puntahan si Adam pero mababaliw na'ko kakaisip kung paano. Actually pinayagan na ko ni Dad na makaalis ng bahay pero may kasamang body guard tsk -_____-



"Naku iha, maupo ka nga muna at ako ang nahihilo sa ginagawa mo" Nag-aalalang sabi ni yaya Elma habang inaalalayan akong umupo.



"Ya, paano kaya ko makakalabas dito" Nakapangalumbabang tanong ko, Im very desperate to escape.


"Gusto man kitang tulungan pero maski ako ay hindi din alam kung paano. Mas mabuti pa siguro hintayin mo  na lang na lumamig ang ulo ng Dad mo" Yun kung lalamig pa ang ulo ni Dad. Napatayo ulit ako at sumilip sa labas, hayy ano kayang gagawin ko sa mga asungot sa labas.



"Huwag kang mag-aalala babalik din ang lahat sa dati. Diyan ka lang muna iha at ipagluluto kita ng meryenda, siguradong nagutom ka na kakaikot dito" Sabi niya at tinapik ang balikat ko.




"Sige po, salamat" Pilit kong nginitian si yaya bago niya ko tinalikuran. Habang naglalakad siya palayo ay biglang may ideyang pumasok sa isip ko. Mabilis ko siyang tinawag kaya   lumingon naman siya kaagad.




"Ano yun iha" Tanong niya.




"Ahm ya damihan niyo po ang gagawin niyong meryenda" Sabi ko at ngumiti ng ubos tamis. Nagtataka man ay tumango at ngumiti na lang din si yaya Elma.




      I hope this one will work bulong ko sa sarili at umakyat sa kwarto ko para magbihis.

       Pagkatapos kong magbihis ay bumalik ako sa kusina para tingnan kung tapos na si yaya Elma. Simpleng T-shirt, maiksing shorts at paborito kong sneakers ang suot ko para mas komportable akong gumalaw. Nakita kong nakahanda na yung pagkain sa mesa kaya umupo muna ako at kumuha ng konti para kumain.


"Samahan niyo na 'kong kumain yaya Elma at tsaka Grace" Anyaya ko sa kanila


"Huwag na po, nakakahiya naman" Nahihiyang sabi ni Grace.



"Sige kayo magagalit ako niyan, sinadya ko namang padamihan ang pagkain para makakain din kayo" Kiming ngumiti lang siya pero sinabayan din naman ako maya maya at ganoon din sa yaya Elma.



"Ya, tawagin niyo din kaya yung mga guards, sayang andami pa naman nito" Sabi ko sabay turo ng pagkain. Patapos na ko ng lumabas si yaya para tawagin ang mga asungot sa labas.


       Ilang sandali lang ay bumalik si yaya kasunod ang mga guard na mukhang takam na takam ng kumain. I smiled sweetly to them.




"Naku mam Ahmira, salamat dito kanina pa kami nagugutom kakabantay sa labas. Hindi nga namin alam kung bakit ka pa pinababantayan ng Daddy mo eh mukhang masunurin naman kayo" Nakangiting sabi ng isa kaya napangiti rin ako.



"No problem, wait I have something important to do kaya kumain lang kayo dito" Sagot ko at mabilis na bumalik sa living room para silipin kung may nagbabantay pa sa labas.




A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now