Chapter 35

21.1K 827 387
                                    

PAGPASOK namin sa loob ng malaking room ng mga prinsipe, sumalubong sa akin ang maingay na pag bati kasabay ng pag putok ng confetti.

"Welcome back, Kira!" Sigaw nila at nangilid ang luha ko na nakita sila lahat nandoon. Mga kaibigan ko na todo ngiti saakin at hawak hawak ang balloons kaya natawa ako ng mahina.

Kumpleto ang mga prinsipe, sina Rachel , Bea at Tyler ay nandito na rin, Si Auntie at ang aking pinsan na si Sarah at si Yassi na malapit kong assistant na naging kaibigan ko na rin.

Hindi na napigilan ang luha ko na tumulo. Masarap sa pakiramdam na nandito sila lahat sa aking harapan at todo ang ngiti na binibigay sa akin. Lahat ng alaala ay bumabalik sa akin.

"Iha..." Sabi ni Auntie at nilahad ang mga braso para yakapin ako. Pinunasan ko ang luha ko na parang bata at sumugod sa kaniya para yakapin.

"Rhianne! I'm glad that you're okay now!" Sabi naman ni Sarah at yinakap din ako.

"I'm very happy that you're all here..." Sabi ko habang nakayakap sa kanila. Natawa naman si Auntie at marahan na hinaplos ang buhok ko.

"Good to see you, M'lady..." Sabi ni Yassi sa aking likuran kaya napalingon ako. Nakangiti siya saakin at pormal na ang suot niya ngayon hindi tulad noon puro uniporme ng agency ang laging sinusuot.

"Just Kira, Yassi. Nice to see you too. I'm glad that you're all okay." Sabi ko. Ngumiti si Yassi at namumula na ang mga mata at ilong at tila pinipilit ang sarili na huwag ako yakapin.

"Can I get a hug, M'lady?" Naluluha na sabi ni Yassi. Ngumisi naman ako.

"Kanina pa ako nangangalay oh?" Kunwaring sabi ko at naka-angat ang mga braso kaya agad siya sumugod saakin at humikbi.

Hinaplos ko ang buhok niya at may napansin sa kaniyang leeg. A mark? Parang alam ko na kung saan galing ito.

Sumulyap ako kay Daniel na ngayon nakasandal sa pader at may subong subo na lollipop sa bungaga at nakangisi habang pinapanood kami.

Sinamaan ko ito ng tingin at palihim na nginuso ang leeg ni Yassi kaya nag kibit balikat siya at ngumisi bago tumalikod sa akin. Aba! Itong bata na ito!

Bumitaw na sa akin si Yassi at pinunasan ang kaniyang luha.

"M'lady--"

"Just Kira."

"Ate Kira." Sabi niya at ngumiti kaya natawa na lang kaming lahat at napailing na lang ako.

"Babalik pa ba kayo sa Headquarters? Inaasahan po namin na pagbabalik niyo." Sabi niya at narinig ko tumikhim si Ace kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya umirap na lang ito.

"I want to enjoy my life as the Princess of my kingdom and the life with my beloved, Yassi. Kaya ipapaubaya ko sayo ang Headquarters dahil may tiwala ako sayo at alam ko na kaya mo." Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"P-po?! You're joking right? But ate Kira--"

"I know your abilities. Nasubaybayan ko ang pag pasok mo sa Headquarters. You've shown me your loyalty as your M'lady so its your time to handle it." Sabi ko. Hindi pa rin siya makapaniwala pero tumango na lang siya at ngumiti.

"Oh Daniel! Dahan-dahan baka mahulog!" Biglang sigaw ni Dylan kaya natawa kaming lahat at Namula si Daniel.

"Idiots..." Bulong niya at nakita ko ang pag iwas ng tingin ni Yassi at napalunok pa kaya natawa ako.

"Dapat magpapa-party kami pero alam namin na ayaw mo iyon," sabi ni James kaya ngumiti ako.

"Just a simple day with you all is already enough for me." Sabi ko at naramdaman ko ang paglapit ni Ace at pinalupot ang braso sa bewang ko.

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now