Chapter 8

20.7K 887 294
                                    

KIRA'S POV

"Daniel---what the heck?" Pagpasok ko sa room kung saan ko iniwan si Daniel bigla siya nawala. Saan naman nag punta ang isang 'yon?

Lumabas ako at tinawag ko ang isang agent na naglalakad.

"Where's Daniel?" Tanong ko.

"M'lady, umalis po sila "

"Sila? Sinong sila?" Nagtataka kong tanong.

"Sir Daniel po and Yassi." sabi nito. Napapikit ako ng mariin. Lintik na bata iyon, nandamay pa ng iba. Paniguradong pumunta ang dalawa iyon sa RVA.

Binigyan pa talaga ako ng panibagong problema punyeta.

YASSI'S POV

Papasok sana kami sa pinakaloob ng campus nang harangan kami ng taga bantay. Tinaasan siya ng kilay ni sir Daniel.

"What the hell?" Usal ni sir Daniel.

"Sir--"

"Who are you to blocked my way bastard?" Seryosong sabi ni sir Daniel. Hinigpitan ko ang hawak ko sa laylayan ng damit ko dahil sa kaba.

"I'm sorry sir, Prince Ace and his wife said---"

Nagulat ako ng tinabig ni sir Daniel yung tagabantay at nagulat ako rin ng kinuha niya ang kamay ko tsaka nagsimula mag lakad.

Kumabog ang aking dibdib at nahihirapan huminga. Hindi kaya dahil nakahawak siya sa kamay ko? Parang may kumikiliti sa aking tiyan.

Huminto kami sa gitna, lahat ng estudyante nakatingin saamin at iba naman masama ang titig saakin.

Nanatili naka hawak ang kamay ni sir Daniel sa kamay ko kaya napatingin ako dito. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kilig.

Nahalata siguro ni sir Daniel na napatingin ako sa kamay namin kaya dali dali niya binitawan kamay ko tsaka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Napanguso na lang ako.

"Sir, sino po yung hinihintay natin?" Tanong ko pero nanatili siya nakatingin sa harapan.

Napatingin ako sa harapan at bigla kumabog ang dibdib ko.

Nandito sila...

Nakita ko ang 7 Prince! Maging si Ma'am Bea ay seryoso nakatingin saamin. Napatingin naman ako sa isang babae na katabi ng Crown Prince.

Binigyan sila ng daan ng mga estudyante para makalapit sila saamin.

"Welcome back our little Daniel!" Sabi ni Prince Andrew. Inakbayan niya si sir Daniel kaya napa atras ako.

"Tch." Singhal ni sir Daniel.

"Who is he, hon?" Kumulo ang dugo ko dahil sa babaeng kasama ni Prince Ace. Siya ang dahilan king bakit nasaktan ang M'lady namin! Hmph!

"Daniel," Bored na tawag ni Prince Ace.

"Ang daming nag bago sa RVA, pati rin ba ang babae ng Crown Prince ay kailangan rin babago-bago?" Walang galang na sabi ni sir Daniel kaya nahulog ang panga namin lahat.

Bigla lumamig ang paligid pati amg pader ay nagiging yelo na rin.

"D-daniel, hehehe... halika kwentuhan muna tayo." sabi ni Prince Dylan.

"What the fuck did you say?" Kalmado na sabi ni Prince Ace pero ramdam mo ang galit.

"Oh, did I offend you?" Sabi naman ni sir Daniel kaya napalunok ako.

Kinalabit ko si sir Daniel kaya napalingon naman siya saakin. Kinabahan ako nang hindi lang siya ang lumingon pati na rin ang iba.

Wrong move takte!

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now