Chapter 4

22.7K 1K 436
                                    

Kira's POV

"Where's the CCTV footage?!" Sigaw ni Reid

Tumakbo kami dalawa papunta sa cctv room. Kung sino kumuha kay Sarah pag sisihan niya dahil ako ang haharap sa kanya.

Pinanood namin yung cctv footage at nakita namin kung paano si Sarah kuhanin ng apat na lalaki at bigla nalang ito nawala.

Anong klaseng nilalang 'to?

Imposible na mga bampira yon, iba yung aura nila.

"We need to find Sarah immediately!" Sigaw ko. Malilintikan talaga ang kumuha kay Sarah.

Nakita ko nakakaguluhan sila pero wala na akong oras kaya sumakay agad ako sa motor ko at pinaandar. Nakita ko ang mga kasamahan ko kasama na dun si Reid nasa likuran ko, nakasakay sa sasakyan.

"M'lady! We got your back! Just give us orders!" Napatingin ako sa aking katabi. Isa sa mga kasamahan ko na nakasakay rin sa motor.

Tumango na lang ako at binilisan ang pag takbo sa aking motor.

Each one of us has squads, Reid's squads, Sarah's squad and my squad. The Loyalty is the center of my headquarters. We trusts each other, that's how our team works.

Pinindot ko ang earpiece ko para ma-contact ang squad ko.

"Locate Sarah's place at instant." Sabi ko rito.

"Working on it, M'lady!" Rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ko.

Some of my squad are inside of my headquarters. Sila ang nagre-research ng mga details na kailangan ko.

"032 speaking, M'lady she is in Craw-wood Village!" Sabi nila.

"Good, tell that information to others." I said as I turn my motor in different direction.

"Copy!"

Binilisan ko ang pag takbo ng aking motor hanggang makarating ako sa sinasabi niyang village.

Inalis ko ang helmet sa aking ulo kaya bumagsak ang mahabang asul kong buhok. Nilipad ito dahil sa lakas ng hangin.

Nasalubong ko si Reid. Seryoso ito nakatingin saakin tsaka inabot ang latigo ko na hawak niya.

"Mabuti na lang nakuha mo," sabi ko sabay hampas ng latigo. Ngumisi lamang siya.

"Burara ka, kaya kailangan ko pa bantayan ang mga kinikilos mo." Pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa na lang siya.

Pag hampas ko ulit ng asul kong latigo lumabas ang kuryente nito sa gilid kaya napangisi ako.

"Let's go, we don't have enough time." Sabi ni Reid. Tumango ako.

May nakita ako luma at maliit na bahay. May nararamdaman akong ibang enerhiya nangagaling doon.

Dahan dahan ko ito pinasok pero nung nasa tapat na ako ng pinto may bigla sumugod sa akin. May hawak hawak itong punyal na ibabato saakin.

Muntikan na ako tamaan nito dahil sa bilis na taglay niya mabuti na lang mabilis ito sinalo ni Reid.

"Thanks." sabi ko. Tumango nalang siya

Tahimik namin nilibot ang maliit na bahay hanggang nag zoom ang paningin ko sa isang bakanteng kwarto.

Nakita ko si Sarah na walang malay, nagkakataka naman ako tumingin sa katabi niyang babae. Nanlaki ang mga mata ko na makita si Bea.

Napamura ako dahil hindi ko inaasahan pati siya ay nadamay. Pag apak ko pa lang sa kwarto, nagising agad ang dalawang bantay.

Nataranta agad sila nang makita ako. Hindi na ako nag tago pa. Tumayo lamang ako sa harapan nila.

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now