Chapter 14

18.6K 800 180
                                    

"It's been ages right?" sarkastikong ko sabi. Napahawak naman sa bibig si Kate. Ngumiti nalang ako ng mapait.

"Kira!" napatakbo sa akin si Kate at yinakap ako ng mahigpit. Nabigla ako at bumalik sa akin ang pakiramdam ng isang kaibigan noon. All memories are coming back.

"Kate!" saway ni Dylan sa kaniya. Bigla siya hinila palayo sa akin. Malungkot na lang ako tinignan ni Kate. Sinamaan ko naman ng tingin si Dylan.

"Bitawan mo nga ako." bulong ni Kate kay Dylan at pilit alisin ang paghawak nito sa kaniya pero mas hinigpitan ito ni Dylan.

"Stop it, Kate." inis na sabi naman nito. Kumirot bigla ang dibdib ko.

"Ano ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Blake.

"As far as I know, this is a mall." malamig na sabi ko.

"Umalis ka na." natigilan ako sa sinabi ni Dylan, ano ba ginagawa ko sa kanila?

"Why would I? Do you own this mall?" he clenched his jaw hinawakan naman siya ni Kate at tila pinapakalma. Napa irap nalang ako.

"Kira? ikaw ba yan?" napatingin ako sa likuran nila. Si Bea.

"Yeah, I have to go baka kasi may magalit pa isa diyan." at tinignan sina Dylan at Blake. Ngumiti ako ng sarkastiko. Tatalikod sana ako nang may humablot sa wrist ko.

"G-gusto mo sumama muna sa amin? you know we can have some talk.." sabi ni Katelyn. Napatingin naman ako sa mga kasama niya umiwas nalang ng tingin. Ngumiwi nalang ako, parang walang pinagsamahan kung umasta.

"She's right, masisingit naman ata kami sa schedule mo diba?" nagulat ako na mag salita si Bea.

Napataas ang kilay ko. It's a miracle to hear that from them, ano meron? may binabalak kaya sila or am I just overthinking?

"Sure, as long they are fine with that." at nilingon sina Andrew.

"Payag mga yan nagtatampo lang siguro mga yan sa'yo--"

"Katelyn." babala na na tawag ni Andrew. Napangisi nalang ako.
---

Pumasok kami sa isang resto at pagpasok ko agad ako nakaramdam ng kakaiba ang mga nagtratrabaho rito.

"I know you can feel it they're not a human, they're just normal vampires." sabi ni Bea. Unbelievable, siguro dito sila palagi tumatambay.

Umorder na sila at ako nanatiling nakatahimik. Kinuha ko yung phone ko para tignan kung sino nag text.

From: Daniel

Someone attacked us and don't worry I handling it right now, we will use him to know the enemy's plan. By the way where are you ate?

Napangiti nalang ako. Parang dati kinakarga ko pa lang ito, ngayon nakakapag plano na mag isa.

To: Daniel

Nice to hear that, just wait me there may inaasikaso lang ako don't worry about me. Bantayan mo si Yassi ah.

Sent!

Napangiti nalang ako sa tinext ko siguradong maiirita iyon. May natanggap uli ako ng text.

From: Velo

Don't trust anyone.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ito.

"It looks there's a man that making you happy right now." ngising sabi ni Katelyn. Agad ko tinago yung phone ko.

"It was just my agent."

"Oh, Natanggap ko nga balita na yan tungkol diyan." sabi niya tumango na lang ako. Tahimik yung iba kumakain at nakikinig lang sa amin.

"Still not move on from Ace?" bigla sabi ni Blake tsaka uminom ng wine.

"Blake," saway ni Bea.

Bigla nandilim ang mukha ko at pinipilit kinakalma ang sarili ko. Ngumiti ako ng peke bago sumandal sa aking kinauupuan.

"What makes you think that? I already forgot about that. In fact it's obvious how successful I am right now." sabi ko tumango tango na lang si Blake parang nang aasar pa.

"That's why you're planning to get revenge." sabi naman ni Dylan. Ngumisi ito kaya tuluyan nag palit ang mga mata ko dahil sa galit.

"Kira," mahinang tawag sa akin ni Bea.

"What? totoo naman diba? You planned all of this just to get revenge because he hurt you--"

"Wala kang alam sa pinapagdaanan ko kaya manahimik ka." Galit na sabi ko.

"That's enough okay? Kumalma muna kayo--"

"Walang alam? Hindi na namin kasalanan yon, umalis ka tapos masasaktan ka? sinaktan ka lang ni Ace nag gaganyan ka na, come on--" putol na sabi ni Blake.

Bigla nagtalsikan ang mga mesa na nasa paligid namin dahil sa impact na nagawa ko. Matalim ko sila tinignan.

Sinaktan lang? Wala pa sa kalahati ang rason na iyon kung bakit ako nagkakaganito.

"Iyon lang? Are you fucking kidding me?" at kinuyom ang kamao ko.

"Calm down Kira..." sabi ni Kate pero hindi ko ito pinansin.

"Akala ko ba alam mo ang buong talambuhay ko? Siguro nga mababaw dahil hindi mo pa alam ang buong kwento, bukod doon wala ka pa sa kalahati ang mga sinasabi mo kung bakit ako nagka-ganito..."

Napansinghap ang iba dahil sa aking sinabi.

"Hindi lang si Ace o kayo ang naging dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung sa tingin niyo ay madali lang sa akin ang mabuhay araw araw na mag isa, pwes nagkakamali kayo."

Umiwas ng tingin si Katelyn, si Kate naman ay nanggilid ang mga luha at si Bea ay malungkot na nakatingin saakin.

"Sabagay, hindi niyo pa nararanasan mawalay sa mga magulang niyo. Lumaki kayo na may ginto diyan sa paligid niyo kaya kahit anong gawin ko hindi niyo pa rin ako maiitindihan." sabi ko.

Ngumisi si Blake at nakapamulsa ako hinarap.

"It doesn't change the fact that you're getting revenge. Kung ako sayo wag mo na idamay ang iba kung ayaw mo masaktan ng husto."

Ngumisi ako dahil sa aking narinig. Mabilis ako lumitaw sa kaniyang harapan kaya napatayo silang lahat.

"I think I misheard something. Ako masasaktan? Darling, You don't know anything kahit mag sama sama pa kayo you can't easily defeat me. Kaya kung ako rin sayo mag ingat ngat ka sa mga sinasabi mo baka may malagyan ka."

"Kira!"

Binigyan ko siya ng malakas na suntok sa sikmura kaya napamura ito.

"Shit..."

Nilapit ko ang labi ko sa kaniyang tenga.

"Be careful with you words okay? dahil hindi lang yan ang kaya ko gawin." sabi ko.

"Kira wait!"

Hindi ko na sila nilingon pa. Umalis na ako sa lugar na iyon. Habol hininga ako na hinawakan ang dibdib ko.

'I did it, I faced my fear.'

Binuhos ko ang buo kong emosyon na kanina ko pa kinipkip. Natauhan ako nang may tumawag sa aking phone kaya kinuha ko agad ito.

Nakita ko si Daniel ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

"We need you here! Sarah and Yassi has been kidnapped by the vampires!"

Nanlamig ang kamay ko dahil sa aking narinig. Dahan dahan ko naibaba ang phone ko. Nananaliksik ang mga mata ko dahil sa galit.

~~••~~

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now