Chapter 5

22.3K 878 275
                                    

BRIANNA'S POV (BEA)

"The loneliness and pain changed me so if that's what you think, yes I changed." seryosong sabi niya.

Halo halo ang emosyon ang nararamdaman ko ngayon, Hindi ko alam kung tama ba talaga na pinili ko samahan sina Blake kaysa kay Kira.

Walang oras hindi namin siya inaalala. Alam ko na mali ang mga sinabi ko noon pero hindi ko sinasadya iyon nadala lamang ako sa emosyon. May dahilan kami ni Tyler kaya nagawa namin siyang iwanan.

Gusto ko makipag sabwatan sa mga bampira para malaman kung ano talaga ang hakbang na gagawin nila laban sa mga Moon warrior. Marami ako nalaman mula sa pag iimbestiga ko sa loob ng apat na taon.

Gayunpaman, kahit anong gusto ko na makita at mayakap ulit ang kaibigan ko, binawalan naman ako ni Tyler dahil kapag nahuli ako ng mga alagad ng royal family, maaari akong mamatay agad.

Tiniis ko ang pag-uulila ko sa kaibigan ko. Tiniis ko ang lahat para maligtas at ma-protektahan ang kaibigan ko.

"Kira, nagawa ko iyon para ma-protektahan ka. Alam ko na huli na ako para humingi ng tawad pero gusto ko lang malaman mo ito." naluluha kong sabi.

Hindi nag bago ang ekspresyon niya. Nanatili siya nakatitig saakin.

"Alam ko..." Sabi niya

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong alam niya?

"Alam ko ang mga ginagawa niyo." Pait niyang sabi. Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat.

"Iniintindi ko bawat araw ang nalalaman ko mula sa inyo pero hindi ko pa rin mapigilan ma-luha at malungkot. Kaya ko ang sarili ko, ganon na ba kaliit ang tingin niyo saakin?" Sabi niya kaya napahikbi ako.

"Wala kayo sa tabi ko para ipagtanggol ako sa kasal nila, wala kayo sa tabi ko nang naging ulila ako sa mga magulang ko, At wala kayo nang ipinagtaboy ako ng sarili kong pamilya."

"P-para rin sa kaligtasan mo ang ginaga---"

"Ayan ang hindi ko maintindihanm. Bakit kailangan niyo ko protektahan kung kaya ko naman ang sarili ko?" Nalilitong sabi niya.

"Naging duwag man ako noon pero kaya ko pa rin lumaban, Bea at iyon ang hindi niyo maitindihan."

"Kira, kahit sabihin natin na malakas ka, may mga kahinaan ka pa rin na maaari maging dahilan ng pagtumba mo." sabi ko kaya natigilan siya.

KIRA'S POV

"Kira, kahit sabihin natin na malakas ka, may mga kahinaan ka pa rin na maaari maging dahilan ng pagtumba mo."

"What are you talking about?" Inis na mahinahon kong sabi.

"I'm just saying the truth, Kira. Your family, friends or persons that you loved are your weaknesses." Sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang galit ko.

"Enough..." Galit na sabi ko. Nagbago na rin ang mga mata ko.

"You can't deny the fact, Kira!"

"I said enough!" Sigaw ko kaya nagulat siya. Napangiwi siya.

"You're still the same Kira that I used to know." Sabi niya bago nag laho na parang bula.

Nanghihina ako napaupo. Napahilot ako sa sentido ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kalabasan ng pag uusap namin.

---

Namamadali ako sumakay sa aking motor at pinaandar iyon. May nais ako alamin mula sa mga magulang ko. Ang mga kumuha kina Sarah at Bea ay hindi karaniwang nilalang.

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now