Chapter 6

21.9K 848 410
                                    

ALEX'S POV

"Hon, wait for me!" Tawag ko sa kaniya pero diretso lang siya sa room namin. We are married but its like I'm a stranger to him. I still don't know why he's acting like this.

Pagkapasok ko ay nakaupo na siya sa sofa. Nakapatong ang paa nito sa mesa kaya na buntong hininga ako.

"Hon, sino ang mga iyon?" Paglalambing ko sa kaniya. Hinaplos ko ang dibdib niya pero nanatili pa rin walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Don't ask." malamig na sabi niya kaya napa awang ang bibig ko. That's it! I can't stand this anymore!

"Ganyan ka na lang ba lagi sa akin?!" Sigaw ko at napatayo pa. Lumipat ang malamig niya tingin saakin. He look at me with his bored face.

"What's your problem?" tanong niya. Tumingin siya sa phone niya tila walang siyang pakialam kung magalit ako.

"What's my problem huh? You! You are my problem Ace! Why are you acting like this?" Sigaw ko sa kaniya kaya natigilan siya.

Nag buntong hininga siya bago nilapag ang phone sa mesa.

"You're over acting," maiksing sabi niya. I exhaled in disbelief. How can he be so insensitive?!

"I'm not overacting! I'm sick of this!" Sabi ko sa kaniya.

"Then leave." Sabi niya at binato saakin ang susi ng kotse niya at bigla siya umalis kaya napa awang ang bibig ko.

Kinuyom ko ang mga kamao ko.

Hindi ako susuko hanggang makuha ko ang loob mo.

KIRA'S POV

Pagpasok ko sa loob ng headquarters, lahat sila ay nagkaka guluhan. Napadpad ang tingin ko sa apat na lalaki na ngayon hawak hawak si Sarah at ang P.A ko.

Naglakad ako patungo sa pwesto nila kaya napangisi sila.

"Let them go," ma-awtoridad na sabi ko. Base sa aura nito parang magka pareho sila ng nakalaban ko sa lumang bahay.

Hindi ko alam kung ano ang intention nila pero ang alam ko lang ay may kumakalaban sa akin.

"Nandito ka na pala, bakit hindi tayo maupo muna--"

Naubusan na ako ng pasensya kaya nag laho ako sa puwesto ko tsaka mabilis na sumulpot sa harapan niya. Sinakal ko siya kaya napahawak ito ng mahigpit sa kamay ko.

"Wala ako sa mood ngayon kaya kung ayaw mo masaktan, bitawan mo ang mga kasama ko kundi ikaw ang malilintikan." Madiin na sabi ko.

Imbes na matakot ay tumawa ito. Sinuri ko ang mukha nito, maakala mo talaga na normal lang ito tulad ng mga tao pero malakas ang enerhiya nito lalo na nakakapanghina para sa ibang ordinaryo lang.

"Sa tingin mo ba ng masisindak mo ako?" sabi niya at ngumisi.

Nagbuntong hininga na lang ako at pumikit nang mariin. Pagdilat ko ay nag palit rin ang mga mata ko. Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa dahil pinutol ko ang ulo nito.

Nahihingal ako lumingon sa tatlo na ngayon hawak hawak si Sarah at ang P.A ko na si Yassi.

Pinaglaruan ko ang ulo ng lalaki habang madilim sila tinitignan. Nakita ko na napalunok sila habang nakatingin sa ulo ng kasama nilang lalaki.

"Kung ayaw niyo matulad sa kasama niyo, bitawan niyo ang mga hawak niyo." Sabi ko habang pinaglalaruan pa rin ang ulo.

Napalunok sila at nag tinginan pa sa isa't isa kaya napairap ako. Dahan dahan nila binitawan ang dalawa.

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now