Chapter 7

21K 898 240
                                    

Pagkalabas ko sumalubong sa akin si Yassi na hingal na hingal. Nagtataka ako tumingin sa paligid para hanapin ang gustong kumausap sa akin pero wala ako nakita.

"Nasaan na?" Naiinip na tanong ko. Tumingin siya sa labasan at tinuro ang lalaki doon.

"There he is, M'lady." Sabi niya kaya napatingin ako.

Lumapit ako sa labas para matignan kung sino. May lalaking bumaba sa motor at inalis ang helmet sa kaniyang ulo. Inayos niya ang buhok niya habang nakatingin sa salamin ng motor.

Tinaasan ko ito ng kilay. Mukhang binata pa ito, sino naman kaya ito?

Lumapit ang lalaki saakin kaya natigilan ako na masilayan ang kabuoan ng kaniyang mukha. Nabitawan ko ang hawak kong plastic bottle dahil sa gulat.

It's Daniel...

"Nice to see you again, My ate Kira." Nakangiting sabi niya. Nahuli ko ang pamumula ng pisngi ni Yassi dahil sa ngiting iyon. Napangisi na lang ako.

"Akalain mo ang alaga ko ay malaki na. Kamusta ka naman, baby Daniel?" Pang aasar ko sa kaniya kaya sumimangot ito.

"Stop it, Ate." Sabi niya kaya natawa ako.

"Wala ba akong yakap diyan?" Biro ko sa kanya kaya napangiti siya. Mabilis siya pumunta sa harapan ko at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ako makapaniwala na noon pinapakain ko lang ay ngayon binata na, ganon na ba talaga ako katanda? Tss.

"Kyaaahh!! Ang cute ng boy!"

"Love u na po yieee!"

"Magpakasal na po tayo!"

Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Sila ang mga kabataan na nagta-trabaho sa headquarters ko. Talaga ba naman....

"Pati ba naman dito?" Kunwaring nagagalit na sabi ko. Ngumiti naman ito tila nag yayabang.

"Ganon talaga kapag gwapo." sabi niya kaya napairap ako. Magkapatid talaga.

Tumuloy kami sa loob para makapag usap ng maayos. Naging maayos naman ang pag uusap namin.

Marami ako nalaman tungkol sa kaniya lalo na nalaman kong nag bakasyon pala siya sa ibang bansa.

"How are you? I mean... Kayo ni kuya." Bigla niya tanong. Hindi ako sumagot sa halip ay uminom na lang ako. Nainis siya dahil hindi ako sumagot.

"Come on..." Naiirita niya sabi kaya nagbuntong hininga ako.

"Mas mabuti kung magtanong ka sa mga kuya mo. Wala ka makukuhang matinong sagot sa akin."

"Hmm..." Tumango na lang siya tila nag iisip.

"By the way, nakabisita ka na ba sa kanila?" Pag iiba ko ng topic. Sumandal siya sa sofa bago pinikit ang mga mata.

"Hindi pa. I don't want to see their faces." Sabi niya kaya palihim ako napangiti. Ayoko na pag usapan tungkol sa mga kapatid niya. Ayoko masira ang mood namin dito.

"Hindi ako makapaniwala na malaki ka na, parang kailan lang sinusubuan pa kita." Sabi ko. Ngumisi naman ito.

"Don't worry, ako pa rin ang baby mo na cute." Puri pa sa sarili nito. Umirap na lang ako.

"Pagbigyan," Sabi ko.

Bumalot ang katahimikan sa amin. Ang saya sa pakiramdam dahil unang pag lapag ng eroplano niya, ako agad ang hinanap niya pagkatapos niya malaman ang nangyari.

Kahit napalayo siya sa akin, hindi niya pa rin ako nagawang kalimutan. Nakakapagtaka, sa gwapo ni Daniel may girlfriend na kaya ito? Pwede ko naman siya i-reto sa kakilala ko.

The Revenge of the Moon Warrior ✔Where stories live. Discover now