Special Chapter

46.4K 1.5K 463
                                    

♡♥♡

"Fvck it!!"

Napayuko si Death ng pagbabarilin siya ng mga tauhan ng Drug lord na puntirya niya ngayon.Hindi niya nga maintindihan kung bakit nakisali pa siya sa gulong ito na sa katunayan ay wala naman siyang pakealam.

Galing siya sa mall dahil binilhan niya ng regalo ang kanyang mag-ama. Bukas na kasi ang noche buena at malamang kailangan niyang magbigay ng regalo sa kanyang pamilya.

"Woooh tang*na!! Ang bait ko talaga!!"

Lumabas sa pinagtataguan niya si Death at nakipagbalikan ng putok sa mga goons.
Palipat lipat siya ng pwesto hanggang sa maubos na niya lahat ng kalaban.

Kaagad siyang bumalik sa kanyang kotse at umalis sa lugar na iyon.

Napadaan lang naman talaga siya at dahil sa isa siyang mabait na mamamayan ng pilipinas, siya na mismo ang sumabutahe sa transaksyon na mangyayari.

Pagkaparada ng kanyang kotse sa kanilang mansion ay isang mahigpit na yakap kaagad ang natanggap niya mula kay Ravaneal. Sa kanyang hita naman nakayakap ang bubwit.

"Where the fvck did you go!!"

"Want me to cut your tongue Andree?" pagbabanta ni Death ng marinig ang pagmumura ng kanyang asawa.

"I'm sorry. I'm just worried about you my Victoria."

"Ayper woyid twu" (Sniper worried too)

"I just went out for a while. Then ayun nasangkot ako sa isang transaksyon. I.. You know." napatawa ng alanganin si Death dahil alam niyang mag f-freak out nanaman ang O.A niyang asawa.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?"

Pinaikot ikot siya ng asawa habang iniskan ang kanyang buong katawan. Naisasama sa pag ikot niya ang bubwit sa kanyang hita na tumatawa.

'I really love this two'

⭐Deathalè⭐

"Sniper, nakikita mo naba yung papa mo?"
Tanong ko sa anak ko na nakatutok sa telescope.

Nandito kasi kami ngayon sa itaas ng puno at hinihintay ang magiging reaction ng kanyang papa sa ginawa naming panggugulo sa kwarto.

It is a bit gross pero kailangan. Binudburan namin ng ketchup ang sahig at totoong dugo naman ng manok ang nilagay namin sa kama. Wala kasi kaming magawa ng anak kong ito kaya yung papa niya ang napagtripan namin.

"Yup. 3 meters away from the door. Then binuksan na niya." napatawa ang anak ko kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko kasi makita si Andree mula dito. "His expression is priceless mom. Look"

Kinuha ko ang telescope at tinignan ang pinaggagawa ni Andree.

Hinahalughog niya ang buong kwarto. Mulang pumasok siya sa banyo. He even flip the bed. Hindi ko man marinig ang mga sinasabi niya. Alam kong nagmumura nanaman ito. Dali-dali siyang lumabas at ngayon ay nasa pintuan na siya ng mansion sa harap. Kinausap nito sina Chasey at Mike . Yung magjowang yun, nako wag lang nila kaming ituro.

Tumakbo paalis sina Mike at Chasey na mukang kunwaring maghahap, habang si Andree naman ay may tinawagan.

I think it's not a good thing na pagtripan ng ganito si Andree. Kaya niyang bulabugin ang angkan niya at angkan ko sa kapraningan niya.

"I think kailangan na nating magpakita Mom. Dad will surely do what you are thinking."

"I think so too."

Nauna akong bumaba sa puno at sinalo ko naman si bubwit. Well hindi na siya bubwit ngayon dahil 9 years old na siya.

Napatingin sa gawi namin si Andree kaya kumaway kaming dalawa. He immediately run towards us.

Ngayon nakaisip ako ng timing na surpresahin siya. Inilabas ko ang baril ko at ang bola na naglalaman ng surpresa ko.

Nang nasa kalahati na siya papunta saamin ay inihagis ko ang bola at walang pasabing binaril ito. May lumabas na confetti sa loob ng bola at isang napakaliit na eroplano dala ang kulay pink na papel at ng pregnancy test.

Napatigil si Andree atsaka inabot ang pregnancy text. Nanlalaki ang mata niyang tumingin saakin. Muli siyang tumakbo palapit saakin. Niyakap at iniikot ikot niya ako dahil sa kasiyahang nararamdaman niya.

"Damn!! Magiging daddy na ulit ako!! Magkakaroon na ng kasunod si baby Sniper ko?"

"Dad. O.A, di na ako baby."

"Whatever you say little girl." ginulo ni Andree ang buhok ni Snipe. And we play like a child in that garden.

Masaya ako na maayos na ang lahat. Mom and Dad already settled to be in a vacation tour. Pire already have his family and unfortunately, hindi sila ni Chasey ang nagkatuluyan. Si Lorian nangibang bansa na. The Elites have their own family too at pinamumunuan ang kanilang organisasyon ng maayos. Hindi na nagkakaroon ng away at nagkasundo na kami na ang sino man ang magtraydor sa circle ay kamatayan ang kaparusahan. Palagi parin naman kaming nagkikita kita para sa meeting at ang Council? Well, we don't need a council anymore.

Masaya na kaming namumuhay sa simple ngunit maaksyon naming buhay. A simple life without action is boring. Though dahil nga may pamilya na kami, less action na muna.

"Being a badass doesn't mean that your life has no direction. You just want some thrill before life takes all your time for heavier responsibilities" ~ Victoria Deathalè Maiden

🔚

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now