Chapter 17

56.4K 2.1K 447
                                    

Ravaneal vs. Death

♡♥♡

Walang ganang naglalakad si Deathalè papunta sa kotse niya. Bagong umaga nanaman at makikita nanaman niya ang kanyang mga mahal na ka eskwela. Tinatamad siya ngunit sa tuwing maiisip niya ang maaaring mangyari ngayong araw matapos ng sagupaan nila sa elites ay may kaunting pursyento ng kasipagan sa katawan niya ang nabubuhayan. Ngunit kahit ganoon ay parang wala siyang lakas na pumasok ngayon, para bang may mabigat na nakapasan sa kanyang likod.

"Are you okay Tori?" tanong sa kanya ni Pire ng mapansin ang katamlayan ng muka niya.

"Yeah, don't mind me."

Ayaw naman na niyang pag-alalahanin ulit ang kaibigan niya. Pinaandar na ni Pire ang kotse samantalang siya ay isinandal ang ulo sa may bintana.

Pagkarating nila sa eskwelahan, mga matang may takot at paghanga ang bumungad sa kanila pero wala siyang lakas na pansinin pa ang mga ito.

"Are you really okay? May sakit kaba?"Pinatong ni Pire ang palad niya sa kanyang noo umiling. "You have a fever, umuwi na tayo."

"No. I want to attend our class for today. I will just rest this and later mawawala na din."

Sumuko na si Pire at inalalayan nalang siya nito papunta sa classroom nila.

"Goodmorning Death" bati nila Mike, tinanguan niya lang ang mga ito bago maupo sa upuan niya at dumukdok sa mesa.

Sa tanang buhay niya, ito palang ang pangalawang beses na nagkasakit siya. Ang unang beses ay nung nasa grade 1 palang siya noon.

'tangnang sakit to. Panira ng araw'

Buong klase siyang nakadukdok sa lamesa niya hanggang sa matapos ang klase nila.

"Tori, umuwi na tayo o kaya ay doon ka magpahinga sa clinic."

Tiningnan niya lang si Pire at bumalik nanaman siya sa pagkakadukdok sa lamesa niya.

"Fine, wait me here. Ikukuha kita ng gamot sa clinic."

Tumango lang siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang minuto ang lumipas bigla siyang tumayo at lumabas ng kanilang classroom. Nagpunta siya sa elites building kaya pinagtitinginan nanaman siya ngunit hindi nila ito nilalapitan dahil kita parin ang mga pasa sa kanilang muka at maging ang sakit sa kanilang mga katawan pero wala siyang  pakealam.

"What are you doing here?"

Napaangat siya ng tingin at nakita ang pagmumuka na ayaw niyang makita.

"None of your business."

"It is my business Miss Deathalé, nandito ka sa building na pinamumunuan ko."

"O pakealam ko? Kinagwapo mo ba yan Mr. Ravaneal?"

Nilagpasan niya ito at tinahak ang daan papunta sa haven ng tatlong magkakaibigan. Alam naman niyang nakasunod sa kanya si Ravaneal pero hinahayaan niya lang.

"Bakit ka papasok?"

"kasi nasa labas ako. Gago kaba?"

"Are you really testing my patience?"

"Anong grade?"

"What?"

"Ayoko sa test, puro naman commonsense ang tanong."

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng haven nina Ravaneal. Una niyang pinuntahan ang ref sa kitchen at nanguha ng mga chocolates.

"Hey!! That's mine."

Tinignan niya ang hawak sa bawat parte nito at hinarap ang lalaki.

"Ikaw ba si Snickers? Hindi diba? Kaya manahimik ka!"

Kinain niya ito sa harap mismo ni Ravaneal na masama ang tingin sa kanya.

"What are you up to? Are you drunk?"

"Kung lasing ako, nasa hospital kana sana ngayon."

Umakyat siya sa kinaroroonan ng mga kwarto ng tatlo at pumasok siya sa kwarto ni Ravaneal. Naalarma si Ravaneal pero bago pa siya makapasok sa sarili niyang kwarto ay palabas na siya dala ang isang unan at comforter ng lalaki. Gusto niyang matulog na muna .

Inilatag niya ang comforter sa lapag at nahiga roon. Ang amoy ng unan at comforter ay nakapagbibigay sa kanya ng magaan na pakiramdam kaya di kalaunan ay nakatulog na siya.

-

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Ravaneal ang natutulog na si Deathalé. Pwede naman niya itong ipagtabuyan kung gusto niya ngunit pakiramdam niya ay may mali kapag ginawa niya iyon.

"Maganda ka pero, antapang mo. Nakakabawas ng pagkalalaki."

Aminado siyang maganda si Death ngunit sa pagiging maangas nito ay medyo hindi niya iyon gusto. Para kasing mas lalaki pa ito sa kanya at mas may kakayahang makipagpatayan kung sakali mang maging sila.

Napasapok siya sa ulo niya dahil sa kabaliwang naiisip niya.

'Bakit ko ba iniisip na magiging kami? Ayyst tangna!'

Naupo siya sa sofa na malapit sa carpet na pwinestuhan ni Death. Tinitigan niya ito at pinag-aralan ang buo niyang muka.

"Sana tulog ka nalang palagi kapag nakikita kita."

Kapag kasi gising ito ay parang palaging may mangyayaring kalokohan. Lalo pa't alam niyang mapaglaro si Death.

Naputol ang pagtitig niya kay Death ng bumukas ng marahas ang pintuan.

"TORI!!"

Napatayo siya at hinarap ng walang emosyon ang lalaking nambubulabog sa kanyang lugar.

"What are you doing here?"

Hindi siya pinansin nang lalaki hanggang sa dumapo ang tingin niya sa babaeng mahimbing na natutulog.

"What did you do to her?"

Tinutukan na siya ng baril ng lalaki at may galit sa mga mata nito. Hindi siya nagpatinag dahil hindi siya gumalaw ng ni konti.

"She went here by herself. She ate my chocolates and used my comforter and pillow. I didn't do anything. I bet she's sick." sabi nalang niya upang kumalma ang lalaking kausap.

Ibinaba ng Pire ang hawak na baril at nilapitan si Death. Naupo siya sa sofa katabi ni Ravaneal at sabay silang nagmasid sa napakapayapang itsura ng babae.

"Pota, ang ingay niyo mga gago!" nagulat sila sa biglaan nalang nitong pagsasalita, akala nila ay gising na ito ngunit nagsalita lang pala siya ng tulog.

'Tangna, nagulat ako doon a.' -Pire

'This girl' -Rav

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें