Chapter 5

62.7K 2.1K 584
                                    

Middle Elites

⭐Deathalé⭐

"Goodmorning Death!" bati sa'kin ni Lorian nang makita niya ako sa hallway.

"Goodmorning Lorian." balik kong bati sa kanya.

Lahat ng mga estudyante na makakasalubong o makikita kami ay biglang magbubulungan. Titingin samin na may takot at pagkairita.

Ganyan talaga siguro kapag astig at maganda, maraming nagiging inggitera.

Hinayaan ko nalang sila since naiintindihan ko naman na ang pagiging inggitera ay hindi basta basta nagagamot lalo na kung kasing ganda ko ang palaging nakikita nila. Okay...okay... masyado ng mahangin.

Napangiti ako ng bahagya nang makita kong hindi na kasing pangit ng dati ang itsura ng pintuan ng classroom namin. Binuksan ko ang pintuan at mas lalong lumawak ang ngiti ko. Naka organize na ang tables and chairs, malinis narin talaga lahat. Para talaga itong classroom ng mababait na estudyante.

"Ano! Okay naba mahal na prinsesa?" sabi nung Mike na parang inaasar pa ako sa paraan ng pagkasabi niya ng 'mahal na prinsesa'.

"Ayos na ayos ginoo!! Keep it up." natatawang sabi ko na ikinatawa ng iba at ikinasimangot naman niya.

"Pshh, bahala ka nga."

Nagdadabog itong pumunta sa pwesto niya sa likod. Ako naman ay pumwesto malapit sa bintana. Speaking of bintana. Naayos na ang bintana na binasag ko. Itinawag ko kasi ito kay Kuya Mochi para ipaayos niya, and here it is.Maayos na siya.

*🎶ring tone- Machine by: Exo🎶*

👤 Pire calling.....

|Answer|Decline|

"Hello Payri!!"

[What the fvck was payri? It's Pire Tori]

Napabungisngis ako habang ini-imagine ang itsura niya ngayon. Magkasalubong nanaman siguro ang kilay niyang makapal at naka arko.

"Wateber Pire, bakit kaba tumawag? Namiss mo ako ano? Yiee ikaw ha."

[Ako miss ka? Asa ka, naiwan mo kasi yung black card mo madam. Nandito ako sa field niyo, kunin mo dali!!]

"Inuutusan mo ba ako?" seryosong tanong ko. Pero sa totoo lang ay gusto ko ng tumawa. Kitang-kita ko kasi siya ngayon mula dito sa bintana namin.

[H-hindi po Young Lady. Gusto mo bang ako na ang magdala nito diyan?]

"No. Its okay, let's meet at the dining hall."

Pinatay ko ang tawag atsaka tumawa ng malakas. Pinagtinginan tuloy ako na para bang isa akong malaking baliw.

"Bakit ka tumatawa Death?" tanong ni Lorian tsaka iniabot sakin ang baseball bat kong naiwan ko kahapon.

"Wala lang. Hahaha"

Tumayo ako at lumabas ng room na bitbit ang baseball bat ko. Pinapaikot-ikot ko ito sa kamay ko habang naglalakad sa hallway.

"Ano nanaman kayang mangyayari ngayon?"

"Halla lagot, nasa dining hall yung mga Middle Elites"

"Sa tingin mo katulad lang siya nung babaeng sinubukan ang Elites?"

"Siguro, for sure mapapaalis din yan dito ng maaga. Baka nga ngayon na e."

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ