Chapter 55

33.9K 1.1K 15
                                    

♡♥♡

Napasandal sa isang puno si Pire ng makaramdam siya ng pagod. Hingal na hingal na siya dahil sa layo ng tinahak niya. Mukhang naliligaw na siya, isabay pa ang pananakit ng kanyang ulo at panlalabo ng mga mata dahil sa sugat sa kanyang ulo.

"Sh*t. Tori needs me."

Sa kanyang kalagayan, si Death parin ang iniisip niya dahil nalalapit na ang Koronasyon. Mas delikado ang buhay ng kanyang kapatid.

Hindi siya maaaring tumigil dahil alam niya na pinaghahanap na siya ng mga dumukot sa kanya. Marahil malayo pa ang mga ito sa kinalalagyan niya ngunit hindi siya pwedeng magpakampante.

Tumayo siyang muli ng maayos at nagsimula nanamang maglakad. Ilang sandali pa ay natanaw niya ang daan. Ngunit ang masahol ay walang dumadaan na ano mang sasakyan.

"May imamalas paba to?"

Napabuntong hininga na lamang siya at napaupo sa daanan. Naghahangad na sana ay may dumaan at ialis siya sa lugar na iyon.

Halos dalawampung minuto ang nakalipas ng may narinig siyang tunog ng motor. Nabuhayan siya ng loob at hinintay na makarating sa pwesto niya ang sasakyan. Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang nagmamay-ari ng motor na iyon. Isang bigbike at parang namumukaan niya disenyo nito.

Huminto ito sa harap ni Pire. Samantalang naiinip namang naghihintay si Death upang sumakay ang kapatid niya. Tama, si Death nga ang nagmamaneho ng bigbike na iyon.

"Hop in Pire. We need to go to the hospital."

"Tori?"

"Yes it's me my dear brother. So hop in. Malapit na sila."

Kaagad niyang sinunod ang sinabi ni Death at linisan na nga nila ang lugar na iyon. Mabilis ang pagpapatakbo ni Death sapagkat alam niyang nanghihina na ang kanyang kapatid.

Sinundan niya ang GPS tracker na nilagay ni Death sa sapatos ni Pire. Napansin niya ang hindi karaniwang paggalaw nito. Nakaramdam siya ng pangamba kaya dali-dali niyang iniwan si Ravaneal sa Haven nila at dito na nga siya napadpad. Pinasabog narin niya ang bodega kung saan dinala si Pire. Halos kasunod lamang ng pagtakas ni Pire ang pagdating niya.

Napabuntong hininga si Death. Akala niya ay mawawala nanaman sa kanya ang kapatid niya. Kahit na hindi naman talagang nawala si Drevor sa mundo, nandoon parin yung pakiramdam na nawalan. Ayaw niyang maramdaman ulit ang sakit na iyon.

Pagkarating nila sa hospital ay kaagad niyang pinatingin sa doctor si Pire. Nawalan kasi ito ng malay nung malapit na sila dito.

"Kamusta siya doc?"

"He's okay Miss Deathalè. Kailangan nalang niya magpahinga."

"Thank you."

"If may I excuse. Tawagin niyo nalang ako kapag kailangan niyo ako Miss Deathalè"

Tumango si Death at naiwan sa kwarto kasama ng nahihimbing na si Pire. Naupo siya sa couch at napaisip.

Malakas ang kutob niya na may kinalaman si Gustav sa pangyayaring ito. Nakahanda narin ang dapat na maganap sa susunod na araw at sa gabi ng mismong koronasyon. Ang inaalala niya ang ang mga anak ng mga traydor na ito. Kung maging ang mga iyon ba madadamay sa magaganap. Kunsabagay, hindi na niya sakop ang mararamdaman ng mga ito, kasalanan na ito ng mga magulang nila.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Grover na may pag-aalala sa muka, kasunod nito si Ravaneal.

"Okay lang kayo?"

Lumapit si Grover at sinilip si Pire. Si Ravaneal naman ay tumabi kay Death.

"He's fine. Kailangan niya lang ng pahinga. They really want a war." sabi ni Death at napakuyom ang kamao niya.

"What do you mean?" tanong ni Grover.

"Alam kong may kinalaman dito si Gustav at ang iba pa. Sisiguraduhin kong matatapos na ang kahibangan nila sa susunod na araw. They will kneel down and beg for their lives."

Hindi na nagsalita pa sina Ravaneal at Grover dahil ramdam naman nila ang nakakatakot na aura ni Death.

Iniisip na ni Death kung papaano niya papahirapan ang mga traydor na iyon. Kung paano niya gustong mapakinggan ang hiyaw nila sa sakit, ang pagmamakaawa nila para sa kanilang walang kwentang buhay.

Lumabas muna si Death sa Hospital upang ibalita sa kanyang ama at ina ang nangyari. Papasakay na siya ng kanyang bigbike nang lumapit si Betani.

"Death"

Kinakabahan man ay naglakas ng loob na lumapit si Betani upang kausapin si Death patungkol sa nalalaman niya. Ang hindi niya alam, matagal ng alam ni Death ito.

"Betani, what brings you here?"

Ibinabang muli ni Death ang helmet niya at itinuon ang atensiyon sa kausap.

"I wanted to tell you something."

Nakaramdam si Death na patungkol ito sa pagtataksil ng magulang niya sa black organization kaya hinayaan niya ito.

"Go on. I'll listen."

"The last 5 families in the circle is planning to drag you down. Pinaplano nilang patayin ka at ang pamilya mo, they were the one plotted the assassination happened years ago at yung nangyari nito lang. I know na kapag sinabi ko ito ay madadamay ang pamilya ko but can you please... Please spare their lives? Let them rot in jail but please let them live."

Kahit naman kasi isinuplong niya ang kasamaang ginagawa ng kanyang mga magulang ay magulang niya parin ang mga ito. Ayaw niyang maulila sa magulang.

"Is that so? Hmm thank you for informing me Betani. But I can't promise that I can hold back to kill those people, the reason why I lost my dear brother. Go home Betani. Don't let your parents control you. You have your own life. You must know what you really want to do to your life."

Nagsuot ng helmet si Death tsaka mabilis na umalis sa hospital.

Naiwan naman si Betani na nakatayo doon na tila iniisip ang mga katagang binitiwan ni Death sa kanya. Napaupo nalamang siya sa kinatatayuan dahil nanghihina ang kanyang tuhod. Kailan man ay hindi talaga mawawala ang nakakatakot na presensya ng mga Maiden. Kayang kaya nilang gawin ang lahat, isang malaking pagkakamali ang naging desisyon ng kanyang ama. Isa suicide ang ginagawa nilang plano. Para silang papasok sa lungga ng isang dragon na ang dala ay gasolina. Mas matutupok lamang sila nito.

"What have you done dad." sambit nito sa sarili at napahagulgol na lamang.

Walang kaalam-alam ang lahat ng anak ng mga traydor maliban kay Bettani sa pinaggagawa ng kanilang magulang. Lalo na si Jamvi dahil hindi naman ito malapit sa magulang, kadalasan nga'y puro pagtatalo ang nagaganap sa pagitan ng mga ito. Ano na ngalang kaya ang mangyayari?

-

"Are you ready Deathale?"

Napangisi si Death habang tinitignan ang kanyang repleksiyon sa salamin. Nakasuot siya ng tube dazzling black gown na pinasadya niya upang maging kumportable siya rito. Mas pinaganda pa ito ng make up niyang tinerno sa pagiging fierce ng kanyang muka.

Ngayon na ang gabi ng koronasyon na pinakahihintay niya.

"Always ready Mom"

Isang nakakakilabot na tawa ang bumalot sa kanyang tahimik na kwarto. Tawang nagsasabi ng kanyang maagang tagumpay.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now