Chapter 50

36.1K 1.2K 95
                                    

♡♥♡

Sa isang conference room ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga magulang ng ilan sa mga elites. Isa itong pribadong pagpupulong na para lamang sa limang pamilya- Gustav, Jetkins,Smith,Reyle and Morgan.

"We need to get rid of that Castellan. Wala na siyang halaga satin"

Pinag-uusapan nila ang naganap na pagtatangka ni Nigel kay Death na hindi natuloy. Ito'y nakapagbigay ng pagkadismaya sa kanila.

"Maging si Marien ay nahuli narin. Hindi na natin siya magagamit at kailangan naring mawala siya dahil baka ituro pa tayo nito."

Sumang-ayon ang mga nasa loob ng silid sa sinabi ni Gustav. May punto kasi ito, lalo na't may pagkakataong, nagkakaroon ng face to face na pag uusap sa magkabilang panig.

"Sa tingin mo, hindi pa alam ni Deathalè ang plano natin? She's not a Maiden for nothing."

Natahimik ang lahat ng nasa silid dahil may punto naman si Reyle. Sa murang edad ni Death ay talagang makikitaan mo na ito ng potential bilang isang pinuno.

"Kaya kailangan natin silang maunahan, kailangan na nilang mamatay."

Isang ngiting tagumpay ang sumilay sa mga labi ng nga taong nandoon sa pag-aakalang ang huling halakhak ay nasa kanila. Pinag-usapan nila ang magiging hakbang laban sa mga Maiden, plinano rin nilang kunin ang suporta ng ika apat at limang pamilya upang pumanig sa kanila. Ang hindi nila alam ay may taong nakarinig buong plano nila.

-

Sumandal sa pintuan ng kanyang kotse si Betani dahil sa pagod at dahil narin sa pagkabigla. Hindi niya inaakalang magagawa ng ama na makipagsabwatan sa mga matataas na pamilya dahil lamang sa ambisyon nitong mas tumaas pa.

Mula sa paaralan ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero na pinapapunta siya sa address na ito. Natabunan ang kanyang pagkawalang pakealam ng kuryosidad lalo na't damay ang kanyang magulang.

Pinuntahan niya ang address at ayun na nga ang nasaksihan niya. Ang pagpaplano ng limang pamilya laban sa pamilya ni Death.

Bumalik siya sa paaralan. Hindi parin mawala sa kanyang isipan ang nalaman. Nagtatalo ang kanyang konsensya kung sasabihin ba niya ito sa iba o wag na lamang mangealam. Iniisip niya rin kung alam ba ito ng mga kasamahan na kasali sa pamilyang naroon kanina sa pagpupulong. Ano nga ba ang maaaring gawin ni Death kapag nalaman niya ito.

Natatakot siya para sa Ama, para sa pamilya niya sapagkat ang pamilyang binabangga nila ay hindi basta-basta. Hindi niya maisip na darating ang panahon na babagsak sila o ang pinakamasama ay haharapin nila ang kamatayan nila.

"Betani!! You're spacing out."

Pagtawag pansin ni Aidan sa kasamahan. Napansin niya kasing nagbago ang kilos nito.

Nasa loob sila ng kanilang sariling opisina sa paaralan, naroon sa silid na iyon maging sina Death na kasalukuyang natutulog.

"Huh!?"

"What's your problem Betani?"

Napatitig si Betani kay Grover. Matagal na siyang may pagtingin rito ngunit ayaw niyang mag take risk at baka masira lang ang nabuong samahan nila bilang mga magkakasama sa cycle 10.

"N-nothing"

Yumuko na lamang siya at napatitig sa kamay niya na ngayon ay nanginginig.

"Sometimes, zipping our mouth is the best way to protect the many."

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now