End

45.5K 1.3K 554
                                    

♡♥♡

"Tama na yan man, kalimutan mo nalang kaya siya?"

Tinapik ni Pire ang braso ni Ravaneal na nakamukmok sa lamesa na punong puno ng mga alak.

"How can I even forget her man!! She's my life!! She's my damn life!!" humagulgol na ito sa iyak at tumungga ulit ng alak. "I miss her!! I miss her scent, her skin, her deadly stare, her lips. I miss everything about her!! Bakit kasi siya nawala!!"

"Man! Tarantado ka. Para namang namatay yung kapatid ko. Nasa ibang bansa lang siya. Babalik rin siya dito."

Tama ang narinig niyo. Ang ating Andree Ravaneal Knight ay nag o-over acting lang dahil daw matagal na niyang hindi nakikita si Death. Hindi naman niya maaari itong dalawin dahil marami siyang dapat na gawin rito sa pilipinas at hindi rin siya papayagan ni Mr. Demitre Maiden.

"Pero it's been 5 years!! Paano nalang kung pinalitan na niya ako. Paano kung may iba na siya?"

"Kung mahal ka niya, mahal ka niya. Kung hindi, edi hindi. Kunsabagay, nandoon naman si Nigel na pwede niyang mahalin sa loob ng limang taon nayun."

"No!!! I will kill that dumbass. Hindi niya makukuha sakin ang Victoria ko. No!!!"

Ilang sandali pa ay nakatulog na ito sa sobrang kalasingan kaya wala ng nagawa si Pire kundi ang buhatin ito at ipasok sa loob ng mansion. Halos doon na manirahan si Ravaneal sa pagbabakasakaling umuwi na sina Death. Dahil sa pagka frustrate ay naglalasing nalang ito na para bang namatay si Death at hindi na niya makikita pa.

Minsan natatawa si Pire ngunit natutuwa siya dahil alam niyang puro ang pagmamahal na mayroon si Ravaneal para sa kanyang kapatid.

Tumunog ang telepono sa mansion. Sinagot ito ni Pire.

"Hello, Maiden's residence."

[Pireyyyyyyy!!!]

Halos nanghina si Pire ng marinig niya ang boses na iyon. Ang boses na matagal niyang hindi napakinggan na parang naging musika sa kanyang pandinig ngayon.

[Hoy Pire!!]

Napabalik siya sa kanyang wisyo ng tawagin siyang muli nito.

"T-tori" naiiyak nitong pagtawag sa kanyang pangalan.

[I miss you Kuya Pire]

"Damn, i miss you more Tori. Kailan ka babalik?"

[Actually, natatanaw ko na ang mansion mula rito. So 10 or 5 minutes nandyan na ako. So ciao Pireeey!!!]

Binaba na ni Death ang tawag. Si Pire naman ay nagmadaling pumunta sa kwarto kung saan niya iniwan si Ravaneal. Kaagad niya itong pinaghahampas ng unan upang gisingin. Gusto niya kasing madatnan ito ng maayos ni Death ngunit mukang malabo. Lasing na lasing talaga ito. Dahil don ay hinayaan na lamang niya. Tinawagan na lang niya si Grover.

"Hey man, nandito na si Tori. I'm just informing you. Baka gusto mo pumunta dito."

[Syempre naman. On the way na ako]

Kaagad na naghintay si Pire sa pintuan at hinintay ang pagdating ni Death kasama ng ilan sa kanilang mga maids at butlers.

Nanlalamig ang kamay ni Pire, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa excitement na nararamdaman niya na sa loob ng limang taon. Makikita na niyang muli ang kanyang pinakamamahal na kapatid.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now