Chapter 31

47.7K 1.6K 283
                                    

Mission

Deathalé

"Thank you for taking care of us Manang Josi." sabi ko sa babaeng sumalubong samin ni Ravaneal kanina.

Sa pag stay namin dito ng mga tatlong oras ay siya ang umasikaso saamin ni Rav.

"Nako, wala iyon Miss Victoria. Masaya nga ako at merong naging bisita muli ang Villa na ito."

Naalala ko nanaman ang litrato ni Ravaneal kasama ng babae. Ayokong magkaroon pa ng malalim na kaalaman patungkol sa litratong iyon dahil pakiramdam ko, hindi ko rin naman iyon magugustuhan.

"Manang Josi, salamat po sa pag-asikaso saamin. Sa uulitin po, aalis na po kami." pagpapaalam ni Rav kay Manang Josi. Galing pa kasi ito sa loob at hindi ko alam kung anong ginawa niya doon.

Tahimik lang kami sa buong biyahe pabalik sa Academy, nandoon kasi ang kotse ko at alangan naman na iwan ko iyon doon.

Ramdam ko ang palagiang pagsulyap niya sakin. And it irritates me.

"Do you want to say something? Or wanna ask something? Spill it." sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Are you mad? Kanina kapa ganyan sakin. After you left the studio room, feels like something change from you? Sinapian kaba?"

Saakin? May nagbago? What would that be?

"I'm not. Just drive idiot."

"Did you just call me idiot?"

"Yes"

"You're unbelievable..."

"I know.."

Hindi na siya nagsalita pa at itinuon nalang ang sarili niya sa pagmamaneho. He's pouting like a duck, grrr.Nakakakilabot. Ravaneal Knight is pouting.

Dumating kami sa Academy na oonti nalang ang tao. Maybe umuwi na dahil anong oras narin naman. It's already 5:30 pm.

"Tori!!" Kaagad akong hinagkan ng yakap ni Pire ng makababa ako sa kotse ni Ravaneal. Did he wait for me? "You made me worried again little Tori."

"I texted you that I'm with Rav. Did you wait long?"

"Yeah.. But waiting that long is worth it lalo na at nandito kana."

"Ehem.." napalingon kami kay Rav. Nandito pa pala to. "Bring her home. Safely"

"You don't need to tell me. I will."

Bumaling naman ang tingin niya sakin. " See you tomorrow Victoria. Goodnight."

Pumasok siya sa kotse niya at umalis na. Naiwan kami dito ni Pire kasama ng ilan pang estudyante.

"Wow, first name basis naba kayo?"

"Shut up Pire. Let's go home."

Tumalon ako sa likod niya at kumapit sa leeg niya. A piggy back ride.

"Arrghh you're heavy Tori.."

"I'm not."

Paano naman ako magiging mabigat, ang sexy ko kaya. Hahaha.

-

Lumabas ako ng kwarto ko dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nakalimutan ko kasing magpadala ng tubig sa kwarto.

I was busy drinking ng bigla akong makarinig ng ingay sa labas. Para bang may kaganapan na hindi ko alam. Wearing my pajama and hello kitty shirt, lumabas ako para tignan kung anong meron.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now