Chapter 18

55.6K 1.9K 518
                                    

Death vs. Mean girls

Deathalé

"Nagugutom ako" sambit ko ng maimulat ko ang mga mata ko.

Alam kong nasa tambayan ako nung tatlong unggoy kasi naaalala ko naman ang nangyari at hindi ako lasing. Inilibot ko ang tingin ko ngunit wala akong makita ni kahit isa.

Napahawak ako sa noo para sana damhin ang temperatura ko pero may nakadikit na kulay yellow na sticky note. Mga gago yung mga yun.

———
Mahimbing ang tulog mo kaya hindi kana namin ginising. Pinagluto kita ng soup at may gamot ka rin na iniwan ko. May pupuntahan lang ako saglit. Sorry for sticking this to your forehead. ~Pire
———

Napatayo ako kaagad at nagpunta sa kitchen para kumain. May sopas nga na nakalagay sa sosyaling kaldero, pinainit ko ito at pagkatapos ay kumain na. Masarap pala magluto si Pire, akala ko puro baril lang alam hawakan nun e.

Pagkatapos kong kumain, ininom ko na yung gamot. Inayos ko narin yung comforter nung masungit na Ravaneal na iyon.

After doing the sh*t stuffs inside their house ay lumabas na rin ko. Sinigurado kong naka lock ang pinto para di na sila makapasok.

Mabuti na ang pakiramdam ko. Parang hindi ako nagkasakit at gumawa ng kagaguhan kanina. I even talk back to that S-Elite. I should take it slowly, para mas masaya.

Nasa hallway na ako na nagdudugtong sa E/B building nang harangin ako ng tatlong palaka/clown o kahit na ano pang tawag sa kanila.

"Look whose here, the matapang wanna be"-Palaka 1

"For sure, ang room 324 ang tumalo sa mga elites at naging pabigat lang ang isang yan."-palaka 2

"Nagmamatapang lang siya kasi may kapit. So pathetic"-palaka 3

"Tapos na kayo? Pwede na kayo tumabi?" walang ganang sambit ko.

"You disrespectful base class!!!! Hindi mo ba alam ilugar ang sarili mo?"

"Bakit kayo? Diba dapat nasa bukid kayong mga palaka? at hindi pa naman tag-ulan bakit nagsilabasan kayo?"

"Ano!! You low class stupid girl!! Sa tingin mo kaya mo kami?"

"Kaya ko naman talaga kayo? Want me to prove it?"

Humakbang ako palapit sa kanila at sila naman ay umatras.

"Hindi mo kami matatakot."

"Talaga lang ha? Kaya pala napapa atras kayo. Wag niyo akong simulan mga kokak dahil baka kayo mapagbalingan ng inis ko."

Oo naiinis ako. Kanino? Bakit? hindi ko din alam. Nababaliw na yata ako.

"We will make sure na di ka makakatagal dito!!"

I raised my middle finger not facing them. "Do it fvcktards."

Kahit naman anong gawin nila. Wala paring mangyayari. I can make them crawling on the ground in a snap.  Hayy i wish i'm that really bad para idamay ko ang pamilya nila but heck no. As long as hindi pa below the belt ang ginagawa nila, i will let it pass.

⭐Someone⭐

"Ano nang balita sa paghahanap niyo sa tagapagmana ng mga Maiden?"

"Napaka higpit po seguridad nila. Wala kaming mahanap na kahit isang bakas ng kanilang tagapagmana."

"Gawin niyo lahat ng dapat niyong gawin. Kailangang mapasaatin ang tagapagmana nila. Patay man o buhay."

"Masusunod po."

♡♥♡

Habang naglalakad si Deathalé sa hallway ng elites ay hindi niya mapigilang mapaisip kung anong mangyayari kapag nalaman ng lahat na siya ang itinatagong tagapagmana ng mga Maiden.

'Minsan, napakahirap din magtago'

Nasa may likuan na siya nang makita niya ang dalawa papunta sa gawi niya.

"Tori"

Napahawak siya sa kanyang dibdib at napasandal sa pader. She's breathing heavily.Lumapit sa kanya ang dalawa.

"Tori!! Anong nangyayari?Tori!!"

"Let's bring her to the clinic."

Bubuhatin na sana siya ni Pire ng biglang.....

"Practice lang.... Hahahhaha"

Tumayo siya at iniwang nakatulala ang dalawa habang siya ay paalis na.

"Ang galing ko talagang umarte. Hahaha."

-

"Kill Deathalé. Dapat bukas ay wala na siya sa mundong ito."

"Masusunod."

Hindi ko hahayaang agawin ko ang lahat sakin. Isa ka lang transferee. A low class transferee.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now