Chapter 10

59.2K 2K 419
                                    

Base ft. Snakes

Deathalé

"Payriiii~" umalingawngaw ang sigaw ko sa buong cafeteria. Lahat sila ay napatingin sa gawi ko and I careless, nakikirinig lang sila.

Lumapit siya sakin at sinimangutan ako. "Saan kaba nagpunta? "

"Sa Elites building, in-invite kasi ako ni Nigel sa Haven nila at nakikain ako."

Naupo ako sa malapit na upuan dahil napagod ako at sumasakit na ang tiyan ko. Nako, sana wag akong magkalat dito.

"And who's that Nigel?"

"Yung anak ng mga Castellan. He's kind and cute."

"Mas cute naman ako dun."

"Huh?" hindi ko kasi narinig.

"Wala."

Minsan hindi ko alam kung anong trip ng lalaking to. Saglit palang kaming magkakilala pero parang feeling close na kami sa isa't isa. Honestly, hindi ko siya itinuturing na reaper namin, kundi isang kuya na nagbabantay sa kanyang sakit sa ulong kapatid. Wala kasi akong kapatid, only daughter ang peg ko.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"I just wanted to see you." nagpangalumbaba siya at tinitigan ako. What's with this guy today?

Anyway highway, may naiisip na akong kalokohan. Kinuha ko ang phone ko at nag dial ng number ng sa kung sino man ito.

[Good day young lady]

"Get me hundreds of non poisonous snake, dalhin niyo dito sa school after lunch break." mahina kong utos rito. Narinig yata ito ni Pire kaya kumunot nanaman ang noo niya. Ang ganda talaga ng kilay nito.

[masusunod young lady]

Pinatay ko yung tawag at ginaya si Pire na nakapalumbaba at nakatitig.

"Ano nanaman bang gagawin mo Tori?" he asked without breaking our eye contact.

"Nothing. Just a greeting for them." I smiled immitating his stare.

"Will you let me help you?"

"Ofcourse."

-

Nag start na ang klase namin and I excused myself from the class para magawa ko ang plano ko. Pire stays on the parking lot and wait for our deliveries.

I'm currently heading my way to the parking lot where Pire is waiting for me. Meron na ang mga boxes at mga ilan naming assassins sa parking lot when I arrive. They really support me.

"Kumpleto naba ang lahat?" tanong ko sa kanila.

"Yes Young Lady." sagot nila.

"Ok, so ang gagawin niyo. Lagyan niyo lahat ng locker, restrooms at sasakyan ng mga estudyante. Ikalat niyo ang mga ahas everywhere.  Wag kayong mag-aalala, ako ng bahala sa CCTV." since hindi rin makaka angal sakin si Kuya Mochi. Hihi.

Naghiwa-hiwalay kami at ikinalat ang mga ahas sa mga palagiang pinupuntahan ng mga estudyante. Bakit ko ba to ginagawa? Wala lang, trip ko lang talaga. Kaysa naman basagin ko lahat ng kotse nila diba? Ayy teka, tama. Aha!

Kumuha ako ng Hammer na malaki at pinagbabasag ang mga kotse sa parking lot at binutas ko din ang gulong nila.

"Pati kotse dinamay mo." sabi ni Pire mula sa likod ko.

Tumayo ako ng matapos ko ng mabutasan ang kahuli-huliang kotse dito. Andami kasi, napagod tuloy ako.

"Ganyan talaga. Bakit kaya hindi narin pati kotse mo?" tanong ko sa kanya.

"That's not mine Tori. It's yours."

"Ahh ganon ba.? Sige basagin narin natin." binasag ko rin ang mga salamin ng kotse ko at binutas ang gulong. "Ayan, tapos na."

"What the hell, are you crazy?" hindi makapaniwalang tanong ni Pire na tinawanan ko lang. Matagal na akong baliw.

"Ihh excited na ako sa mangyayari mamaya. Papasok na ako Pire! Sabay ka nalang kila assassins. Bye!" nag wave ako sa kanya at tumakbo pabalik sa klase ko.

"Saan ka galing Death?" tanong ni Lorian

"Sa Cr, sumakit yung tiyan ko e." pagpapalusot ko.

Hindi na siya nagtanong ulit dahil baka masita siya ni teacher. Ako? Natulog lang, natatagalan ako sa oras ng uwian.

NAGISING ako dahil sa pagring ng bell na hudyat na uwian na. Kaagad akong tumayo at lumabas kasabay ng mga kaklase ko.

Paglabas ko palang ng room namin. Umalingawngaw na ang mga tilian at mura ng mga kaklase kong rich kids.

"WAAAAHHHH!!! SNAKE!!"

"POTA!!! TANG*NA!!!"

"PUNYETA!! FVCK!!"

"BULLSH*T YUNG KOTSE KO!!! P*TA!!!"

"WAAAHHHHH HEEEELP!! SNAKE!!SNAKE!!!"

"WHAT THE FVCK IS HAPPENING IN THIS FVCKING WORLD!!?"

"AYOKO NA SA EARTH!!"

Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako sa mga pagmumukha nila ngayon. Ang iba ay umiiyak na at ang iba naman ay nahihimatay at namumutla. Gangsters na takot sa ahas? Hahaha ang epic nila.

"Hayy, ano na kaya ang susunod kong gagawin?" tanong ko sa sarili ko habang masayang naglalakad papunta sa gate. Nandoon na kasi ang pinadala kong baby ko.

I hope they like my simple greeting.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now