Chapter 52

34.7K 1.2K 250
                                    

♡♥♡

Hindi alam ni Death kung tama bang sumabay sa paglalakad niya ang dalawa niyang kapatid. Nakasuot siya ng croptop na hoodie at jogger pants na black na tinernuhan niya ng spike rubber shoes.

Alam niyang hindi dahil sa suot niya kaya siya pinagtitinginan ng karamihan ng mga nakakasalubong nila habang papasok sa purgatory underground. Dahil ito sa dalawang lalaking maangas ang paglalakad na nasa likuran niya.

"Si Key yan diba? Bakit kasabay niya si Grover? At sino naman yang bagong hottie na kasama ni Grover?"

"Aba malay ko girl, pareho lang tayong walang kaalam alam dito."

Kahit na hindi nila nakikita ang kanyang muka dahil tinatakpan niya ng hood ito ay hindi niya mapigilang mapairap na lamang sa mga naririnig.

Tuluyan na silang nakapasok sa loob at sigawan ang bumungad sa kanila. Sa kalimitang ganito ang mga tao sa P.U ay malamang sa malamang na may naglalaban sa ring.

Pumaharap sila ng kaunti upang makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Hindi narin siya nagtaka ng makita kung sino ang naglalaban.

Si Uran- ang bulol sa 'L' ngunit malakas sa close combat, laban kay Kanigan- ang mayabang na feeling gwapong numero tres raw sa individual category. Pareho silang may laban ngunit para kay Death, mas lamang sa pisikal at atake si Kanigan.

"This place is like a riot place" kumento ni Pire.

Alam ni Death na ito ang unang beses ni Pire na makapunta rito dahil hindi niya kasi ito isinama noong panahong nagpupunta siya rito. Tumatakas lang siya.

"You're right Pire. This is a place for riot."

"Wooooh!!! Kanigan!!"

"Kanigan!!"

"Ka-Ni-Gan!!"

Napangisi si Death dahil sa ingay ng mga nanonood. Nanalo kasi si Kanigan at knock out ang kanyang kalaban na si Uran. Kawawang nilalang.

"May gusto bang humamon kay Kanigan?" tanong ng tagapagsalita sa ring.

Si Kanigan ay isang malaking tao. Marahil ay mga isang metrong taas ang lamang kay Death at malalaki rin ang katawan na katulad ng sa mga wrestling fighter.

At dahil gusto ni Death ng pagkakaabalahan, she raised her hand and push the button na nagsisilbing parang tracking device ng spot light,dahilan para malipat sa kanya ang atensyon ng lahat.

"I wanna fight him"

"Key wants to fight Kanigan.!!"

Naghiyawan nanaman ang mga manonood. Naisip niyang inaasahan ng mga taong ito ang magandang laban mula sa kanya at sa taong nakangising nakatingin sa kanya ngayon.

"You sure about this?"

"I can fight him for you"

Hindi niya pinansin ang dalawang kapatid. She headed her way inside the ring kung saan naghihintay ang bakulaw niyang makakalaban.

'He's really big' saad niya sa kanyang isip.

"Sigurado ka ba dito bata? Hindi porke babae ka ay pagbibigyan kita."

"Then don't"

Ngumisi si Kanigan na pinagsawalang bahala naman niya. Ang pagngisi sa kanya'y hindi nakakapagpabago ng katotohanang mas mahalaga ang quality kaysa sa quantity.

"Mga kaibigan!! Atin ng umpisahan ang hindi inaasahang labanan ngayong gabi. Si Key na nakatago sa kanyang hood at maskara, kay Kanigan na naging undefeated na. Handa na ba kayoooo!!!!"

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt