Chapter 35

38.7K 1.2K 106
                                    

"Asawa ko!" Napangiti ako nang sumigaw na naman ulit si tita Yians. Dumaan kami sa kabilang side na diretsyo pala papunta sa kusina nila. 

Narinig ko rin ang mga yabag mula sa hagdan na pababa na. Doon ay nabungaran ko ang isang makisig at gwapong lalaki. For goodness sake! Hindi siya mukhang tatay! Mukha siyang 30 years old lang!

"Hey honey, you're too loud. Who is with-- E-Eerrah?" Natuod ako nang banggitin nito ang pangalan ko. Halos maiyak ako dahil may nakita na naman akong tao na mula sa nakaraan ko.

"Hi tito C-Cronus," naiiyak na saad ko, bigla namang napasinghap si tita Yians sa tabi ko.

"Mygoodness! Magkakilala kayo honey, sweety?" tanong nito, tumango lang ako nang marahan.

"Eerrah ija! How's your dad?" nakangiting sabi nito, hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha nito. Napakagwapo pa rin niya kahit siyam na ang anak niya, I wonder kung gaano kawapo lahat ng kapatid ni Primo.

"He's in critical condition right now, wala pong kasiguraduhan kung ayos ba ang lagay niya," mahina kong sabi na nagpagulat dito. Hindi rin ito makapaniwala.

"I'm sorry, ija. But I know your dad, he is strong like me," pagpapagaan nito sa loob ko, sa katunayan ay nakatulong naman ito. Alam kong bestfriend siya ni daddy noon. 

"I'm sorry for that, sweety. Don't be sad, from now on. Tawagin mo na akong mommy at tawagin mo na ang asawa ko na daddy. Is that clear?" Napaawang nang mahina ang bibig ko dahil sa gulat. Sakto naman na dumating si Primo na nakangiti lang.

"B-but--"

"Ofcourse mom! That's clear, right boss?" sabat sa akin ni Primo na nakangisi pa. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

Napatingin ako kay mommy nang bigla itong pumalakpak. "Perfect! Asawa ko! Mag boys talk muna kayo ng bunso natin, makikipag-bonding muna ako dito kay Eerrah," tuwang tuwa na sabi nito.

Bigla bigla na lang ako nitong hinila papuntang kusina. Natutuwa pa nga ako dahil parang bata ito kung lumingkis sa braso ko. Napahanga pa ako nang makita ang malaki nilang kusina, ang dami ring maids dito na kasalukuyang naglilinis.

"This is our kitchen, sweety. Pwede bang help mo akong mag-bake? Sige na. Ang sungit kasi ng mga anak ko, tapos wala pa akong babae na anak. Ikaw muna ang anak ko pansamantala ha?" Biglang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Ang sarap siguro magkaroon ng mommy, kasi nararamdaman ko, e.

"Mag-bake po? Sure. Game ako diyan!" masigla kong sabi, marunong naman akong mag-bake dahil tinuruan ako dati ng mga maids namin doon sa mansyon.

Binigyan ako ni mommy ng apron at sinuot niya pa sa akin 'yon, ang ganda ganda ko nga raw kaya nakakatouch talaga siyang kasama.

Habang ginagawa namin ang ingredients at habang nagbe-bake ay may napagkuwentuhan kaming mga bagay. Kung paano ko nakilala si tito Cronus at kung anong klaseng boyfriend si Primo.

And I can say that... this is happiness. Yung tanggap ako ng magulang ng taong mahal ko, yung pakiramdam na para akong may nanay. Kahit saglit lang.

"PAANO NAMAN siya nagre-react kapag nag-aaway kayo?" tuwang tuwa na tanong nito kaya napangiti na lang rin ako.

"Hindi naman po kami nag-aaway nang sobra, minsan po kasi ay inaaway ko lang siya kasi ang cute niya pong manuyo," pagkukwento ko, napahagikhik na naman ito.

"Pasensya na kung masyado akong makulit, nagtataka ka ba? Pasensya na, a. Ganito naman talaga ako, pero kapag may nang-agrabyado sa mga anak ko ay makakapatay ako." Kinilabutan ako sa biglaang pagdilim ng mga mata nito.

"Okay lang po, nakakatuwa nga po kayo, e," nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya pabalik at bahagya pang kinurot ang pisngi ko.

"Alam mo ija? Never pa akong nabigo ng mga anak ko," seryosong sabi nito kaya nagseryoso na rin ako.

"Lahat ng dinala nilang babae rito... 'yon ang mga nakatuluyan nila. Yung mga babaeng kauna-unahang dinala nila dito ay sila din ang mga pinakasalan nila. I can say that I'm happy for them, kasi lahat ng unang babae na minahal nila ay ang magiging huli rin nila." Namangha ako sa narinig... Knights are really serious when it comes to love.

"Nakita ko kung paano magmahal ang mga anak ko, they are willing to die just to protect their women. Namamangha rin ako dahil hindi pa sila nagkakaroon ng pangalawang babae, tulad nga ng sabi ko kanina. Kung sino ang unang babae nilang minahal, 'yon din ang mga nakatuluyan nila. " I smiled sweetly.

"Wow," nasabi ko na lang.

"And I'm happy for you, dahil ikaw ang kauna unahang babae na dinala ni Primo dito." Hinaplos niya pa ang buhok ko habang sinasabi iyon, muling may humaplos sa puso ko.

"And I want to tell you this, ija." Tumango ako at dinugtungan niya naman agad ang sasabihin "My youngest son... loves you so much. Hindi ko napansin kanina na ikaw pala yung kinukwento niya sa akin noon na mahal na mahal niya. At alam kong totoo 'yon dahil alam ko kung gaano siya nasira noong nawala ka raw, alam ko kung paano siya halos mamatay nang mawala ka."

Hindi ko na naiwasang mapaiyak sa mga narinig ko, he suffered for me. Oh gosh, how I love that man.

"Please, don't break his heart again. He's been broken for so many years. Promise me, sweety." Kusang napayuko ako dahil nakita ko kung gaano ito mahihirapan.

I juat nodded to say that I won't break his heart again... but I can't promise.

"Thank you ija. Sana ay kayo na ngang dalawa ang sa huli."

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon