Chapter 15

46.3K 1.6K 101
                                    

"I'll take care of the decorations needed for the stage and the event. Hindi naman mabigat ang schedule ko ngayon," Senses volunteered.

Tumango naman si Primo sa kaniya. "Yeah, I'll let you handle those things. I'll take care of the prices. Kaliber, announce the updated platforms in the whole university, you can ask Aeiou to come with you," malamig niyang sabi bago ako lingunin.

"Bakit?" tanong ko.

"Sumama ka sa akin, lalabas tayo ng Empires High. I need to buy some equipments needed for the show," he explained. Naningkit ang mga mata ko.

"Ayoko, gusto kong sumama kay Senses. Secretary ako ng buong councils kaya hindi pwedeng sa 'yo lang ako lagi sumasama!" pang-aasar ko sa lalaking 'to.

Kitang-kita ko kung paano dumilim ang ekspresyon niya. Galit na hinarap niya ang councils. "Starting today, you can't order her around, she's not our secretary anymore. She'll work for me, exclusively, for me," mariin niyang saad habang diretsyo pang nakatingin sa mga mata ko.

Natawa naman ako. "Kahit hindi mo naman 'yan sabihin sa kanila, gano'n pa rin ang kalalabasan. Never pa kaya akong inutusan ng mga 'to! Ikaw lang ang numero unong utos nang utos," sabat ko.

Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga miyembro ng council. Totoo naman ang sinasabi ko, si Primo lang naman talaga ang utos nang utos sa akin. Ni isang utos wala akong narinig sa mga miyembro niya. Napaka-bossy talaga. Kung hindi lang para kay mommy, baka nabuntal ko na siya sa pagkapikon ko.

"I have the rights to order you around because you're working for me, Eerrah," malamig na sabi ni Primo.

"May sinabi ba akong wala kang karapatan?"

"You're talking like you're blaming me for it!" sigaw niya.

"Ganito lagi ang tono ko kaya masanay ka na!" I said.

"I don't like your tone so keep it to yourself!"

"Edi ikaw na lang ang maging Eerrah total gusto mong kontrolin lahat ng sasabihin at gagawin ko! Ikaw na! Halika! Palit tayo ng kaluluwa!" singhal ko.

"Shut up!" gigil na singhal niya bago hilutin ang sentido.

"Ikaw ang mag-shut up! Bakit mo ba kasi ako kinakausap pa e alam mo namang mag-aaway lang tayo lagi!" panunumbat ko.

"Yow, guys. Chill out. Nandito pa kami, ginawa ninyo naman kaming audience," Silver joked around. Sinundan 'yon ng hagikhik ni Diamond.

"Ngayon ka lang na-stress ng ganiyan, boss," she said while laughing at Primo who's currently massaging his forehead.

Inangat naman ni Primo ang tingin niya sa akin bago ako samaan ng tingin. "Wala kasing ibang ginawa ang babaeng 'to kung hindi pasakitin ang ulo ko. Ang ingay ingay."

"Ha!" Napasinghal ako nang wala sa oras. "Ako pa ang sisiin e siya lagi ang nag-uumpisa ng usapan. At sino bang nagpumilit sa akin na magtrabaho rito? Ikaw!"

"I'm doing you a favor by finding your mom's whereabouts and you have to work for me in exchange of that!" Napatayo na siya sa kinauupuan nang sabatin niya ako.

Hindi makapaniwalang tumayo rin ako. "You threatened me!"

"I do that everyday!" he angrily said.

"Putangina edi takutin mo na rin pati si mommy na huwag magpakita sa akin! Sige! Takutin mo lahat! Baka pati si Annabelle at Sadako matakot sa kahibangan mo!" Napapadyak ako sa sobrang pagkairita.

"Ang ingay mo!"

"E ikaw, ang sama ng ugali mo! Mahihiya si Satanas kapag nakasalubong ka! Baka kapag namatay ka ikaw na ang pumalit sa trono niya bilang hari ng impyerno! Pwe!" gigil kong sigaw bago siya layasan.

"Eerrah! Come back here!"

"'Yang pride mo ang pabalikin mo! Bwiset ka!"

Gigil na sumipa ako sa ere nang mawala na siya sa paningin ko. "Nakakainis siya!" nanggagalaiti kong bulong.

Agad naman akong naglakad nang mabilis nang marinig ang mabibigat niyang yapak papalapit sa direksyon ko. "Eerrah!"

"Heh! Bwiset ka!" namumula kong sigaw dahil sa inis.

He grabbed my arm gently nang makahabol siya sa akin. Inangat ko ang mukha at sinamaan siya ng tingin. "Ano na naman? Iinisin mo na naman ako?!" untag ko.

He bit his lower lip gently before combing my hair using his fingers. "I'm sorry."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niyang 'yon. Did he just said sorry to me? Primo Knights... said sorry?

"Woah, sinong anghel ang sumapi sa katauhan mo?" mangha kong tanong sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo sa iisang katawan.

"Sumapi, fuck, what?" he irritatedly asked.

"Nag-sorry ka kasi sa akin, balita ko mga anghel lang ang humihingi ng tawad kapag may nagagawa silang kasalanan. Nag-improve ka na ba boss? Hindi ka na ba demonyo?" nang-aasar na tanong ko. Muling bumalik ang inis at pagkairita sa mukha niya.

"If you can shut up for a minute, do it," mariin niyang saad bago maglakad papalayo. Mabilis ko namang hinubad ang sapatos ko bago siya batuhin. He held his nape when my shoe hit him, galit na nilingon niya ako na para bang ano mang oras ay ibabalibag niya ako.

Hinagis niya ang sapatos ko pabalik na mabilis ko namang sinuot sa paa ko. I faced him. "What the fuck is your problem?!"

"Ikaw! Mag-so-sorry ka tapos napaka-pride mo pa rin! Lunukin mo na 'yang sorry mo, kahit solohin mo pa. Wala akong pake!" gigil na gigil na sigaw ko atsaka padabog na lumabas ng opisina nila. Pinagsisipa ko lahat ng batong nadadaanan dahil sa inis. "Napakayabang, asbag, ma-pride, walang modo!" bulong ko.

Binaling ko na lang ang tingin sa nilalakaran ko, sakto naman na may klase na ako maya-maya kaya mabuti na rin na nakaalis na ako roon sa opisina. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa stress. Ang Primo kasi na 'yon!

Kung hindi lang talaga ako takot sa kaniya, malamang nabaril ko na siya sa ulo. Pero imposibleng mapatay ko ang lalaking 'yon, papaputukan ko pa lang siya ng bala ay patay na siguro agad ako.

 Nabaling ang tingin ko sa digital calendar dito. Psh, biro mo 'yon, tatlong linggo na rin pala akong naninilbihan sa Primo na 'yon.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Where stories live. Discover now