Chapter 12

46.4K 1.7K 87
                                    

"Anong landian? May mga syota na 'yon. Bakit, crush mo ba si Senses at Black? Yiee, lantod," pang-aasar ko. 

He rolled his eyes in a manly way bago gigil na sumagot. "Shut up for a minute, can you?"

"Ito na," mabilis kong sagot bago itikom ang mga labi ko. He just stared at me unbelievably na para bang may ginawa akong mali. Nagtatakang binalingan ko naman siya. "Sabi mo shut up," bulong ko.

"Fix your things inside your room. Everything you need is there. Bumaba ka agad pagkatapos mo, you'll start working with us now. And go straight here after your class," malamig niyang sabi.

Tinatamad na tumango na lang ako sa mga binibitawan niyang salita. Ano pa bang sasabihin ko, gusto ko na lang titigan ang mukha niya magdamag. Paano ba kasi naging ganito kagwapo 'tong lalaking 'to.

What if magpalahi ako sa kaniya? Mayaman naman siya, shuta, kahit isang dosena ang mga anak namin, ayos lang.

Nabalik ako sa reyalidad nang inis siyang bumaling sa akin. "Bilisan mo, ang bagal mong kumilos," huli niyang saad bago lumayas sa harapan ko. Hindi na ako umangal pa, pumasok na lang ako sa kwartong nasa harapan ko.

I gasped in amusement when I saw the room. Napakaaliwalas. Kulay puti ang buong pader at halos kulay itim lahat ng mga gamit. Napakaganda sa mata. May malaking sofa sa pinakagilid ng kwarto, katabi naman nito ang study table na nakaharap sa bintana. Nakadikit ang queen-sized na itim na kama sa pader para bigyan ng daan ang glass door patungo sa veranda. 

I really love this room. Hinagis ko na lang ang maleta sa sofa bago ibagsak ang sarili sa kama. Mamaya ko na lang aayusin 'yang mga gamit ko, five minutes lang ang binigay na palugit sa akin ni Primo, ano ako si flash?

I composed myself before taking a deep breath. Muli akong tumayo sa kama bago lumabas ng kwarto. Dire-diretsyo lang ako pababa ng first floor kung nasaan ang meeting area. Nakita kong nakaupo na ang mga myembro ng councils doon kaya naglakad na lang din ako papunta sa bakanteng upuan.

"Nasaan si Primo?" tanong ni Kaliber na nag-iinat ng katawan.

"Nasa buwan nagkakape," sagot ko na agad nasundan ng tawanan. Gigil na inirapan ako ni Kaliber na sinuklian ko ng mapang-asar na ngisi. Lahat kami ay natahimik nang umupo si Primo sa dulo ng lamesa. Nasa kaliwang banda niya si Senses at nasa kanan naman ako.

Napangisi ako sa loob ng utak ko, ang gwapo talaga nitong lalaki na 'to. Saan kaya nagmula genes nila, puwede kayang bumili? Kaso mas gusto ko kapag galing kay Primo, yiee kileg.

 Nakapalumbaba lang ako nang magsimula ang meeting nila. Wala naman akong ibang gagawin dito kung 'di ang maging chismosa.

"I've noticed something written on the platform, so far so good, especially when Black decided to add some activities every Thursday and Friday," panimula ni Primo habang binabasa ang papel na hawak. Nilingon ko naman ang papel na nasa harapan ko bago ito basahin.

Platforms pala nila 'to para sa university.

"Bakit may ganito ako?" bulong ko kay Primo na agad nag-angat ng tingin sa akin.

"You need to be updated with our meetings, para hindi ka patanga-tanga kapag may inutos kami sa 'yo," malamig niyang sagot.

Napabusangot naman ako. "Gawin mo na lang akong muse ng councils kaysa secretary. Tanginang secretary 'yan, saan ka nakakita ng diyosa na inalipin," pagbibiro ko. Rinig na rinig ko pa ang tawanan nila Aeiou sa gilid namin. Primo on the other hand just shook his head.

"This platform is good, but it's not enough for me. From Monday to Wednesday, the schedule was changed because of the extra-course added in every class. Mahigpit pa rin ang oras, students will be stressed out with these. Wala na ba kayong idadagdag dito?" striktong tanong ni Primo sa lahat.

The councils remained silent, hanggang sa nagtaas ng kamay si Czalette. "I think competitions will blow up?" Umiling si Primo.

"They're already stress with the hectic schedule, it would be more stressful for them if they have to practice every week for the competition." I nodded my head, agree naman ako sa sinabi niya.

Mas lalo lang madadagdagan ang stress dahil kailangang isingit ang oras para mag-practice sila. Kahit gaano pa kalaki ang prize, mai-stress pa rin sila. Muli kong tinuon ang pagbabasa sa platform. Primo cleared his throat. "Anyone? Suggestions? Any of your fucking opinion is acceptable," he said.

Kinagat ko ang ibabang labi nang makita ang isang activity every Thursday and Friday. Open stage and open event? Ibig sabihin kahit anong party or event ang simulan ng estyudante, acceptable? "Showcase of talents and skills, substitute this one sa dalawang platform na to," saad ko bago ituro ang 'open stage' at 'open event'. Binasa naman agad nila ang tinuro ko.

Nilingon ako ni Primo. "Why?"

"I mean, this platform was written 1 year ago. Sawa na sila sa platform na 'to kaya siguro laging blangko ang gymnasium. Nagkakahiyaan kaya walang masimulan. But if we apply this one, they'll be more comfortable since tayo ang magsisimula ng event. Every students have the freedom to showcase their talents, without practicing, on the spot performance kumbaga," paliwanag ko.

I saw how they slowly nod their heads like I said something agreeable. Ilang segundong natahimik si Primo bago tumango.

"That's good, we'll add it here. I didn't know that there's a space for serious matters inside your head, Eerrah," malamig niyang sagot sa akin.

Napangisi naman ako. "Kung hindi mo maitatanong, lagi akong top 1 noong elementary kaya—"

"And going back to the topic." Bumusangot ako nang putulin niya na naman ako. The members of council just let out a laugh with that. 

 "How about the prize?" dagdag ni Primo.

"Ikaw na lang, mayaman ka naman 'diba? Asbag ka pa. Lahatin mo na," sabat ko dahilan para mas lumakas ang tawanan ng councils. 

Primo just smirked at me mischievously. "My pleasure." I just rolled my eyes on him. Nakakairita siya, pero okay lang kasi pogi naman siya.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon