Chapter 10

48.7K 1.8K 184
                                    

Tahimik na naglakad ako para sundan ang mga taong 'to, hindi ko nga alam kung nasaang parte kami ng Empires High. Wala na akong pakealam sa mangyayari, kung mamamatay, edi mamamatay. 

Doon din naman ang punta ko pagkatanda ko kaya mas mabuting mapaaga na. Pero brutal pumatay ang mga Knights. Fuck. 

Puputulan ba muna ako ng paa? O kaya tatanggalan ako ng mga mata? Puwede ring braso muna. Shet! Sana barilin na lang agad ako sa ulo. Ayokong ma-torture.

Nakakahiya kapag in-autopsy ako tapos putol-putol katawan ko, skeri, gago. Most embarassing moments ko siguro 'yon kahit patay na ako.

Tuluyan nang nanlamig ang buong katawan ko nang tumigil kami sa tapat ng isang magandang lugar. Senses opened the big door for us, agad na lumibot ang mga mata ko sa kabuoan ng opisina na pinasukan naming. 

Isang malaking sala ang bumungad pagkapasok naming, sa kabilang parte naman ng kwarto ay mahabang table na napapalibutan ng swivel chairs at isang single sofa sa pinaka-unahan ng lamesa.

This part looks like a meeting room. May mga nakapalibot kasing white board na may mga nakasulat pang anek anek na hindi ko maintindihan. Lumiko kami sa isang hallway, doon ko mas malayang nakita ang siyam na work station. Kaniya-kaniya pala sila ng table rito. Special treatment nga katulad ng kinukwento nila Red at Vivrianne.

"I'll just call Primo," paalam ni Senses sa amin bago umakyat sa second floor. Pakiramdam ko ay naroon ang mga kwarto nila. Malamang, alangan namang natutulog sila sa sahig. Parang mansion na nga 'tong bahay-opisina nila.

"Vowels," tawag ko kay Aeiou na agad namang tumakbo papalapit sa akin. Tumikhim ako. "Anong ginawa ko? Wala naman akong kabalbalang ginawa. Bakit ako pinapatawag ng presidente ninyo?"

She shrugged her shoulders. "I don't know either. Kanina, bigla niya kaming inutusan para tawagin ka. Hindi niya sinabi ang dahilan. At ikaw naman, Eerrah, ano ba talagang ginawa mo? Sure ka ba na hindi ka na naman nag-walwal?" galit na tanong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi. "Ahm. Sinubukan kong lumabas kaninang madaling araw. Saglit lang naman talaga tapos—"

"What? You're doomed! Bawal lumabas hanggang hindi pa Sabado at Linggo! Ang kulit kulit mo talaga, he might kill you, Eerrah. Primo won't think twice to kill you. We promised your dad that we will protect you, pero ano ka ngayon?" frustrated na saad niya.

Kinagat ko ang ibabang labi habang bahagyang nakalabi. "Sorry na. Gusto ko lang naman kasing makausap si daddy kaya gusto kong lumabas. Hindi ko naman alam na—"

"I really hate it when someone break my rules inside my territory." Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang malamig na boses na 'yon mula sa harapan. Unti-unti akong pumihit paharap para lang mapanganga. Ang walanghiyang humalik sa pisngi ko!


Ito na naman ang pakiramdam ko. Sumakit na naman muli ang ulo ko nang makita siya. I can hear loud noises inside my brain like two people are talking pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yon.

 
Nanaig ang inis ko. He fucking stole my first kiss!

"Ikaw? Walanghiya ka—" Agad na natigil sa ere ang hintuturo ko na nakaduro sa kaniya nang ma-realize kung sino ang kaharap ko. He's Primo Knights, the same guy who murdered a person last night.

Mabilis kong binaling ang hintuturo kay Kaliber. "Kaliber... Walanghiya ka Kaliber," agad kong dugtong.

Mabilis na kumunot ang noo niya bago ituro ang sarili. "Ha? Anong ako? Bakit ako?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong.

"Wala lang," kinakabahang tugon ko. Napaatras ako sa takot nang humakbang papalapit ang taong kinatatakutan ko. But he didn't hurt me, seryoso lang siyang nakatitig sa mga mata ko.

"You'll be the councils' secretary, starting today." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinuro ko ang sarili habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. 

"Ako? At bakit naman?" maangas na tanong ko. Naramdaman kong hinila pa ni Aeiou ang damit ko na para bang pinipigilan ko, pero hindi ako papaawat. Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa maging secretary.

"Why? You still have complaints? Maybe I'll just find your mom, and kill her." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niyang 'yon. Mabilis ko siyang hinabol papaakyat. Nakita kong kampante siyang naglalakad papunta sa dulong pasilyo kaya agad kong niyukom ang mga kamao.

"Wait lang!"

He stopped walking before turning his head on me. "What?"

"You know where my mom is?" mahinahong tanong ko sa kaniya. Nagiging malambot at mahinahon talaga ako kapag si mommy ang pinag-uusapan. I saw how the corner of his lips curved.

"I can find her with all the connections I have. I can easily kill your mother in one snap, Eerrah," sagot niya.

Bumuntong hininga ako. I wonder what she looks like. She must be beautiful and kind, ofcourse, she's my mom. "Don't. Don't kill her. Pumapayag na ako, I'll do e-everything you want me to do. Just promise me one thing, please?" nagmamakaawa kong saad. Hindi siya sumagot, para bang hinihintay na dagdagan ko ang sinabi ko. I swallowed multiple times.

"Help me find my mom's whereabouts. I'll d-do everything, kahit alipinin ninyo pa ako. Just h-help me with that. Dad doesn't want to help me, at alam kong mas makapangyarihan ka sa amin, you have the power to do it. Kaya p-please," I begged him. 

He looked at me straight on my eyes. Hindi ko iniwas ang mga tingin ko. Kailangan niyang malaman na sincere ako sa mga sinasabi ko. Desperado na akong malaman kung nasaan si mommy at bakit hindi niya ako hinahanap. Kung bakit hindi niya ako pinupuntahan.

Primo stepped forward to lean closer. "Everything? You mean everything I want?" Tumango ako. The corner of his lips curved in amusement. "That's exciting. If I told you to kiss me, will you do it?"

Sumama ang timpla ng mukha ko. "Bakit mo ako minamanyak? Ayoko ngang halikan ka! Ayokong ikaw ang maging first kiss ko, mamaya ikaw pa pumatay sa akin. Ang saklap naman kung 'yung murderer ko 'yung first kiss ko, edi ang pangit ng pagkamatay—"

"Tss. Ang daldal mo." Mabilis kong tinikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Baka ayaw niya ng maingay, mahirap na. Ayoko pang mamamatay hanggang hindi ko nahahanap ang mommy ko. I can die in peace, if ever that I'll hear the explanation I want.

"Pack your things inside your dorm. You'll live here with us." Tinuro niya ang pintuan na katabi ng kwarto niya. Malamang kwarto niya ang nasa pinakadulong pasilyo, itim at mamahalin, e.

"That's your room. Bilisan mo, ayoko nang pabagal-bagal kumilos. Ayoko rin ng madaldal na tao, so shut up whenever I'm around, you agreed upon this deal, and I want you to follow my orders without complaints."

Muling naging malamig ang boses niya. Bumalik na naman siya sa pagiging masungit. May bipolar disorder ba ang lalaking 'to? Bagay sa kaniya maging psychopath. Napasimangot ako.

"Edi ikaw na mag-empake ng mga gamit ko! Ayaw mo pala ng mabagal. Halika, tumulong ka!" inis kong singhal sa kaniya.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Where stories live. Discover now