Chapter 27

39.4K 1.5K 269
                                    

Pinadaan ko ang daliri ko sa pisngi niya at gumawa ng circling movements doon. Hanggang sa madako ang daliri ko sa mga labi niyang kinaadikan ko. "Did I hurt you again? I'm sorry. But no matter what happened, sana ako pa rin ang mahalin mo. I know that I sound desperate and selfish but..."

Pumatak ang isang butil ng luha ko sa pisngi niya kaya mabilis ko iyong pinunasan. "Please... love me endlessly." I whispered before pressing my lips into his lips. Napapikit ako nang magtagpo ang mga labi namin, I held his both cheeks to deepened the kiss. Ito ang unang pagkakataon na ako ang humalik sa kanya, but this is what I like.

Because... I already fell, so desperately, so sweetly. No matter how I hard I deny my feelings for him, ako pa rin ang talo. But it is the sweetest failure I ever had.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang mga mata naming dalawa pagkamulat ko. Napakapit ako nang mahigpit sa balikat niya nang bigla niya akong inihiga sa kama at dumagan sa akin 

 "Primo," bulong ko habang nakatingin sa nag-aapoy niyang mata. Hindi ko na alam kung ano ang pumasok sa isipan ko nang bigla niyang sunggaban ang mga labi ko pero hindi naman ako umangal. Ikinawit ko ang dalawang braso ko sa batok niya at mas hinigit pa siya upang palalimin ang halikan namin.

I gasped when he bit my lips hungrily, napaawang ang labi ko dahil doon. He licked my lower lip while sucking it kaya kumawala ang ungol sa bibig ko.

Humiwalay siya sa akin at sumiksik sa leeg ko "Oh God baby, you're here." Hinaplos ko ang likod nito habang siya ay patuloy ang paghalik sa leeg ko.

"Yes I'm really here, Primo. At hindi na ulit ako aalis." I smiled sweetly at him kahit hindi niya ako nakikita. Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko bago ako tingnan sa mata. Unti unti niya akong iniangat para maupo kami sa kama.

"Nananaginip ba ako baby? Please tell me, ayokong umasa baby ko." Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang mga malukungkot niyang mata. I've caused too much pain.

Binigyan ko siya nang mabilis na halik sa labi "Panaginip pa rin ba Primo ko?" nakangiti kong tanong, gumuhit din ang ngisi sa kanyang labi bago halikan ang tungki ng ilong ko.

"Hindi na, isa pa nga. Ang sarap, e." Napasimangot ako at pinalo siya sa dibdib na sinundan niya lang ng tawa. Wala sa sariling napangiti ako nang makita at marinig ang maganda niyang tawa. Ang gwapo niya.

"Ouch! Baby!" Napahagikhik ako habang pinipisil ang magkabilang pisngi niya. Mas diniinan ko pa at siya naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang sumimangot. 

Nang makitang pulang pula na ang pisngi niya ay bigla akong nakonsensya at pinakawalan na ang pisngi niya. Siya naman ay napanguso na lang habang hinihimas ang pisngi niya.

I just laughed at him. He's so naughty.

"I'm really sorry for what I did. I act rudely infront of you yesterday, halo halo kasi ang nasa isipan ko kaya nasabi ko 'yon sa 'yo kahapon," sincere kong sabi habang nakatingin sa malawak na kalangitan, parang sandali kong naramdaman ang kapayapaan dahil sa mga nagniningning na mga bituwin.

We spend the whole time cuddling with each other. Umakyat lang kami rito sa rooftop nang maggabi na. "Shh, it's okay baby. I understand you. 'Di ba sabi ko naman sa 'yo ay never akong magagalit? It's because I love you so much." Bumilis ang tibok ng puso ko. He's really the sweetest person.

"Wow, look!" Naibulalas ko nang biglang dumaan ang isang shooting star, sakto namang may isa pang dumaan kaya namangha ako nang sobra.

"It's awesome right?" mangha pa ring sabi ko, naramdaman ko naman na humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

"Yes, it's beyond perfect," bulong niya, pero nang tumingin ako sa kanya ay sa mukha ko naman siya nakatingin kaya pinamulahan ako ng mukha. Napakagat labi naman siya bago halikan ang pisngi ko. 

"You're really beautiful when you're blushing, baby. Nakakagigil ka, damn it."


Napangiti ako sa boses niya. "Ninamnam mo na naman ang boses ko. Alam kong gwapo ako baby, pero sobra naman na." Napasimangot ako dahil sa ibinulong niya, may itinatagong yabang din pala sa katawan ang lalaking 'to.

"Baby. I'll ask you a question and I want you to answer me honestly." Kumapit ako sa dalawang braso niyang nakapulupot sa akin bago humarap sa kanya.

"Do you love me like I do, baby?" Bigla akong nilamon ng hiya at kilig sa tanong nito. Siya lang naman tinitibok ng puso ko mula noon hanggang ngayon.

"You know that I love you since we're still kids. But my love grow more deeper nang mas makilala pa kita. And yes, I love you Primo," sincere kong sabi, I can see in his eyes that he's going to cry. Napaiyakin talaga ng bebeboy ko.

"Yah, don't cry," banta ko sa kanya, pero ang makulit ay umiyak pa din. Isinubsob niya pa ang mukha niya sa leeg ko at doon umiyak na parang bata. "Pakasal na tayo." Bigla ko siyang napalo sa dibdib kaya napatawa na lang siya, nagulat kaya ako roon!

"Tumigil ka nga, ang bata bata pa natin. 23 ka pa lang at 20 pa lang ako. You need to wait for... ahm... for 7 years pa." Napahagikhik ako nang bumusangot ito.

"I can marry you anytime. Tanginang pitong taon na 'yan, pwede namang bukas na." Napangiti ako sa ibinulong nito, bugnot na bugnot ang kaniyang mukha at halatang naiinis.

"Tsk," nasabi ko na lang, he suddenly smiled at me sweetly.

"I love you."

"I love you too," sagot ko, biglang siyang ngumisi na parang aso.

"Okay, tayo na. Wala ka nang magagawa." Bigla na lang itong tumakbo palayo kaya napatawa na lang ako, wala naman akong magagawa sa lalaking 'yon. Tumingin muna ako sa malawak na kalangitan at napangiti atsaka siya sinundan para bumaba sa rooftop, narinig ko pa siyang wagas kung makatawa kaya napailing na lang ako.

I need to handle a boyfriend like him.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Where stories live. Discover now