Chapter 1

105K 2.6K 354
                                    

Chapter 1
Empires High (Revised Version)

•••

"Talaga naman 'tong batang 'to. Aba Eerrah, ilang beses na kitang pinagsabihan tungkol sa pagbabayad ng renta pero bakit hindi ka pa rin kumikilos hanggang ngayon?!" 

"Ano na naman ba?!" inis na sigaw ko nang marinig na naman boses ng maingay na landlady sa labas. Nagising pa tuloy ako sa napakahimbing at napakaganda kong pagtulog.

"Aba't sinisigawan mo na naman akong bata ka?!" sigaw niya. 

 Bumuntong hininga ako. "Hindi pa ako nakakahanap ng panibagong trabaho, kaya hindi muna ako makakapagbaya--"

"Noong isang buwan mo pa 'yan sinabi sa akin at--"

"Pwede bang kausapin mo ako nang hindi ka sumisigaw?!" gigil na sigaw ko pabalik. 

"Nasaan na ulit tayo?" inis kong tanong. Hindi naman ito umimik at lumunok na lang. "Wala kayong makakapa sa aking pera dahil kahit ako mismo ay walang makapa. Sige na, sige na. Bukas gagawan ko ng paraan," pagtataboy ko sa kanya.

"Aba't siguraduhin mo lang talaga babaita dahil mapipilitan akong--"

"Kaladkarin ako palabas at talagang hindi ako lalabas ng humihinga," pagpapatuloy ko sa sasabihin niya, tangina, isang daang beses niya na yata sinabi 'yon sa akin. 

"Gawan mo ng paraan, pasalamat ka at maganda ka kaya pinagbibigyan kita," sabi nito bago lumabas ng apartment ko.

Napalingon naman ako sa salamin na nasa kabilang pader. Maganda naman talaga ako, cute pa, na hindi ko puwedeng itanggi sa buong mundo. Napilitan na lang akong maligo at magbihis papuntang school. Hindi ko nga alam kung school pa ba 'yon o playground ko na lang.

Pagkatapos ng lahat ng kaatehan ko sa katawan ay agad kong binitbit ang backpack at ni-lock ang apartment. Hindi naman kalayuan ang school sa apartment ko, pero special person ako kaya ginamit ko ang mahiwagang skateboard ko kahit pinagbawal na nila 'to. Habang dinadaanan ko ang mga tae, tao pala. Hindi ko maiwasang mapairap, mga tingin nila parang nakakita sila ng anghel. Ako lang 'to.

Pagkapasok ko pa lang sa gate ay nagsihawian na ang mga estyudante na takot na takot sa presensya ko. Tinapakan ko ang dulo ng board para tumayo ito, nang mahawakan ay binitbit ko agad iyon papunta sa locker ko. Pinasok ko sa loob ng locker ang skateboard atsaka kinuha ang dalawang libro para sa klase ngayong umaga. Padabog kong binuksan ang pintuan ng classroom nang makarating roon.

Dire-diretsyo akong umupo sa upuan ko, tumahimik naman ang lahat kaya agad akong napasimangot. Gusto ko lang naman ng kaingayan sa buhay ko, bakit sila nananahimik?

Mabilis na inihanda ko ang paa at mabilis na sinipa ang upuan ng lalaking nasa harapan ko, yumuko kaagad ako kaya nabaling ang tingin nito sa katabi kong lalaki na nakayuko.

Napabalikwas naman siya nang batukan siya ng lalaki sa harapan namin. "Gago, problema mo tol?!" Itinikom ko ang bibig ko nang makitang umuusok na ang ilong nung lalaking sinipa ko. Si Eivan pala 'to.

"Gago ka rin! Ikaw ata may problema, e!" sigaw ni Keat, yung katabi ko.

"Tangina, maang-maangan ka pa?! Sisipa-sipain mo ako tapos lakas ng loob mo?!" Napailing ako, tagal magsapukan amputa, nag-talk show pa.

"Gago anong sinipa? Natutulog ako—" Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang suntukin ni Eivan, ang ending ay natumba siya mula sa kinauupuan niya. Mabilis naman siyang tumayo at binawian ng suntok si Eivan na natumba rin. 

Mga bulok! Isang suntok tumba agad.

Kinwelyuhan ni Keat si Eivan at sinipa sa bayag, ayon pota ang lupet! Natigil sila sa pag-aaway nang umatras si Keat. "Ano ba pinuputok ng butsyi mo, ha?!" sigaw nito.

"Gago! Sinipa mo upuan ko!" maangas na sigaw ni Eivan.

"Hindi ako 'yon! Si Eerrah 'yon!" singhal ni Keat at idinuro pa talaga ako. Napamaang ako, itong dalawa lang naman ang hindi natatakot sa akin, e, kasi mga impakto sila.

"Hoy Eerrah!" galit na sigaw ni Eivan.

"Oh?" buryong tanong ko. Lalapit na sana siya sa akin pero mabilis kong itinaas ang paa ko at sinipa siya sa mukha, nanatili akong nakaupo. Nagsigawan ang mga kaklase ko nang bumagsak ito sa sahig habang nagdudugo ang ilong.

"What's the commotion all about?!" Tumahimik ang lahat nang pumasok ang prof naming pinaglihi sa sama ng loob. At talagang nagtanong pa, parang hindi sanay!

"What is this all about again, Eerrah?" mataray na tanong nito sa akin pagkakita pa lang niya kay Eivan na nakahandusay sa sahig.

"Malamang po, trouble," magalang kong sagot, hindi naman ako nagkamali pero umusok pa rin ilong niya. Ako na nga honest siya pa galit. Honesty is the best policy mga men.

"In my office, after class!" atungal nito dahilan para mapairap ako. Pinatapos ko muna ang apat na klase, nang mag-break na ay nagtulakan pa ang mga kaklase ko sa pintuan. Parang mga kinder lang ang mga gago.

Balak ko pa sanang tumakas kay Mrs. Gamelo pero puta! Nasa pintuan na pala! "You can't escape from me, Eerrah. Follow me!" Isinukbit ko na lamang ang bag ko bago siya sundan sa office. Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang ay pineste na niya ako.

"Hindi ka ba talaga magbabago, Eerrah? Ginagawa namin ang lahat para mapabago ka, pero ayan ka pa rin. We promised your grandfather that--"

"Lolo. Si lolo? Kinakausap niya kayo?" tanong ko. 

"Of course. Siya ang nagsabi sa amin at naki-usap na kahit anong gawin mo ay hindi ka mapaalis dito, umaasa siya na dito ka na maka-graduate. This is your last chance, Eerrah, don't waste--"

"Cut if off, hindi ko gustong marinig 'yan," pagputol ko sa kanya. Napayuko ako habang kinakalikot ang kuko ko. For almost 1 year, hindi siya nagparamdam pagkatapos niya akong palayasin sa bahay. At ngayon ay inaasahan niyang makakapagtapos ako? The heck? Hindi nga niya kayang maging lolo sa akin, e.

"May problema ka ba kung bakit ka nagkakaganyan, Eerrah?" Napalingon ako kay Mrs. Gamelo nang magsalita ito. 

I cleared my throat. "Wala po, hindi po ba obvious sa mukha ko na wala akong problema? At saka 'wag ninyo nang kausapin si lolo, kung anu-ano lang sasabihin niyan." 

"Eerrah, mabuti pang kausapin mo ang lolo mo. Nag-e-expect siya nang mataas sa 'yo." Napailing ako.

"Bakit ba kailangang kapag nag-e-expect kayo sa tao ay inaasahan ni'yo talagang maaabot nila 'yon? Hindi ninyo ako naiintindihan, hindi kayo ang nasa posisyon ko para sabihin ang mga bagay na 'yan," malamig na saad ko na nagpatahimik sa kaniya.

"It's not what you think. Gusto lang ng lolo mo at gusto lang din naming mga professors na maabot mo ang pangarap mo--"

"Bakit? Alam ninyo ba kung ano ang pangarap ko?" natatawa kong tanong. Masyado silang nakikialam sa mga bagay na hindi naman dapat nila pinagtutuonan ng pansin.

"No--"

"Then stop controlling me. Sabihin ninyo kay lolo na hinding-hindi ako babalik sa bahay niya," huling saad ko bago lumabas sa opisina niya. Huminga ako ng malalim bago dumiretsyo sa rooftop. Napapikit ako nang madama ko ang hangin na tumama sa mukha ko.

I wanted to punch myself for being coward when it comes to my family. Kapag sila talaga ang pinag-uusapan tumitiklop ako, lalo na 'yung matandang 'yon. I have a lot of questions to ask him, but he never bothered answering me.

Ano ba ang kinakagalit niya? Do I really have a special place in his heart? Did he ever treat me as his own grand daughter? Why would he kick out his own grand daughter and call her evil?

And if my mother is really alive, babalik ba siya? Why did she abandon me in the first place? Was I really that horrible for her to leave without me knowing? Why did she chose to have me when she couldn't even accept her responsibility as a mother?

Ang daming tanong... pero ni isa sa mga 'yon, hindi ko kayang sagutin, hindi nila kayang sagutin.

•••

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt