Chapter 6

54.2K 1.7K 240
                                    

Dahil sobrang lawak ng paaralang ito, hindi ko na alam kung na saang lupalop ng Pilipinas ako ngayon! Nagsisisi na tuloy ako na hindi ko isinama sila Aeiou. Hindi ko na rin alam kung nasaan ang dalawang 'yon

Pagkarating naming sa Empires High, dinala nila ako sa isang punyetang nilalang na matagal ng kaaway ni lolo sa negosyo. Nilayasan ko na lang dahil baka insultuhin niya pa ako e hindi ko naman deserve na ma-insulto kasi sobrang ganda at sexy ko.

Tumikhim ako bago hilahin ang estyudante sa harapan ko. "Oy, saan yung girl's dormitory?" tanong ko. Ngayon lang ako naglakas loob magtanong dahil ngayon lang din ako nakasalubong ng isang mukhang maamo. Kanina ba naman, bawat makakasalubong ko ay ang sama ng mukha. Mukhang mga galit sa mundo, mga tukmol.

"Ha?" nauutal na sabi ng lalaki sa harapan ko habang nakatulala. Puta, wala pa akong ginagawa natakot na.

"Hoy." Kumaway kaway pa ako sa harapan niya, mukha naman siyang natauhan dahil sumara ang bibig niya at tinaasan ako ng kilay. 

 "What do you need?" Mataray niyang tanong, aba matindi.

"Saan yung girl's dormitory?" pag-uulit ko. Tiningnan niya pa ang kabuuan ko bago mangunot ang noo.

"Siguro you are new here 'no?" nakataas kilay na sabi nito.

"Ano? Malamang. Sabi ko na saan yung girl's dormito--"

"Stupid, nasa back mo na. You're just ubos ubos my time, gotta go." Kinapa ko ang ilong ko kung baka sakaling nagdugo dahil sa lenggwahe ng baklang 'yon. Tanginang language 'yan parang 'yan pa ang magsisimula ng World War III. Mukhang ayos naman ang baklang 'yon kaya hindi ko na siya sasampalin.

Nilakad ko ang building na tinuro niya sa akin. Sumakay ako sa elevator at pumunta sa 13th floor. Nang makarating sa 13th floor ay mabilis kong hinanap ang number ng dorm ko. 

126. 

Napapilantik ang dila ko nang makita ang nakaukit na numero sa isang pintuan. Tatlong katok ang iginawad ko sa pintuan sa harap bago ito tuluyang bumukas.

"What do you need--" naputol ang sasabihin nung babaeng sumulpot nang makita ako. Bigla siyang natulala with matching nganga pa, bigla namang may tumakbong babae at sumingit pa. Katulad nung babae ay natulala rin siya panaglitan.

"Red, ako lang ba? Or talagang may anghel ngayon sa harapan natin?" tanong nung babaeng kararating lang. 

"No, you're not alone, Vivrianne," rinig kong sabi naman nung babaeng may kulay red ang buhok. Ngina, 'wag nilang sabihin na crush din nila ako? Ano ba 'yan? Too much to handle.

"Kung tapos na kayong magkwentuhan ay papasukin ninyo na ako, nakakangalay na dito." Umayos sila ng tayo bago ako papasukin nang tuluyan. Nagtatakang pumasok na lang ako kahit ang weird ng mga babaeng 'to.

"So you are a transfer?" Tanong ng babaeng kulay pula ang buhok. Nakita kong siniko siya ng babaeng katabi niya.

"Hmm," sagot ko habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng dorm. 

"Alam mo bang delikado ang school na 'to? I mean, do you have any idea about the background of this school?" tanong ni Vivrianne. Hindi ako nakapagsalita. 

Bakit ko kailangang sagutin ang tanong na 'yon? Malamang alam ko. Kaya nga ako nandito, e! Dito naman talaga ako itatapon ng magaling kong tatay. Akala niya siguro mapapatino ako rito, baka sunugin ko pa 'tong buong school.

Sasagot pa lang sana ako nung magsalita 'yung babaeng kulay pula ang buhok. "Seems like no. Stop asking Vivrianne, let's wait for the bitch to arrive."

"By the way, my name is Red," saad ng babaeng kulay pula ang buhok. Halata nga. Ngumiti naman sa akin ang katabi niyang babae bago humagikhik. "Hi, pretty! I am Vivrianne!"

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon