Chapter 34

36K 1.2K 48
                                    

Nang marating namin ang sasakyan niya ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan kaya ngumiti ako bilang pasalamat, umikot naman ito papunta sa driver's seat.

"Baby, you can sleep if you want to, mahaba ang byahe," he said while he's busy assisting me with my seat belt.

"Thank you, baby. Gisingin mo na lang ako. I love you," malambing kong sabi rito, ngumiti naman siya nang matamis bago halikan ang kamay ko.

"And I love you too, now sleep. I'll choose a song for you, okay?" Sumandal na lang ako sa upuan at niyakap ang unan na binigay niya sa akin. Ipinikit ko na ang mga mata ko, habang hinihintay na dalawin ako ng antok ay biglang tumugtog ang kanta na nagpangiti sa akin.

"Hey sleepyhead, wake up." Nagising ako nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Primo sa pisngi ko, nang magkatagpo ang mga mata namin ay agad siyang napangiti.

"Ako lang dapat lagi ang makakatagpo ng mga mata mo tuwing gigising ka, Eerrah. Ako lang." Natameme naman ako sa sinabi nito, bakit bigla itong nagsabi ng gano'n?

"Hey, you're weird. Really," sabi ko, tumingin muna ako sa salamin at inayos ang sarili ko.

"Tsk, I'm not! Let's go." Oh tingnan mo 'to, badtrip na naman. Padabog pa talaga siyang lumabas sa kotse. Bababa na rin sana ako pero nagulat ako nang pagbuksan niya pa rin ako ng pintuan kahit badtrip ito. Nakabusangot pa siya nang bumaba ako.

"Kung labag sa kalooban mo yung ganyan ganyan mo, tigil tigilan mo ako, ha," matapang kong sabi rito, bigla naman siyang napayuko.

How cute. Ang sarap awayin.

"Kung lagi ka lang badtrip pwes umuwi na tayo! Nawala tuloy ako sa mood ko!" kunwaring galit na sabi ko, bubuksan ko na sana ulit ang pintuan ng kotse pero bigla akong niyakap ni Primo sa baywang mula sa likod.

"Hey baby, I'm s-sorry," sumisinghot singhot pa na sabi nito, napangisi naman ako.

"Tsk. Ikaw kasi, e! Bakit kasi ang cute mong awayin?!" bulyaw ko sa kaniya pagkaharap ko. Muli na naman siyang napalabi, hinawakan niya ang magkabilang baywang ko at pinagdikit ang mga noo namin.

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay "Don't be mad at me, boss. I promise, hindi na ako badtrip. Does being 'badtrip' is bad? Like being 'makulit'?" Halos matawa ako dahil parang inosenteng kabayo ito. Pero ang cute cute niya grabe.

"Tsk. Hindi! Gusto ko nga lagi kang makulit, sige na 'wag ka na cry. Yakap mo na ako." Panlalambing ko rito na nagpangiti sa kaniya. Mabilis niya akong kinulong sa bisig niya kaya sinuklian ko siya ng yakap.

"How sweet." Bigla akong napalingon sa isang babaeng nagsalita. And I was stunned at the moment I saw her face. She looks like Primo... is she the mother of my lovely boyfriend?

"Mom!" Nanigas ako sa kintatayuan ko nang marinig ang sinigaw ni Primo, lumapit pa siya rito at yumakap.

"Hi son, I miss you. By the way, you brought someone with you. Who is she?" Halos manginig ang katawan ko dahil sa takot na nararamdaman ko, gosh! Kinakabahan ako!

"Mom, this is my lovely wife, Eerrah. And baby, this is my mother, Yians." Nginitian ko nang matamis at totoo ang mommy niya pero hindi man lang ito ngumiti pabalik kaya nataranta ako. Hindi niya ba ako gusto?

"Wife?" mataray na tanong nito na mas lalo pang nakapagpakaba sa akin. Mabilis kong kinurot si Primo kaya napadaing ito.

"Ouch baby! Why?" bulong nito, pinanlakihan ko naman siya ng mata. "Bakit kasi wife yung sinabi mo? Kahit kailan ka talaga!" saway na bulong ko rin sa kaniya.

"But I'm going to marry you! What's the point of telling them that you're my girlfriend when I know that we are destined to each other?" Dahilan niya na mas lalo pang nakapagpainis sa akin.

"Ayan ka na naman sa mga pakilig kilig lines mo ha! Oo kinikilig ako! Pero 'wag mo akong sasagarin at talagang mapapano ka!" Kinurot ko na naman siya kaya napadaing na naman siya. Kukurutin ko na sana ulit siya pero nahuli niya ang kamay ko at bigla akong niyakap nang mahigpit.

"Okay lovebirds, I just want to remind you that I'm still here." Nabalik ako sa ulirat nang magsalita ang mommy ni Primo. Halos pangatugan ako ng tuhod nang makasalubong ang mga titig nito. Pero nakipagtagisan muna ako rito ng tingin.

Dapat matapang! Nasa harapan mo na ang biyenan mo! Hihihi.

"Eerrah's your name right?" mataray pa rin na sabi nito kaya napalunok ako habang tumatango. Nag-cross arms ito bigla.

"You know what? I don't like you for my son."

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito, halos mawalan ako ng gana pero naramdaman ko ang pagdiin ng kamay ni Primo sa baywang ko.

"Mom don't say tha-"

"Because I love you for my son! Omygosh! Honey! Nandito na ang girlfriend ng bunso natin! May apo na naman tayooo!" Nagulat ako nang bigla itong magtitili na parang bata. Hinila niya pa ako papasok sa loob ng gate nila, at ngayon ko lang din napansin kung gaano kaganda ang bahay nila.

Pagkapasok namin sa gate ay bumungad sa amin ang malaking fountain, sa inaapakan naman namin ay mga maliliit na damo. Nakita ko rin ang halos sampung garahe na nakapalibot sa bahay nila.

"Hey sweety. Ipapakilala kita sa asawa ko, for sure matutuwa 'yon! Alagaan mo dapat ang baby mo sa tiyan mo, ha?" tuwang tuwa na sabi nito habang inaalalayan pa ako papasok ng pintuan.

Binuksan naman ng mga maids ang napakalaking pintuan, and I was amazed when I saw how beautiful their house is. Bubungad kaagad sa 'yo ang hagdan na spiral, tapos sa kabilang side ay ang napakalaking sala na may napakalaking chandelier. Then sa kabilang side naman ay daanan.          

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Where stories live. Discover now