Kabanata 16

714K 20.9K 5.7K
                                    

Kabanata 16


NAPALUNOK AKO NANG hubarin ko ang suot na t-shirt ni Jumbo. Kailangan ko na kasi siyang palitan ng damit dahil pinagpawisan na naman siya. Napakaalinsangan kasi ng panahon ngayon.


"Jumbo, relax... papalitan ko lang ang damit mo." Sa totoo lang, relaxed naman si Jumbo. Ako lang talaga itong hindi mapakali. Naiilang kasi ako sa mga titig niya sa akin e. Bakit ba kasi ganito siya makatitig? Pinapatibok na naman niya ang puso ko nang limang beses na mas mabilis kaysa sa normal na tibok nito.


"Papaya," biglang sabi ni Jumbo. 


Napailing ako at wala sa sariling nasampal ko siya.Lumamlam ang kanyang mga mata habang sapu-sapo ang kanyang pisngi. "J-Jumbo?" Pumaling ang kanyang ulo habang nagtatanong ang kanyang mga mata.


"Sorry, Jumbo, nabigla lang ako."


Marahan siyang ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Mayamaya'y kinuha niya ang aking kamay at ipinatong iyon sa kanyang dibdib. "Jumbo..." aniya.


Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. "J-Jumbo, a-anong gagawin mo?"


Sa mga ganitong sitwasyon, pakiramdam ko ay nasa maayos siyang katinuan. Alam niya ang mga kahinaan ko. Alam niya ang gagawin para paamuin ako.


Pilit niyang itinataas ang damit ko. Parang ginagaya niya iyong ginawa kong paghuhubad ng damit niya kanina.


"Jumbo?" tanong niya habang ang mukha niya ay paiyak na. Sa hitsura niya'y para bang kay bigat ng kanyang problema dahil napapakamot na siya.


Ang cute niya. Natagpuan ko na lang tuloy ang aking sarili na tumatawa.


"Jumbo?" patanong na sabi niya sa akin.


Desidido siya na hubaran ako. Tinapik ko ang kamay niya para sawayin siya, pero hindi ko siya mapigil. Heto pa rin siya at nagpupumilit na hubarin ang damit ko pero dahil may butones iyon, nahihirapan siya.


Nariyan pa iyong sinusulyapan niya ang aking mukha. Tinitingnan niya siguro kung magagalit ako o hindi. Napapalabi pa siya dahil hindi na niya malaman ang gagawin. Iyong para bang nagpapanic na siya kasi ayaw niyang mapahiya sa akin. Natatakot siya na baka sitahin ko siya. Nangangamba siya na baka pigilan ko siya.


"Stop na, Jumbo." Biglang lumungkot ang itsura nito. "J-Jumbo, ano ba talagang gusto mo?"


"Jumbo..." Kinuha niya ang aking mukha at saka niya ako siniil ng halik. Napakainit ng kanyang mga labi. Dalang dala na naman ako. Ni hindi ko na nga namalayan na naihiga niya na pala ako sa katre at nahubad na niya ang blouse ko.


"J-Jumbo..." awat ko sa pagitan ng bawat halik.


Hindi ko magawang salubungin ang kanyang mga tingin ngayong nakahubad na ako sa harapan niya. Hindi pa rin ako komportable. Nahihiya pa rin ako sa kanya. Gusto ko siyang awatin, pero paano nga ba? Parang huli na ang lahat. Lalo na nang maramdaman kong natanggal na rin pala niya ang aking bra. Agad ko iyong tinakpan gamit ang aking mga braso. Pero nagulat ako nang walang pasubaling tinanggal niya ang mga braso kong nakatakip dito.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon