Kabanata 41

673K 21.3K 7.9K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 41

TUMUNOG ANG CELLPHONE ni Jumbo mula sa kanyang bulsa. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa kabilang linya. Sa totoo lang kasi, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalang.

"Opo. Okay naman po," tugon niya sa kausap. Sino kaya itong nasa kabilang linya at tila nawala ang kanyang pagkasiga?

Nagulat na lang ako nang ilahad niya sa akin ang kanyang cellphone mayamaya."Your mother wants to speak with you."

"Ha?" wala ako sa sariling inabot ito mula sa kanya. Seryoso ba siya? Si Mama itong kausap niya sa kabilang linya? Pero paano nito nalaman ang number niya? Saka ko lang naalala. Tinawagan ko nga pala sila na itong number ni Jumbo ang gamit ko.

"Hello..." ani ko na hindi pa rin makapaniwala.

"Rosendaaaaaaaaa!" hiyaw ni Mama. Halos mabingi ako sa sigaw niya.

"Ma?"

"Oo, ako nga!!!"

Napatingin ako kay Jumbo na nakatitig lang sa akin. Totoo nga! Si Mama nga itong tumawag sa kanya! Tumalikod ako sa kanya at nagtungo sa kung saan. Ayaw kong marinig niya ang kung ano mang mapag-uusapan namin ni Mama.

Ma... bakit ka po napatawag?" pabulong kong tanong.

"E, kasi... mahigit isang linggo ka nang hindi umuuwi. Nag-aalala na kami sa 'yo." Sa tinig niya ay halatang nakikipag-agawan siya sa kanyang hawak na telepono.

"Okay lang ako, Ma. Uuwi rin po ako pero hindi ko pa masasabi kung kailan."

"E, kailan ka uuwi? Malapit na ang birthday mo, ah."

Oo nga pala. Tatlong linggo mula ngayon ay kaarawan ko na.

Narinig kong naagaw ni Dangdang ang cellphone sa kanya. "Ateeeeee!!! Si Cloud ba kasama mo?"

Hindi na ako nakatugon dahil naagaw rin ito ni Mama. "Rosenda, si Santi?! Nakuhaan mo ba ng autograph?"

Napakamot na lang ako. "O-opo."

"Nga pala, alam na ba ni Terrence na siya si Jumbo natin? Napulbusan mo na ba siya?"Kailangan ba talagang itanong 'yon?

Napangiwi na lang ako. "Ma, medyo komplikado pa po kasi. Pero sa ngayon po ay hindi niya pa alam. Kaya please po... hayaan niyo po muna akong mag-isip kung sasabihin ko pa sa kanya."

Narinig kong napabuntong-hininga si Mama. "Kung ano man ang magiging desisyon mo, kasama mo lang kami. Nandito kaming pamilya mo anak."

"S-salamat po." Nag-ulap ang aking paningin. Miss na miss ko na kasi sila. "Ma, kumusta po ang... si... si Baby Quiro?"

"Okay lang siya," pumiyok na rin ang tinig niya. "Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol kay Baby Qui—"

"Si Ruby po?" putol ko sa pagsasalita niya.

Narinig ko ang paglunok niya. "Ah, kasi..."

Kinabahan tuloy ako. "Ma, bakit po? May nangyari po ba?"

Matagal siya bago nakasagot. "Nagpunta na naman siya ro'n."

Napasentido ako. "Ano po?! Bakit po?!"

"Hindi ko alam, anak. Baka nalulungkot siya at nami-miss niya 'yon."

Napapikit ako sa aking narinig. Kung nasa bahay siguro ako, hindi ko na hahayaan na bumalik si Ruby roon. Ayaw ko nang damdamin niya ang mga nangyari. Gusto kong makapag-move on na kami. "Hindi po bali, uuwi na po ako riyan. Kakausapin ko po siya nang masinsinan."

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now