Kabanata 51

676K 24.9K 7.6K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 51

DALI AKONG NAGBIHIS at agad inihanda ang aking mga gamit. Nakatingin lang sa akin sina Mama at Ruby na obviously ay mga kabado. Ako man ay may takot na nararamdaman sa isiping ipapaalam ko na kay Jumbo na anak namin si Baby Quiro bagay na noon ko pa sana ginawa.

Bahala na. Kung anuman ang kahinatnan nito ay tatanggapin ko nang maluwag sa dibdib ko. Magalit man si Jumbo dahil sa pagsisinungaling ko at pagtatago ng anak niya sa kanya, tatanggapin ko. Kahit pa isumpa niya ako, okay lang. Ang importante ay nasabi ko na sa kanya ang totoo. Ang importante wala akong pagsisisihan sa huli dahil ginawa ko ang tama.

Mabilis ang mga kilos ko habang inaayos ang aking gamit. Isa-isa kong inilagay sa bagpack ang ilang pirasong pamalit na damit, iyong maliit na bote na may lamang tatlong piraso ng paracetamol na ibinigay sa akin ni Kyo, sandwiches na baon ko, at pulbos.

Pulbos?

Malay natin baka mauwi sa pulbusan. Expect the worst and hope for the best. Charot! Kainis ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ba umaasa pa ako? Okay na iyong kilalanin niya na lang si Baby Quiro at kahit after ay ipatapon niya na ako sa dulo ng Timbuktu.

Bago ako lumabas ng bahay ay dumaan muna ako sa kwarto ni Baby Quiro. Pinagmasdan ko nang matagal ang paslit na mahimbing ang pagtulog. Ang cute-cute niya talaga. Ang tambok pa ng pisngi at ang pula ng mga labi. Parang manikang tulog lang si Baby Quiro sa gitna ng kama ni Ruby.

"Baby Quiro?" mahinang tawag ko pero hindi man lang natinag ang tulog ng bata. Pikit na pikit pa rin ang mga matang may mahahabang talukap—talukap na katulad na katulad ng kay Jumbo.

Bakit nga ba hindi napansin ni Jumbo noon na kamukha niya ang batang 'to? O baka naman may ideya na siya pero hindi niya lang inentertain ang posibilidad?

Lumapit ako sa kinahihigaan niya. Hinagkan ko siya sa noo at paulit-ulit ko siyang niyakap nang magaan. Kung kunin man siya sa akin ng kanyang ama ay baka hindi na kami magkita. Masakit pero alam kong iyon ang dapat at tama. Karapatan ni Jumbo na makuha si Baby Quiro dahil ipinagdamot ko ang bata sa kanya sa loob ng limang taon. Karapatan niya na bumawi sa anak niya. At karapatan din ni Baby Quiro ang magandang buhay na kayang ibigay ni Jumbo.

Ang saklap lang kung mangyayari iyon. Buong buhay niya kasi ay halos si Ruby na ang mas nakakasama niya kaysa sa akin. Ipinaubaya ko siya sa kapatid ko dahil kailangan kong maghanap-buhay para sa aming lahat dito. Ni hindi ko pa nagawang ibuhos ang lahat ng oras ko sa kanya bilang tunay niyang nanay dahil sa mabigat na responsibilidad na nakapatong sa aking balikat. Sa mga oras na ito ay naiinggit ako kay Ruby dahil mas marami siyang babaunin alaala kay Baby Quiro kaysa sa akin. Mas maraming beses siyang naging nanay ng cute na batang ito kaysa sa akin. Pero kapag wala na sa poder namin si Baby Quiro ay alam kong higit akong mababasag sa kahit sinong nakasama niya sa bahay na ito.

"Sleep tight, baby boy. Mahal na mahal ka ni Nanay." Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Aalis lang muna ako saglit, ha? Aalis na naman ako ulit pero this time ay sisiguraduhin kong may magandang balita ako para sa 'yo pagbalik ko."

Mayamaya pa'y naglandas ang aking mga luha. Mahal na mahal ko ang batang ito. Mahal na mahal ko...

Umusal ulit ako sa punong tainga ng anak ko. "M-mahal na mahal kita... Makikilala mo na ang tatay mo."

Bago ako lumabas ng bahay ay nakipagtitigan muna ako kina Mama at Ruby. "Aalis na po ako..."

Tahimik lang silang nakatingin sa akin at walang imik na tila walang maapuhap sabihin. Humugot ako nang malalim na paghinga at saka humakbang palabas.

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now