Kabanata 12

634K 22.9K 5.5K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 12

SI RUBY, BUNTIS? Paano nangyari iyon? Ang alam ko ay subsob sa pag-aaral ang kapatid kong ito. Parang hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa narinig ko. Paano siya nabuntis? May boyfriend siya? Bakit 'di ko knows? Oo nga pala, 'di kami close. 

Tumingin ako kay Mama nanakayakap pa rin kay Ruby at inaalo ito. Nag-ulap ang paningin ko habangnakamasid ako sa kanila. Wait, wait, wait! Buntis si Ruby, paano nangayon? Paano na ang edukasyon niya? Mababalewala na baa ng lahat ngpinaghirapan ko?

"Wala na tayong magagawa... Nangyari na ito..." Ngayon ko lang nakitang ganito si Mama. Ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong emosyon, 'yung pinaghalong lungkot at pagkadismaya.

"Magiging okay rin ang lahat, 'nak..." sabi pa ni Mama kay Ruby.

Ganon na lang? Ganon-ganon na lang? Bakit napakadali sa kanila na tanggapin ang nangyari kay Ruby? Bakit hindi nila ito sinumbatan? Bakit hindi nila pinangaralan? Bakit parang inaalala pa nila ang mararamdaman nito?

Bakit ako? Bakit noong nabanggit ko palang ang tungkol sa pagbo-boyfriend noong nagtangka ako na ipagtapat sa kanila ang tungkol kay Paolo ay halos palayasin nila ako?! At bakit noong nakita nila si Jumbo ay halos itakwil nila ako?

Itakwil? Bigla akong natigilan. Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong nagising mula sa napakatagal na pagkakahimbing.

Matagal na nga pala akong itinakwil ni Mama. Fetuspalang yata ako, nag-declare na siya na ayaw niya sa akin. Kung hindi nga langsiya takot na magpalaglag ay baka hindi ko na nasilayan ang mundong ibabaw. Bakaangel na ako ngayon. Yes, ganern nga. Matagal na akong itinakwil ni Mama. Hindianak ang turing niya sa akin. Hindi kailanman ako naging bahagi ng pamilya ito.

Para akong bulkan nanagbabadyang sumabog. 'Yung sama ng loob at pagtitiis na ilang taon kongkinimkim ay nagpatong-patong na. Parang nawawala ako sa sarili. Nilulukuban akong galit at pagkapoot sa pagiging hindi patas sa akin ng mga taong dapat aynagmamahal at umiintindi sa akin. Sawang sawa na ako. 'Yung paulit-ulit napanonood ko sa kanila habang masaya silang paalis ng bahay para mamasyal. 'Yungpagtitiis ko ng gutom sa tuwing nauubusan nila ako ng pagkain. 'Yungpaulit-ulit na pagsusumiksik ko sa pamilyang ito na walang ibang ginawa kundiabusuhin ako at tratuhin na parang g*go!

"Rosenda!!!" gulat na awat saakin ni Mama.

Pero matindi ang kapit ko sabuhok ni Ruby. Sasabunutan ko siya hanggang makalbo siya. Gusto ko siyangkaladkarin palabas ng bahay.

"Walanghiya ka! Makati!Inggrata! Nagsisikap ako, pero ito lang ang igaganti mo sa akin! Ikaw na langpalagi ang kinakampihan! Ikaw na lang palagi ang minamahal! May kasalanan ka nanga, pero ikaw pa rin ang inaalala!"

"Tama na... tama na!" sigaw napagmamakaawa niya sa akin.

Wala akong balak tumigil. "Sanaman lang naisip mo, na nagpapakahirap akong magtrabaho para may pang-tuition ka!Ni hindi ko na inambisyon na makatapos, basta makatapos ka lang! Tapos ito angigaganti mo sa akin? Kaya kong tiisin 'yung masamang ugali mo at masamangpagtrato nyo sa akin, pero ito hindi! Wala kang utang na loob!" Maging ako manay hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob kong ito paralampasuhin siya sa harapan pa nila Amang.

Natahamik lang ako nang biglaakong sampalin ni Mama. Sa sobrang lakas no'n ay parang na-disalign ang pangako.

"Wala kang karapatang saktan si Ruby, Rosenda!" nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata habang iginigiya niya sa kanyang likuran si Ruby. Na para bang napakasama kong tao, at si Ruby ang biktima.   

Natulala ako. Kahit ako ay nabigla sa napakabilis na mga pangyayari. Ngunit nasa katinuan ako, alam ko. Sinaktan ko si Ruby at sinampal ako ni Mama. 

Lalong lumalalim ang sama ng loob na nararamdaman ko para sa kanya. Tuluyan nang nawala ang natitirang respetong mayroon ako para sa kanya. "Wala akong karapatan? A-ako ang nagpapaaral sa kanya. A-ako ang nagbabayad ng tuition, nagbibigay ng pang-project, pamasahe, at baon. A-ako ang nagtatrabaho para sa kanya. Ako ang nagpapakamatay sa trabaho para makakain kayong lahat! Tapos sasabihin nyo, wala akong karapatang saktan si Ruby? E kayo, anong karapatan nyong saktan ako? Anong nagbigay sa inyo ng karapatan para paulit-ulit akong tratuhin na parang aso?" para na akong hibang at wala sa sarili. "Mas mahal niyo pa nga yata si Bayug kesa sa akin, e!"

Bigla na lamang nagdilim ang paningin ko nang sampalin ako ni Amang.

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now