Kabanata 40

734K 22.6K 7.3K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 40

NAUUNAWAAN KO ANG mga salitang sinambit sa akin ni Jumbo ngunit hindi ako makapaniwala.

Dumiin ang mga labi niya sa akin. Hinahalikan niya ako. Halik na matamis pa kaysa sa nakaraan. Ito 'yung halik na hinding-hindi ko talaga pagsasawaan. 'Yung tatatak sa isip ko at hindi ko malilimutan. Nagkalas ang aming mga labi at kapwa kami kinakapos ng hininga.

Mayamaya pa'y hinila niya ako sa kamay. Wala akong nagawa kun'di ang magpatianod, at dahil mahaba nga ang kanyang mga biyas ay halos kaladkarin niya ako sa bilis ng kanyang paglalakad.

Humarang sa daraanan namin ang isang unipormadong lalaki. "Sir, is everything, okay?"

Binangga niya ito na para bang hadlang ang lalaki sa kanyang binabalak. Wala siyang pakialam kung tumilapon ito sa kung saan.

Sumulpot pa ang tatlo niyang bodyguards sa aming nilalakaran. "Sir, may mga media po sa labas. Delikado po—"

"Get out of our way!" Tinabig niya ang mga ito na parang wala lang. Basta siya nagmamadali na hindi ko naman alam ang dahilan. Ano'ng nangyayari sa kanya? Bakit parang may importanteng lakad siya?

Kulang na lang ay liparin niya ang daan palabas. Ang kanyang kamay ay hindi kumakalas sa kamay ko. Ni hindi na nga niya alintana na pinagtitinginan kami ng ilang mga taong maaaring fans niya.

Pagdating namin sa elevator ay sarado 'yon. Halos suntukin niya ang button para lang magbukas ito."Shit!"

Ano bang problema niya? Bakit ba siya natataranta?

Sakto namang bumukas ang elevator sa aking likuran. Patakbo kaming pumasok doon at sunud-sunod niyang pinagpipipindot ang button nito pababa. At nang magsara ito ay lalong humigpit ang pagkakahwak niya sa kamay ko. Napalunok ako nang tingalain ko siya. Hinihingal siya na animong may tinakbong ilang kilometro.

Nang makababa kami sa basement ay natanaw agad namin ang berde niyang kotse. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at saka niya ako isinakay roon. Umikot siya at pumasok sa driver seat. Humawak muli siya sa kamay ko bago niya binuhay ang makina. Wala siyang imik nang paharurutin niya ang sasakyan.

Hindi ko na naiwasang tanungin siya. "O-okay ka lang—"

"You are not allowed to speak unless I ask you to." Pagkuwan ay tumingin siya sa akin. "Do you understand?"

Napakagat-labi ako. "U-understand."

Walang pang kalahating oras nang makarating kami sa kanyang condo. Sinalubong kami ng ilan pang mga unipormadong lalaki ngunit walang kahirap-hirap na nilampasan namin ang mga ito. Nakarating kami't lahat sa pinakataas na floor ay hindi pa rin bumibitiw ang kanyang kamay sa kamay ko. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit patalun-talon ang puso ko. Pagpasok namin sa kanyang suite ay dumiretso kami sa kwarto. Dito niya lang ako binitiwan na parang isang bagay na inilapag sa sahig.

Ano ba talagang nangyayari sa kanya?

Ilang segundo lang ay lumapit siya sa akin. Nanginginig niyang hinawakan ang aking baba at paulit-ulit na hinimas ang aking labi sa ibaba ng kanyang hinlalaking daliri. Doon nakatutok ang brown niyang mga mata habang gumagalaw ang muscles niya sa panga. Kasunod noon ay ang pag-alon ng kanyang Adam's apple.

Wala akong magawa kun'di ang pagmasdan lang siya. Sinelyuhan niya ang aking bibig na huwag magsasalita maliban na lang kung sasagot ako sa utos niya, 'di ba? Gayunpaman, hindi ko maipaliwanag kung anong tumatakbo sa isip niya. Kung anuman ito, wala na akong pakialam. Basta ang alam ko lang, kinikilig ako. Para kasing may kung anong kumikiliti sa mga kalamnan ko habang hawak niya ang labi ko.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon