Kabanata 20

629K 21.3K 2.4K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 20


NAGNAKAW NG GAMOT si Jumbo? Alam kong may sakit sya sa pag-iisip, pero paano nya magagawa iyon gayong hindi naman nya alam ang gamot? At paano nya nalamang sa drugstore makakakuha ng ganoon?

Saka unti-unting nagrehistro sa maliit kong utak ang sagot sa aking mga tanong. Naalala kong isinama ko nga pala sya noon sa drugstore sa di kalayuan kung saan nadampot nya roon ang isang paracetamol at ipinaliwanag ko pa sa kanya kung ano iyon. Napagtanto ko rin kung bakit nya hinahalungkat ang mga gamit bago sya umalis kagabi. Marahil ay hinahanap nya iyong pera na ibinigay sa kanya ni Mina para ibili ng gamot. Ang kaso, hindi nya ito nakita at sa sobrang taranta nya, hindi na sya nag-aksaya ng panahon para hanapin pa ito dahil agad syang nagtungo sa drugstore.

Habang pinagtatagpi-tagpi ng mahina kong utak ang mga ito ay ganoon din ang pagsisisi na aking nararamdaman. Halos humagulhol na ako sa dibdib ni Maximus na kasama ko ngayon at narito kami sa loob ng tricycle patungong presinto.

"Rosenda, lakasan mo ang loob mo..." naiiyak na rin sya sa sitwasyon ko.

"Maxine, si Jumbo... kasalanan ko kung bakit sya nakulong..." lalo akong napasubsob sa kanyang dibdib.

"Shhh... hindi mo kasalanan. Wala sya sa tamang pag-iisip at hindi nya alam na nagnakaw sya..."

"Kasalanan ko dahil nagkasakit ako... huhuhu..."

Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "Rosenda naman... stop flaming yourself."

Flaming? Hindi ba blaming?

Umangat ako at saka pinunasan ang sariling mga luha. "Salamat, Maxine."

"Tsk." Hinaplos nya ako sa braso. "Alang-alang sa abs ni Jumbo, gagawin ko ang lahat para makatulong."

Kamuntik ko na syang makutusan.

"Ito naman di na mabiro!" sabay halakhak nya.

Hindi ko naman sya masabayan sa kanyang pagtawa dahil mabigat talaga ang dibdib ko. Nag-aalala talaga ako kay Jumbo. Mayamaya lang ay narito na kami sa police station at halos liparin ko ang daan patungo sa police desk. Ni hindi ko nga namalayang naiwan ko na si Maximus sa pagmamadali ko.

"Sir, dito po ba nakakulong si Jumbo?" tanong ko agad sa dalawang police sa front desk. Natataranta na ako. 

Pero mukhang wala sa sarili ang dalawang pulis na ito dahil pagkakita nila sa akin, halos mapanganga sila. Iyong isang pulis na puro tigyawat sa mukha, napasipol pa. Tawagin ko na lang syang tigidig. Iyong isa naman ay pandakekok na panot. Tawagin ko na lang syang kekok.

Saka ko lang na-realize na hindi na pala ako nakapagpalit ng damit sa pagmamadaling makapunta rito. Naka-sando lang ako kung saan hubog na hubog ang aking katawan at maiksing short naman sa pang-ibaba. Kaya naman ganoon na lang mag-up side down ang mga mata ng dalawang pulis na ito sa akin.

"Sir?!" untag ko sa kanila. "Dito po ba nakulong si Jumbo?"

Dito lang sila tila natauhan. Nangunot ang mga noo nila at kapwa nagkatinginan. "Jumbo?" magkapanabay pa nilang tanong.

Napasintido ako. Wala na pala sa wisyo iyong tanong ko dahil malay ba nila kung sinong Jumbo ang tinutukoy ko. Humugot ng logbook si tigidig. "Jumbo, ano? Anong apelyido?"

Naku! Hindi ko pa pala nabibigyan ng apelyido si Jumbo. Ano kaya?

"Miss? Anong apelyido?" 

Isip, Rosenda! Isip.

"Hotdog po." Mabilis kong tugon.

Goodluck.

Napabungisngis tuloy si tigidig. "Jumbo Hotdog? Seryoso ka ba dyan, Miss Ganda?"

Aba't sumisimple na ang isang ito.

Tumango ako.

"Miss, maraming nakulong dito kagabi. I-describe mo na lang sa amin kung anong hitsura nya." Mungkahi ni kekok.

"Malaking lalaki po sya. May magagandang mga mata, mahahabang pilik mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Malapad ang dibdib nya, mapipintog ang mga abs, malalaki ang biceps at matambok ang pwet."

Goddammit! Miss ko na sya.

Ewan pero pinagtatawanan ako ng dalawang pulis na ito. Perpekto naman ang pagkaka-describe ko kay Jumbo. Hindi nagtagal ay may itiunuro sa'king karatula itong si kekok. "Nababasa mo iyan?"

Bumagsak ang balikat ko nang mabasa iyon.

"Ibig sabihin, hindi pa oras ng dalaw ngayon. Mamaya ka ng tanghali bumalik."

Sakto namang nasa likuran ko na pala si Maximus. "Mga Fafapits! Iyong hinuli nyo kagabi, wala sa tamang pag-iisip. Baka pwedeng pag-usapan na lang, mga pogi." Hataw sya sa pangungumbisi. Parang nagbebenta lang.

"Kung wala sa tamang pag-iisip ang lalaking iyon, bakit ayaw nyang bitawan iyong gamot na hawak nya kahit binubugbog na sya." mariing salaysay ni tigidig.

Binugbog? Tama ba ang narinig ko? Nabugbog na naman si Jumbo? At sa imahinasyon ko pa lang na nakita syang pinagtutulungan, habang pilit nyang ikinukubli ang mga gamot na kinuha nya sa kanyang mga palad, ay naiiyak na ako.

"Hindi ba mapag-uusapan na lang, mga pogi?" hirit muli ni Maximus.

"Kung gusto nyo ng areglo, kausapin nyo iyong may-ari ng drugstore na nagdemanda sa kanya."

Napaluha na naman ako. Sumabog na kasi ang pangamba sa dibdib ko.

Naawa yata sa akin si tigidig at inabutan nya ako ng panyo. "Hayaan nyo, Miss Ganda. Pupunta dito mamaya iyong complainant. Sasabihin ko sa kanya na may sakit sa pag-iisip ang idenemanda nya. Baka sakaling pumayag sya sa areglo na lang."

"Salamat po." Kinuha ko ang panyo.

"Pero may kondisyon."

Nagkatinginan kami ni Maximus. 

Ngumiti sya sa akin. "Pahinging eleven digits."

Shocks. Million na iyon, ah!

Umiling ako. "Wala po akong ganong kalaking halaga."

Napangisi si tigidig. "Iyong number mo ang hinihingi ko."

Pisti! Number ko lang pala ang hihingin ang dami pang seg-way.

...

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon