Kabanata 33

599K 20.9K 2.2K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 33

"W-who are you?" gumegewang siyang lumapit sa akin na paulit-ulit lang naman ang kanyang itinatanong. "H-how did you..."

Hindi ko na hinintay na tapusin ang tanong niya. Sa sobrang tuliro ko, naagaw ko ang boteng hawak niya at mabilisang nilaklak ito. Umikot agad ang paningin ko pagkatungga ko! Ano ba 'to?

BACARDI 151. Capslock para intense!

Napasigaw ako ng matumba siya paharap sa akin at nadaganan niya ako. Heto na naman ang eratikong tibok ng puso ko nang magdikit ang aming mga balat. Tila may kung anong kumikiliti sa aking kalamnan nang maramdaman ko ang mainit niyang katawan.

Buong lakas akong sumubok tumayo at hindi naman ako nabigo nang maitihaya ko siya. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Anong nangyari sa kanya? Hinimatay ba siya? Pero may kutob na ako dahil sa amoy niya. Naririnig ko na rin ang malalim niyang paghinga.

Muli ay tinungga ko ang natitirang alak na hawak ko kanina. Gutom na gutom ako pero wala namang pagkain kaya pwede na ito. Umiikot na ang paningin ko ng maramdaman kong kumilos ang natutulog na lalaki sa tabi ko na tila ba naiinitan sa damit na suot.

Ganito ba talaga ang mayayaman? Mag-iinom lang kelangan naka amerikana pa?

Gumegewang na lumapit ako sa kanya para tanggalin ang suot nyang damit ng mapreskuhan naman siya. Ambango ng kulugo! Amoy pulbos! Kumusta na kaya ang mga abs niya? Hindi naman siguro masama kung kumustahin ko sila ano? Aba, higit limang taon rin yon.

Two. Four. Six. E-eight? Hala. Nabigla ako sa nakita ko. May walong pandesal na siya ngayon. Anim lang yata 'to dati at isang monay ah? Five years from now ba, magiging sampu na ito?

Hays. Pasalampak akong umupo sa tabi niya. Gutom na talaga ako. Kahit naman naghihirap kami sa Cebu, nakakakain pa rin naman ako kahit papano. Kasalanan itong lahat ng lalaki sa tabi ko! Grrr. Siya talaga ang malas sa buhay ko!

Akala niya yata nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Lagot siya ngayon dahil babawian ko siya. Kinuha ko sa aking bulsa ang marker pen na ginamit ni Santi nang pirmahan niya ang aking sweater. Pagkatapos ay itinuon kong muli ang sarili ko sa pandesal – este, mga pandesal ni Jumbo.

Ano kayang unang iguguhit ko? Ah, alam ko na. Unahin ko nga itong kilay at mata. 'Tapos ay isinunod ko itong bibig na nakanganga. Ops! Sige na nga malagyan na rin ng panga. Iyan, okay na. Wait, wait! Malagyan na nga rin ng kamay at paa. Haha!

Lagot ka sakin ngayon. Hell hath no fury like a woman scorned! Charot!

Bukas paggising niya, magugulat siya. Pihadong ako ang unang hahanapin niya. Pero hindi ako tanga para magpahuli sa kanya, ano? Ang importante, nakabawi na ako sa kasalanan niya sa akin.

Akma na akong tatayo nang mapaisip ako. Para kasing hindi pa ako kuntento. Hmm... sige na nga lulubus-lubusin ko na. Tutal naman, baka hindi na kami magkita pagkatapos nito. Pati pisngi ni Jumbo ay drinowingan ko na rin. Drinowingan ko ng bird na walang feathers!

...

MATAAS NA ANG sikat ng araw ng imulat ko ang aking mga mata. Sobrang sakit ng ulo ko. Maging ang katawan ko. Dahan-dahan akong bumangon ng mapansin kong nakatali ang kamay ko sa poste ng hagdan. Teka, nasaan ba ako? Ang huli kong natatandaan ay......

Pusit na malagkit! Hindi ako nakatakas!

Kagabi, matapos kong "gantihan" si Jumbo sa mga kamalasang inabot ko dito sa Maynila ay mabilis akong umalis sa rooftop upang tumakas. Hindi na gumagana ang elevator kaya no choice ako kung hindi maghagdan na lang.

Pero sabi nga nila, when it rain, it pours. Napadami yata ang nainom ko kaya't nawalan ako ng balanse at nadulas sa hagdan. Nang maramdaman ko ang lamig ng semento, pinanawan na ako ng malay tao. At heto nga ako ngayon. Nakahiga sa sahig, nakatali ang mga mga kamay sa poste at nagkakakawag na parang bulate na nilagyan ng asin.

"Douchegirl!" Naniningkit ang kanyang mga mata hanggang sa nakalapit siya sa akin. "You drew on my face?!" nanggagalaiti siya sa galit. Kung ano ang suot niya kagabi ay ito pa rin ang suot niya ngayon. Ang pinagkaiba lang, gusot ang mga ito at nawawala na ang kanyang neck tie. Ewan pero dapat ay nanginginig na ako ngayon sa takot ngunit iba ang aking nadarama nang makita ko siya.

Nanlilisik ang brown niyang mga mata. "Seriously? A dick on my face?"

Gusto kong magsisi nang mapagtanto kong ginuhit-guhitan ko rin siya sa mukha, dagdag pa ang drawing kong bird sa kaliwang pisngi niya. Patay. Siguradong sa kulungan na naman ako nito ipapatapon.

Nanginginig akong sumagot. "H-hindi ko sinasadya..."

"You drew a perfect figure of dick on my face! A perfect figure 'tapos sasabihin mong hindi mo sinadya?!"

"Ambastos mo! Bird nga sabi yan!"

"Seriously? Ito bird para sa 'yo?! This is a dick!" Halos idukdok niya ang mukha niya sa akin. Naamoy ko tuloy ang gamit niyang perfume, amoy mayaman. Amoy guwapo.

"S-sorry na nga!" Pinilit kong iniwas ang sarili ko sa kanya. "Pero maniwala ka, bird talaga 'yan. Sorry na talaga. Wala na kasi ako sa sarili kagabi, gutom na gutom na ako 'tapos lasing pa. Pakawalan mo na ako. Aalis na ako promise. Hindi mo na ako makikita. Uuwi na ako sa amin." 

JF

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now