Kabanata 26

576K 20.3K 5K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 26

"SO, ISASAULI MO na talaga si Jumbo?" tanong sa akin ni Maxine habang pinagmamasdan naming nakikipaglaro si Jumbo kina Dangdang at Bayug. Tumingin siya sa akin na para bang nanimnimbang ng magiging reaksyon niya. "Sigurado ka na ba dyan, Rosenda?"



Tinanguan ko siya kahit hindi ito ang inuutos ng aking puso. Sa totoo lang, hindi ako sigurado. Pero isa lang ang alam ko. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng hypoplastic left heart syndrome ang bata sa sinapupunan ni Ruby dahil siya mismo ay may congenital disease during her childhood. 


Multiple surgeries ang kakailanganin kapag naipanganak na niya ang bata. Ang masakit non ay hindi naman cure ang operasyong ito bagkus makakatulong lang na ma-restore ang heart fuction sa iluluwal niyang sanggol.



Nanghihina akong napasandal, wala kaming pera. Nasa private hospital pa naman si Ruby dahil gusto naming siguraduhin ang kaligtasan niya. Hindi simpleng halaga lang ang kakailanganin namin dahil sa kanyang unconditional bleeding. At tiyak na mababaon kami sa utang kung may mauutangan man. Kaya wala akong choice kundi–



"Wala kang choice kundi ang isauli si Jumbo, tama ba?" untag sa akin ni Maxine.



Napayuko ako at hindi makapagsalita.



Sumeryoso ang kanyang mukha. "Rosenda, isa kang alamat ng maharot. Wala ka nang maitatago sa akin. Alam ko ang dahilan kaya mo isasauli si Jumbo sa mga Montemayor-Saavedra."



Napalunok ako ngunit dinig ito. Nakita ko sa mata niya ang pakikisimpatya sa kalagayan ko.



"Kailangan ko ng anda, Maxine..." Nangilid ang luha sa mga mata ko.



Hinimas niya ang braso ko. "Pero paano ang puso mo?"



"Uunahin ko pa ba ang puso ko? Dalawang buhay ang sasagipin ko, hindi lang isa." Napaiyak na ako.


Akala ko kaya kong maging selfish kahit minsan lang sa buhay ko, hindi pala. Hindi ko pa rin pala kayang talikuran ang pamilya ko...


"Napakabuti mong anak at kapatid, Rosenda. Iba na ang title mo ngayon, hindi na Alamat ng Maharot kundi Alamat na ng Martir na Maharot..." Niyakap niya ako agad at inalo. "BFF, I'm so proud of you."



"Kailangan ko siyang isauli, Maxine. Pero natatakot ako na baka hindi na siya bumalik..."

 

"I know... It's really a big wrist, isn't it?"



Big risk. Hmp! Umiiyak na ako, naudlot tuloy ang hikbi ko.



Pero naiiyak pa rin talaga ako. Mabilis akong kumalas sa kanya. "Ikaw na ang may sabi, Maxine. Kapag isinauli ko si Jumbo ay malaki ang posibilidad na gumaling siya. Isa pa, kahapon nang makita kung gaano kamiserable ang mommy niya bigla akong nakonsensiya. Hindi ko kayang itago si Jumbo dahil alam kong may ibang tao akong nasasaktan at pinapahirapan."



"Rosenda, nakapa-selfless mo talagang bruha ka." Hinawakan niya ako sa kamay.



Huminga ako nang malalim. "Sana lang ay wag akong kalimutan ni Jumbo. Sana lang ay bumalik siya sa akin kapag gumaling na siya."



Tumangu-tango siya. "Hindi naman siguro ipagkakait sa 'yo ng mga Montemayor-Saavedra ang kalayaan na makita si Jumbo, di ba?"



Ngumiti ako habang pinupunasan ko ang aking mga luha.

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now