Kabanata 52

685K 24.2K 13.9K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 52

BUMALATAY sa mukha ni Paolo ang takot nang mapagsino ang umawat sa kanyang pagsuntok. Bago pa siya tuluyang makapagbigay ng reaksyon ay tumama na sa mukha niya ang matigas na kamao ni Jumbo. Tumilapon siya dahil sa lakas ng pagkakasapak sa kanya. Sargo ang dugo sa kanyang ilong habang lumilipad siya sa ere pabagsak sa sahig.

Tigagal ako sa nangyari. Kung ako ang nasuntok ng gano'n ay baka comatose na ako ngayon.

Pakiramdam ko ay yumayanig sa bawat paghakbang ni Jumbo habang papalapit siya sa nakahigang si Paolo. Wala akong ibang nakikita sa blangko niyang mukha kun'di ang animong umiilaw na kulay tsokolate niyang mga mata.

Patakbong humarang si Sadie sa kanya. "What are you doing, Terrence? Are you out of your mind? This is not Paolo's fault." Umangat ang kanyang isang kamay at itinuro ako. "That bitch is—" Hindi na niya natapos ang nais sabihin nang sakalin siya ni Jumbo.

"Say that again and I'll send you to hell."

Namutla ang babae dahil sa mahigpit na pagkakasakal sa kanya ni Jumbo.

Dumampot ng vase si Mina at inihampas iyon kay Jumbo. Para lang siyang nagtapon ng baso sa matigas na pader. Ni hindi man lang naapektuhan ang lalaki sa ginawa niya bagkus ay pinagkalooban pa siya nito ng matalim na mga titig.

Ibinato ni Jumbo si Sadie ilang hakbang ang layo sa kanya. Halos wala ng dugo ang babae sa mga labi ng gawin niya 'yon. Humarap siya kay Mina matapos siyang hampasin nito ng paso sa ulo.

Nangangatog na napaatras si Mina. "T-Terrence, makinig ka..." Bumaling siya sa akin. "M-manloloko ang babaeng 'yan. P-pinagsabay niya kayo ni Paolo, alam mo ba 'yon?"

Wala akong magawa kun'di ang mapayuko sa sinabi niya. Tama si Paolo. Kahit iwan niya ako ay kami pa rin. Wala akong karapatang kumawala dahil baon ang buong pamilya ko sa kanya ng utang. Kung gusto niyang kami pa rin ay kami pa rin. Manloloko nga ako. Ako dapat ang saktan ni Jumbo dahil pinagsabay ko sila ni Paolo.

"She's a cheater!" mariin pang wika ni Mina. "She and Paolo are about to get married. Engaged na sila."

Napayuko si Jumbo sa narinig.

"W-wake up, Saavedra." Nagpatuloy si Mina. "P-papayag ka bang magpaloko lang sa isang babaeng walang pinag-aralan? Sa isang babaeng dukha at mukhang basahan? S-she doesn't deserve you."

Nanginig ang kanyang kamay at naikuyom niya ang kamao. "You're right."

Shit! Yari ako.

Sumungaw ang ngiti sa mga labi ni Mina. "Yes I am right, Terrence. Rosenda is just a whore at wala siyang habol sa 'yo kun'di ang pera mo. Ganyan na ganyan din siya sa kapatid ko e. Parang linta 'yan na didikit lang sa kung saan siya may mahihita."

Bumwelo mula sa hangin ang kamay ni Jumbo at malakas iyong inihampas kay Mina. Putok ang labi ng babae matapos nitong humampas sa lapag.

Bakit niya ginawa 'yon?

Hindi pa nakuntento si Jumbo at nilapitan pa niya si Mina. Kinuwelyuhan niya ito at iniangat. "You're right but I don't care." Pagkatapos ay sinampal niya muli si Mina nang malakas.

Hala!

"Like what I said. That girl is mine." Idinikdik ni Jumbo ang babae sa pader. "E, ano ngayon kung ikakasal na siya? Kung kailangan kong patayin si Paolo ay gagawin ko para mapasa-akin siya. Akin lang si Rosenda at hindi siya magpapakasal sa iba!"

Oh, Lordie! Bakit biglang tumalon yata ang puso ko? Bukod sa dahilang inaangkin niya ako ay ito kasi ang unang beses na binanggit niya ang pangalan ko!

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now