Chapter 42

65.9K 6K 3.4K
                                    

Chapter 42

Utos

Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa

Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap

Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot...

Pilit kong tinandaan ang mga katagang binitawan ni Divina. Nang sandaling tuluyan niyang natapos ang dala ng ikalawang punyal, katulad nang unang nangyari ay nawalan siya ng malay.

Si Rosh ang siyang sumalo kay Divina. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok ng prinsesang natutulog.

"Good girl..."

Napabuga ng hangin si Lucas. "That is a long riddle. Paano n'yo iyon naiintindihan?"

Kahit si Iris ay tila natigilan. Kumuha siya ng maliit na papel sa kanyang dalang gamit at pinili niyang isulat ang mga salita.

"Mas humaba yata... hindi naman ganoon karami ang mga salita ng unang mensahe. The riddle will kill us." Umiiling na sabi ni Rosh.

Kahit ako ay tila nablangko sa mga salitang binitawan ni Divina.

"We are expecting that it will be Finn and Kalla's relics, but I can't see any hint from their music box. So, it could be... Naha and Evan's?" tanong ni Rosh.

Wala sa sarili akong sumilip sa isinulat ni Iris, parang biglang nawala lahat sa isip ko iyong bugtong.

"Kahit ang kwintas nila Naha at Evan ay walang iniwang bakas sa bugtong..."

"So, it could be from the others? Hindi ba't hindi pa magkakaroon ng presensiya ang mga iyon hangga't ang nagmamay-ari ng kawangis nito'y hindi pa kinikilala ang kapares nilang Gazellian?" ani ni Rosh.

Tumango ako.

Dalawa lang ang maaari namin pagpilian. Sina Caleb, Harper at Casper ay hindi pa kinikilala ang kanilang mga kapareha.

"How about Harper?" tanong ni Lucas. "Hindi ba't magkakilala na sila ng kapatid ni Claret?"

"It's still complicated. The Gazellian brothers are not happy about—" biglang natigilan si Rosh nang maalala niyang si Lucas ang kausap niya. Lalo na't tila nagkakapareho ng sitwasyon sina Harper at Marah.

Tumikhim na lamang si Lucas at naubo bigla si Rosh.

Naririnig ko rin minsan ang usapan ng mga Gazellian tungkol kay Harper at Kreios, kung tutuusin ay maaari na niyang kuhanin ang bunsong prinsesa ng mga Gazellian, ngunit hindi nais pumayag ng mga prinsipe nitong kapatid. Sitwasyong siguradong sasapitin din ni Marah sa kamay ni Rosh.

"We need to decipher the message." Si Iris ay inulit ang mga kataga. Ngunit katulad ng unang mensahe ay hindi namin agad iyon makuha.

Kahit ang unang linya ay hindi namin mahanapan ng eksplanasyon.

"Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa..." usal ko.

"Guhit, it could be Naha. Pero áng ikalawang linya... kisap mata'y tila imahe'y dalawa, hindi kaya ang ibig sabihin nito ay si Kalla? Dalawa ang kanyang anyo... puting ibon at ang kaanyuan niyang bampira." Napamasahe sa kanyang noo si Rosh. "Sino sa dalawa ang ibig sabihin ng linya?"

Maging ako ay hindi magawang masagot si Rosh.

"Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi..." binasa muli ni Iris ang ikalawang parte ng bugtong.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now