Chapter 13

77.7K 6K 1.6K
                                    

Howdy, angels! I really advise you to read Gazellian Series 1-4 first, before reading this story! As well as His Bite and Bitten to avoid confusion and spoilers! Thank you!

Chapter 13

Mga koneksyon

Patuloy sa pagtakbo ang aming karwahe habang hindi tumitigil sa paglalakbay ang aking isipan tungkol sa mga pinagdaanan ng mga Gazellian.

Ang ilan ay nasaksihan ko na mismo ng panahong nasa Deeseyadah ako, ngunit ang karamihan ay ibinahagi sa akin ng mga babaeng nasa palasyo. Hindi ko akalain na ang mga kwentong ibinigay nila sa akin ay lubos kong magagamit sa paglalakbay na ito.

Malaking panghihinayang siguro ang siyang mararamdaman ko ngayon kung hindi ko isinapuso ang mga kwento nila ng mga panahong nasa palasyo pa ako ng Sartorias. Dahil ang bawat detalye ng kanilang mga kwento ay may malaking parte sa pagsubok na ngayo'y hinaharap namin ni Dastan.

Ngayong mas malinaw na sa akin ang koneksyon nina Claret at Zen, Lily at Adam, Kalla at Finn sa amin ni Dastan at sa daang aming tinatahak, ang siyang ngayoy aking bibigyan ng atensyon ay ang kina Naha at Evan, na katulad rin ng mga nagdaang pares ay may napakalaking ambag sa misteryong aking nais bigyan ng kasagutan.

Si Naha ang siyang mismong nagsabi sa akin na halos mawalan na siya ng pag-asang lutasin ang mga bugtong at suliranin na kanyang kinaharap noon. Lalo na't tanging siya ang naiiba sa kanilang tatlo nila Claret at Kalla, ang dalawang naunang babae'y bihasa sa pagbabasa ng mga tradisyon at kaalaman tungkol sa mga bampira habang si Naha'y tanging pagmamahal lang daw ni Evan ang nalalaman.

Tipid akong napangiti habang inaalala ang paraan ng usapan namin ni Naha noon. Si Naha'y kaiba kay Claret na buhay pa rin ang kaugalian bilang isang tao.

"Rosh, kailan mo nalamang si Naha'y isa rin Le'Vamuievos?"

Nakapangalumbaba siyang lumingon sa akin. Kanyang mga mata'y kasalukuyang mapupungay na tila malapit na siyang makatulog.

"Naha?"

Tumango ako. Saglit na tumaas ang kilay niya bago siya muling tumanaw sa bintana.

"The first time I saw her I knew that she's a Le'Vamuievos. Alam kong ganoon din ang unang naramdaman ng mga kapatid ko nang makita siya. It's just that we, Le'Vmuievos are good at pretending... lalo na kung naguguluhan kami."

Nanatili akong tahimik at hinayaan ko siyang magsalaysay.

"I knew the first time my eyes laid on her that she has the blood of Le'Vamuievos. I just couldn't figure it out during those times, because my mind and memories about Princess Soleilana, her mother, my father's sister, were still manipulated."

Narinig ko rin itong sinabi sa akin ni Naha.

Ang pakikipagsapalaran ng magkakapatid na Gazellian ay hindi nanatiling sila lamang, dahil ang mas matinding koneksyon nila sa mga Le'Vamuievos ay umusbong ng dahil sa dugong nananlaytay kay Naha.

Andronicus Clamberge IV o kung tawagin ko ay si Nikos, ang siyang kinikilala ng lahat na kahuli-hulihang bampira na siyang may dala ng dugo ng bampirang pinakamakasalanan sa lahat. Ang bampirang siyang puno't dulo ng paghihirap ng pinakamalakas na diyosa sa kasaysayan.

Si Nikos ay itinakdang magmahal sa isa sa pinakamalakas na babaeng bampira noon sa Parsua na si Danna, ngunit bago pa man sila magkita ni Danna ay umibig na ang matalino at malakas na bampira kay Haring Thaddeus na dati'y prinsipe pa lamang.

Ngunit dahil sa taglay na kapangyarihan at natatanging kaalaman ni Danna nagawa niyang putulin ang koneksyon niya kay Nikos upang ipagpatuloy niya ang pagmamahal kay Haring Thaddeus, ngunit nang dumating si Reyna Talisha, nabaling na ang lahat ng atensyon ng Hari sa babaeng totoong itinakda sa kanya.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now