Chapter 20

76.8K 5.9K 1.3K
                                    

Chapter 20

Pagtakbo

Nang sandaling tanaw pa lang namin ang tulay o kaya'y nang ito'y nakikita pa lang ng aking mga mata mula sa koleksyon ng mga obra maestra ni Haring Thaddeus, makikitang isang lumang tulay na lamang ito na ang tanging pundasyon ay mga halamang tali.

Inakalang madali itong masisira sa sandaling ang aming karwahe'y tumawid, ngunit tulad nga ng sinabi ni Diyosa Neena, ang tulay ay may sariling buhay na maging ang mga diyosa'y hindi mahawakan.

Ang tulay ay tila nagbago ang anyo, ang marupok at anumang oras ay tila masisira ay napalitan ng tila konkreto, malawak att maraming daan na sisira sa konsentrasyon ng bawat nilalang na papasok dito. Ang tulay ay malayo pa lang ay nanlilinlang na. Ipinakikita nito sa mata ng bawat nilalang ang kaanyuang tila mahina at wala nang kakayahang makapanakit, ngunit sa sandaling pumasok na ang mga biktima roon niya lamang ipakikita ang kanyang lubos na kapangyarihan.

Isang bitag.

Umalingawngaw ang malakas na ungol ng ilusyong dragon, ngunit dahil nasa nasasakupan ito ng tulay, hindi makita ng kahit sinong mata ang bakas ng pagiging huwad nito.

Sa tulay ng temptesyon ang bawat ilusyon ay tunay at maaaring makakitil sa 'yo.

Dahil sa tindi ng pagkaalarma ng tulay, ibinaba na niya ang dragon at marahas iyong nagtungo sa aming harapan. Muling nayanig ang kabuuan ng tulay kasabay nang paglapat ng paa nito, humampas ang hangin dahil sa kanyang pwersa dahilan kung bakit nagtungo sa amin ang makakapal na usok.

Marahas kong iniharang sa aking harapan ang aking isang braso upang protektahan ang aking mga mata sa anumang maaaring tumama rito. Sumabay ang pagsayaw ng aking mahabang buhok sa hangin nang ibinuka ng dragon ang kanyang bunganga upang higit kaming takutin.

"It's scary..." ani ni Divina na buhat pa rin ni Desmond.

Nanatiling nakatayo si Desmond at diretso ang titig sa dragon na nasa unahan. Sumulyap ako sa braso ko na kanina'y patuloy pa rin sa pagdurugo, tumigil na ito at ngayo'y nararamdaman ko na.

Hanggang ngayon ay wala pa rin tigil sa pag-ahon ng iba't ibang nilalang sa bawat sulok ng tulay dahil sa kapangyarihan ni Divina na inihalo sa aking dugo. Dahil dugo ko ang ginamit niya upang gisingin ang mga nilalang na ito, ako lamang ang kanilang susunduin.

Buong akala ko'y hanggang sa pagkausap lang sa mga namatay ang siyang kakayahan ni Divina, ngunit higit pa rito ang kakayahan ng munting prinsesa ng mga Gazellian.

May kakayahan siyang pasunurin ang mga namatay na! May kakayahan siyang humingi ng tulong sa mga ito.

Wala sa sarili akong napalingon kay Divina na nakayakap ang mga braso sa leeg ni Desmond.

Paanong hindi siya kawiwilihan ng kanyang mga tiyuhin o maging ni Haring Thaddeus? Ang munting batang ito'y pinagpala sa ganda o maging sa abilidad. Isama pang anak siya ni Claret... ang unang bampirang naglakas ng loob tutulan ang mga baluktot na paniniwala ng mga bampira.

Kaya mahal na mahal ni Dastan si Divina, kailanman ay hindi tinanggal ni Haring Thaddeuus ang koneksyon sa kanya, hindi napapagod si Caleb ibigay ang gusto niya, handang ibuwis ni Finn ang kanyang buhay para sa kanya, maging sina Evan at Casper.

Walang katapusan ang pagmamahal nila sa bata.

"Hindi pa gaanong katibay ang kapangyarihan ni Divina, Diyosa mula sa Buwan. Ngunit dahil sa dugo mo at ang kagustuhan mong tumulong... nagawa mong mapabangon ang mga nilalang na ito. Without your blood and desire to help, these creatures will not come back alive and take their revenge..."

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now