Chapter 35

69.9K 6.1K 2.4K
                                    

Chapter 35

Apoy

Nanatiling nakatitig ang aming mga mata kay Divina habang ang munting prinsesa'y nasa iisang prinsipe ang atensyon. Ngunit ang mga mata ni Rosh ay nakatuon kay Caleb.

"But we can't just force the princess to do it, right?"

Tumango si Caleb. "Hindi man ito ang Divina sa panahong ito, nasisiguro ko na hindi pa rin niya kabisadong gamitin ang kapangyarihang iyon. Unless..." lumingon si Caleb sa aming lahat.

"We've witnessed it." Tipid na sagot ni Nikos.

"Sa tulay, Caleb... tinulungan kami ni Divina. Tinawag niya si Desmond..."

Mariin napapikit si Caleb. "I told you that..." dagdag ni Rosh.

Muli akong sumulyap kay Divina, paano namin sasabihin sa prinsesa na kailangan niyang tawagin ang puting lobo na siyang dating tagabantay ng mapa?

Hindi namin siya maaaring basta na lang utusan o kaya'y pilitin na gamitin ang kanyang kapangyarihan, lalo na't hindi pa nga niya iyon kabisado. Nasaksihan namin iyon, kita ko kung gaano naghirap si Divina upang tawagin ang dami ng kaluluwang iyon. Kung hindi gumabay sa amin si Desmond, hindi ko alam kung mapagtatagumpayan namin ang laban sa gitna ng tulay.

"Besides... Divina didn't use her direct power. Gumamit pa rin siya ng dugo mo, Leticia... at gabay ni Desmond."

"A-And we can't just force her to do it again. Kagagamit niya lang ng kapangyarihang iyon... hindi natin alam ang epekto noon sa bata..." sabi naman ni Hua.

Ngunit ang akala namin prinsesa na hindi nakikinig at tulala kay Rosh ay biglang itinaas ang munting mga kamay na may ngiti sa mga labi.

"Divina can do it! I will call the white wolf guardian because I am the pink wolf!"

Bumuntong hininga si Caleb. "You are a vampire princess..." ibinaba ni Caleb ang dalawang kamay ni Divina.

"Uncle Caleb, I want to help..."

"But you are tired..."

"I am not!"

"You are..."

"I am not! I will help you... sabi ni Mama always help if I can..."

Napailing si Caleb. "Of course... of course, your mother is Claret."

"But you need to rest. Nagamit mo na ang kapangyarihan mo."

"I am strong right now!"

Pumiglas si Divina sa mga braso ni Caleb at nagtungo siya sa gitna namin lahat na malapit sa siga ng apoy. Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ang tila tumatalong buhok ni Divina na nakatali ng mataas sa magkabila niya habang tumatakbo siyang umiikot sa paligid ng apoy.

Halos lahat kami ay humahabol sa mabilis niyang pagtakbo.

"Anak nga siya ni Claret..." usal ni Lucas na may ngiti sa mga labi.

Kahit ang matandang si Ledare at ang dalagitang katabi niya'y lumambot ang mga mata habang pinagmamasdan si Divina.

Si Caleb ay minamasahe na ang kanyang noo. "Nahihilo ako sa pagtakbo mo, Divina. Come back here..."

"Sabi ni Mama tuturuan niya raw ako ng different dances. We have a goddess blood! Dapat daw magaling si Divina sumayaw..." lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"We will call her together because you are the Goddess of the Moon!" pagkatapos niya akong hawakan ay nagtungo siya sa dalagitang sumalubong sa amin.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now