mnj ch40.a

55.9K 572 281
                                    

julianne's

Tutuloy pa ba ako?? Grabe. Kinakabahan ako. Kahapon ko pa pinag iisipan kung itutuloy ko pa ba ung pagtututor ko kay Dave. Alam ko naman kasing magiging awkward lang ung atmosphere e.

*sigh*

Bakit ba naman kasi masyado akong nagpadala sa emosyon ko nun e. Ayan tuloy, ako ung nahihirapan. Tsss. Ano ng gagawin ko?? Wag na lang kaya ako tumuloy? Nandito pa lang naman ako sa tapat ng bahay nila e. Tama. Uuwi na lang ako. Kaso, paano na si Dave? Alam ko naman kailangan nya ung tulong ko e. Saka, hayst, namimiss ko na naman sya.

*sigh*

"Tssss." Narinig ko mula sa likod ko. Paglingon ko eksakto namang daan nya. Si Dave un. Nakapasok na sya sa bahay nila. Pero ako nakatayo pa rin sa harap ng bahay nila. Nabigla kasi ako sakanya. Kanina pa ba sya dito sa labas?

Lalo tuloy akong kinabahan. Uuwi na lang muna ako. Pag iisipan ko muna kung ano ung gagawin ko.

"Saan ka pupunta?" may nagsalita mula sa likod ko tapos naramdaman ko ung paghawak nya sa kamay ko. Gosh, I miss this sweet sensation.

"Uuwi--" Di ko na natapos ung sasabihin ko kasi hinatak nya ako papasok. Dire-diretso kami sa attic, sa room nya. Tapos tinulak nya ako pahiga sa kama.

"Hoy Dave! B-bakit mo nilock ung pinto?!"sigaw ko sakanya habang tumatayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama nya. Hindi nya ako sinagot, nakatayo lang sya sa tapat ng pinto. Napansin ko na lang na unti unti nyang tinatanggal ung pagkakabutones ng uniform nya.

"Hoy hoy!! Bakit ka naghuhubad?! Hoy Dave! H-hindi porke't sinabi ko sa'yo na gusto kita e, itutuloy na natin ung---

"Akin na." putol nya sa sinasabi ko. Nakita kong nakalahad ung kamay nya sa harap ko. Saka, wala na ung school uniform nya sa katawan nya. Napalunok ako sa itsura nya. Ang masculine nya talaga. Lalaking lalaki.

Without thinking, nilagay ko ung kamay ko sa kamay nya. Tumingin sya sakin habang nakataas ung isa nyang kilay.

"B-bakit?" tanong ko. Nagulat ako sa panginginig ng boses ko. Nahalata tuloy nya na kinakabahan ako. Nakita ko kasing parang pinipigilan nya ung tawa nya.

"Tsss. Ung mga test materials na sasagutan ko, akin na."

Napahiya naman ako dun. Yun pala ung hinihingi nya. Stupid Julie! What made you think that he wanted your hand??

Pagkabigay ko sakanya nun, tahimik syang nagsagot. Ako naman, umupo lang sa couch nya.

Maya maya narinig ko ung pagring ng phone ko. Si Carlo tumatawag. Hayst. Di pa rin sya sumusuko e. Kahit pa alam kong magiging 'unrequited love' tong nararamdaman ko kay Dave, ayoko pa ring paasahin si Carlo. Kaso, mapilit sya e..

"Hello?... Oo nandito ako...

Wag na Carlo. Ako na lang uuwi mag isa... Yes, I'm safe... Carlo naman, kaya ko---"

"Ako na'ng maghahatid kay Julie!... Anong--... Mind your own business!!.. Hindi sya sa'yo at kahit kailan hindi sya magiging sa'yo!!" pagkasabi nya nun binato nya ung cellphone ko sa kama nya. Naghiwa hiwalay ung cellphone ko. Pero di ko na nagawang intindihin un. Bigla kasi akong nakaramdam ng takot aa aura ni Dave. Galit na naman sya. Ano kayang sinabi ni Carlo sakanya at nagalit sya ng ganon??

"Wag kang gagamit ng cellphone pag kasama mo ako." sabi nya nung bumalik na sya sa pagsasagot. Hindi ko na sya sinagot kasi baka lalo syang magalit. Mahirap na. Kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi nya ako kayang saktan, I don't want to take the risk.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sakanya o maiinis sa pinaggagawa nya. Lumalabas na naman kasi ung pagiging bossy nya e. Di ko tuloy mapigilang isipin na nagseselos sya. But no, it's stupid to think na nagseselos sya gayong alam ko na kapatid lang ang tingin nya sakin.

"Julie..."biglang sabi ni Dave habang nagsasagot pa rin.

"Hmmmmm.." sagot ko habang sinisiksik ko ung sarili ko sa couch nya. Bigla kasi akong inantok. Halos madaling araw na kasi akong nakatulog kakaisip sa dapat gawin ngayon.

"Tsss.. Kung inaantok ka, dun ka sa kama ko. Baka masira mo pa syang couch ko."

"Wag na. Dito na lang ako. Saka di naman ako inaan--" nagulat ako nung maramdaman ko ung isang kamay ni Dave sa likod ko at ung isa sa ilalim ng mga hita ko. He was carrying me--bridal style. Tapos hiniga nya ako sa kama. Sa sobrang pagkabigla ko, di na ako nakaangal. Humiga sya sa tabi ko tapos hinawakan nya ung kamay ko. Ang sarap ng ganitong pakiramdam.. Ung katabi ko sya tapos hawak nya ung kamay ko. Hayst. Kung kaya lang sana akong mahalin ni Dave, e di sana mas masaya ako ngayon. Ung tipong di ko na iisipin ung mga pwedeng mangyari kasi alam kong di ako papabayaan ng lalaking to.

Julie, stop. Alam mo na ngang imposible e. Wag ng ipilit. At isa pa, may girlfriend sya na mahal na mahal nya at mahal na mahal din sya. Ako lang naman ang epal sa lovestory nila e.

Pilit kong hinihila ung kamay ko mula sa pagkakahawak nya pero mahigpit ung pagkakawak nya. Pagtingin ko sakanya, nakapatong ung kabilang braso nya sa mukha nya. Natutulog ata.

"Galit ka pa ba sakin?" tanong nya ng mahinahon. Di ko alam kung papano sya sasagutin. Di naman ako galit sakanya e. Naiinis lang pero mas naiinis ako ngayon sa sarili ko.

"Gusto mo pa ba ako?" nakakagulat nyang tanong..

"H-hin--" Gusto ko sanang sabihin na di ko sya gusto kasi mahal ko na sya. Kaso di na naman nya ako pinatapos.

"Shit naman." he cursed under his breath. Humigpit lalo ung pagkakahawak nya sa kamay ko.

Parang huminto naman ung mundo ko at paghinga ko sa sunod nyang sinabi at ginawa.

"Julie, please don't stop liking me." sabi nya tapos hinalikan nya ung kamay ko na hawak nya.

Tuluyan ng nagwala ung tibok ng puso ko. Totoo ba to?

my night jobWhere stories live. Discover now