mnj ch38.b

54.4K 384 114
                                    

emman's

Ano nga bang pumasok sa isip ko at niyaya ko si Steph na sumayaw? Wala lang. Gusto ko lang syang isayaw. Gusto kong mahawakan ng matagal ung kamay nya. At gusto ko syang nakikitang namumula. Katulad ngayon.

"Bakit ka namumula?" tanong ko na medyo natatawa.

"Ha? Di ako namumula a!" she answered defensively.

"Hahaha!" Di ko na napigilan ung tawa ko. At sya, lalong namula. Napahinto tuloy kami sa pagsasayaw.

"Hoy Emman! Bakit ka ba tumatawa??" tanong nya na parang naiinis. Di pa kami ganon katagal na magkakilala ni Steph pero alam kong madalis syang mainis. Ilang beses na rin naman kasi syang nainis sa mga banat ko at sa pangungulit ko.

"Hahaha. Nagde-deny ka pa kasi na namumula yang mukha mo, e kitang kita naman. Tapos ang defensive mo pa!" sagot ko habang natatawa pa rin. Buti na lang at may ilaw pang nakabukas dito sa park kaya nakikita ko kung paano mamula ung maganda nyang mukha. Oo, maganda nga sya. Una ko pa lang syang nakita, nagandahan na ko sakanya.

"Tsss. Stop it Emman!" sigaw nya habang nakapamewang.

"You looked so cute when you blush." I said seriously this time while looking straight into her eyes. Bago pa sya makapag react, hinawakan ko na agad ung mga kamay nya at nilagay sa balikat ko. Tapos hinawakan ko sya sa bewang.

"Er? Emman? Hindi ba mukha tayong tanga na nagsasayaw kahit walang tugtog?"

"Hmmm. No. I, actually, think it's romantic." sabi ko habang nakatingin pa rin sa mga mata nya. Totoo ung sinabi ko. Matagal ko ng gustong isayaw ng 'slow dance' ang taong gusto ko, sa isang lugar kung saan kami lang ang tao at walang ibang nakakakita samin. Pati ung mag star gazing. Pero dati, si Julianne ang gusto kong makasama. Gusto ko pa rin naman si Julianne hanggang ngayon pero wala e. Kailangan ko ng magmove on sa romantic feeling ko para sakanya. Buti na lang tinulungan ako ni Steph. Pag kasama ko sya, di ko naiisip si Julianne. Masarap kasi syang kasama, makulit saka di kami nauubusan ng mapag uusapan. Isa pa, di ko alam kung bakit pero tinitignan ko pa lang sya, naaaliw at sumasaya na ako.

"R-romantic? Hahaha. Paano magiging romantic to? E wala ngang tugtog." Natatawa nyang sagot.

Bago ko sya sinagot, nilapit ko ung katawan ko sa katawan nya. Ung tipong parang magkayakap na kami, ung kamay ko nasa bewang pa rin nya at ung mga kamay nya nasa balikat ko pa rin.

"Because I'm dancing with someone I like." sabi ko habang nakatapat ung labi ko sa tenga nya. Bigla syang napahinto sa paggalaw. Oo, gusto ko nga si Steph. Di ko alam kung kailan pa nagsimula,pero alam kong gusto ko sya. Di pa ganon kalalim ung nararamdaman ko para sakanya pero sapat na un para mapasaya nya ako sa tuwing nakikita ko sya.

"H-Huh?" tanong nya. Nabigla ko ba talaga sya? Ung pagiging torpe ko kasi ang isa sa dahilan kaya di ko man lang nasabi kay Julianne na gusto ko sya noon. Kaya ngayon, naglakas loob na akong umamin kay Steph. Ayokong maunahan na naman. Ayokong mawalan ng chance. Gusto kong ipaalam at iparamdam kay Steph na gusto ko talaga sya.

Tinapat ko ung mukha ko sa mukha nya tapos tinignan ko sya sa mata.

"Gusto kita Steph."

Nanlaki ung mata nya sa sinabi ko. Tapos iniwas na nya ung tingin nya. Shit. Wrong move ata.

"Hahaha. You're kidding, right??" sabi nya pero di sya nakatingin sakin.

"Hahaha! Oo. Akala ko kakagat ka e." pagsisinungaling ko. Shit. Nakakainis! Umiral na naman ang pagkatorpe ko! Natatakot kasi ako na baka iwasan na nya ako pag nalaman nyang gusto ko talaga sya. At ayokong mangyari un. Gusto ko kasama ko sya lagi.

"Ewan ko sa'yo Emman. *sigh* Kinabahan ako dun. Akala ko totoo na."

"E paano kung totoo nga?" I asked curiously.

"Hmmm. Kung totoo ngang may gusto ka sakin, which is impossible, siguro hindi ako talaga ako maniniwala. Loko loko ka kasi e. Tapos kung maniniwala naman ako, malamang iiwasan kita. Kasi ang awkward kaya nun. Parang bestfriend na ung turing ko sa'yo tapos un pala may gusto ka sakin. Sobrang nakakailang un! Hahaha" sagot nya tapos tumawa sya. Tssss. Sabi na e. Hayst.

Sasagot na sana ako ng..

'Waiting for your call, i'm sick, call i'm angry...'

"Teka. Cellphone ko un." sabi ni Steph. Pagkalabas nya ng cellphone nya, napatitig sya sa screen ng matagal. Pagkasilip ko sa cellphone nya, nakita ko ung pangalan ni Lance sa screen. Si Lance pala ung tumatawag. Ung lalaking un pala ung tumatawag. Bakit sya tumatawag kay Steph ng ganitong oras??

Ilang beses pang nagring ung cellphone ni Steph. Pero di nya sinasagot.

"Akin na. Ako na sasagot." sabi ko sabay agaw ng cellphone nya sa kamay nya.

"Hoy Emman! Wag mo ng sagutin!" pagpigil ni Steph sakin tapos pilit nyang inaabot ung cellphone nya sakin. Tinaas ko ung kamay ko kaya di nya naabot ung cellphone nya sa kamay ko. Sabay tumakbo ako papalayo sakanya. Dahil masakit na ung paa nya, di na nya ako nahabol agad. Nung medyo malayo na ako kay Steph, saka ko sinagot ung tawag ni Lance.

"Hello? Sino to??"

"Huh? Steph? Kay Steph na cellphone to di ba? Nasaan si Steph??" sunod sunod nyang tanong. Halatang nagulat sya na hindi si Steph ung sumagot.

"Si Steph? Eto natutulog sa tabi ko. Sino ka ba??"

"Ano?? Sino ka ba?? Bakit kasama mo si Steph??" tanong nya na parang natataranta.

"Ako si Emman, boyfriend ni Steph. Ikaw sino ka ba??"

Pagkasabi ko nun, biglang nawala si Lance sa kabilang linya. Bakit kaya sya tumatawag kay Steph? Saka bakit nya pinatay nung nalaman nyang ako ang kasama ni Steph?p Shit! Di kaya may gusto sya kay Steph? Tss!

Di ako papayag!

Steph is mine!!

=====

Steph-->

my night jobWhere stories live. Discover now