mnj ch36.c

54.6K 296 43
                                    

julianne's

Eto na naman si Dave. Mukhang bumalik na naman sya sa dati. Nanghahatak na naman e. Hayst. Buti naman kung bumalik na sya sa dati. Sana hindi na nya ako iwasan ulit. Alam mo un, parang may kulang kasi e. Siguro dahil naging daily routine ko na ung makasama sya araw araw kaya ganito ung pakiramdam ko. Saka wala naman kasi akong ginawang kasalanan sakanya e. -___-

"Ah. Dave.."

"Bakit???" medyo pasigaw nyang sagot.

(_ _')

"W-wala" Gusto ko sanang sabihin na dahan dahan lang sa paglalakad, ang sakit na kasi ng mga paa ko e. Kaso wrong timing ata. Mainit ulo e. Baka ako pa mapagbuntungan nya ng inis nya. E bakit kaya ang init na naman ng ulo nito?? Tsk.

Malapit na kami sa school quadrangle kung saan ginaganap ung JS namin nung huminto sa paglalakad si Dave kaya napahinto na rin ako.. Tapos tumingin sya sakin..

"Sorry Julie.." sabi nya tapos hinawakan nya ung mukha ko. Napangiti ako sa ginawa nya. Ewan ko ba kung bakit pero eto o, gumaan ung pakiramdam ko. Parang gusto ko rin sanang hawakan ung mukha nya.. Kaso nakakahiya..

"Huh? Sorry saan?" Dahil ba dun sa hindi nya pagpansin sakin ng halos isang linggo? Well, wala naman na un sakin e. Basta bumalik na lang sya sa dati, bumalik na kami sa dati.

"W-wala. Sumunod na lang kayo sakin." pagkasabi nya nun, mabilis syang naglakad. Iniwan na lang nya ako bigla. Anong nangyari dun? Hayst..

"Tara na Julia." ayan na naman. Muntik ko na namang makalimutan na kasama ko si Carlo.o___o

Hinawakan ni Carlo ung kamay ko at mabagal naming sinundan si Dave. Buti pa tong si Carlo, sensitive sa nararamdaman ko. Si Dave, tsk, insensitive..

Alam kong pinagtitinginan kami ng ibang estudyante habang naglalakad kami. Grabe nakakahiya. Bakit kasi hindi matapos tapos ung paglalakad nito ni Dave?? Kai---

"Aray naman!" T_T nauntog ako sa likod ni Dave. Bigla kasi syang huminto sa paglalakad. Pati ba naman likod nya may muscle?! Bakit ba sya huminto? Dito na ba kami uupo? Teka. Sino ung nakablack na gown? Di ko makita masyado. Nakaharang kasi si Dave. Pagtingin ko naman kay Carlo, nakatulala sya. Nakatingin ata sya dun nakablack na gown..

"Hoy Dave? Dito na ba tayo uupo?" Nilingon nya ako pero di nya ako sinagot. Umupo lang sya dun sa tabi nung babae, nung napakagandang babae. Kaya pala napatulala si Carlo... Ang ganda nung babae. Sobra. Napaka elegante nyang tignan dun sa suot nyang black gown. Para syang isang artista at model. Ang sexy. Kahit ung make up nya, bagay na bagay sakanya.

Then, realization hits me. Sya si Kat. Sya ung laging kausap ni Dave sa cellphone. Sya ung dahilan ng pag alis ni Dave nung isang gabi. Sya ung...hindi. Di ako sigurado na sya ung girlfriend ni Dave pero tanga lang at bulag ang hindi magkakagusto dito sa babaeng to. Ang dami ngang nakatingin sakanya ngayon e. Kahit nga si Carlo e, siguradong nagandahan at nabighani sakanya..

"You're Julie, right?" tanong nya sakin habang nakangiti. Maganda na sya nung hindi sya nakangiti, pero may igaganda pa pala sya pag nakangiti sya..

"Julianne." sabi ko habang nakatayo pa rin tapos inextend ko ung kamay ko sakanya para mag offer ng isang hand shake. Nahihiya naman kasi akong makipagbeso sakanya lalo na't ngayon lang naman kami nagkita.

Inextend din naman nya ung malambot nyang kamay sakin.

"Ah Julianne pala. Sorry. I'm Katrina, Dave's girlfriend."

Expected ko naman na sya ung girlfriend ni Dave pero nagulat pa rin ako. Kaya bigla kong binawi ung kamay ko mula sa pagshe shake hands namin.

"Sorry." ang rude ng inasal ko. Hayst. Bakit ba ako nagiging ganito? Bakit ganito ung nararamdaman ko??

"No. That's okay. Sorry din. Malamig ba ung kamay ko? Madali kasi akong lamigin e."

"Huh! Hin---" Di ko na natapos ung sasabihin ko sana kasi nakita kong nilagay ni Dave ung jacket ng black suit nya sa balikat ni Kat.

"Thanks babe. I love you. *mwuah*" ayoko mang tignan pero nakita ko pa rin.. Nagkiss sila.. Sa lips.. Sa harap ko..

Bagay sila.. Si Dave and Kat. Maganda si Kat at gwapo naman si Dave. Lumabas nga lalo ung kagwapuhan ni Dave sa suot nyang black suit e. Para tuloy syang model. Tapos ang ayos talaga ng itsura nya. Pagtinignan mo sya ngayon, di mo maiisip na gang leader sya.

E di sila na'ng para sa isa't isa!! Tsss..

"Julia, upo na tayo." sabi ni Carlo tapos hinawakan na naman nya ung kamay ko. Buti na lang kasama ko si Carlo. Pakiramdam ko kasi... Ano nga bang nararamdaman ko?? Naiinis na talaga ako sa sarili ko! Halo halo na kasi ung nararamdaman ko; inis, gulat, tapos inis ulit tapos samahan mo pa ng kaba. Hindi ko na tuloy alam kung paano ako magrereact.. May isa pa akong nararamdaman na hindi ko maintindihan kung ano.. It's something na alam kong naramdaman ko na dati pa. Di ko lang marecognize kung ano un..

Umupo kami ng magkatabi ni Carlo habang hawak pa rin ni Carlo ung kamay ko.

Anu ba Julie?? Nandito ka para ienjoy at maexperience ang prom, hindi para mag isip ng kung ano ano.

"Oops. Sorry. Are you Julianne's boyfriend?" sabi ni Kat kay Carlo.

Napatingin ako kay Carlo. Si Carlo naman nung una nakatingin sakin, tapos tumingin kay Dave tapos kay Kat naman. Ano kayang sasabihin nya??

"Well, you can say that. I'm Carlo." sabi ni Carlo tapos nakipagshake hands sya kay Kat. Teka! Anong ibig sabihin ni Carlo dun sa 'Well, you can say that'?? Sinasabi ba nyang girlfriend nya nga ako?? Hindi naman nya ako girlfriend ha??! Akala ko ba malinaw na sakanya na back to zero na kami?? Tapos ganito sasabihin nya?? Ano bang iniisip nitong si Carlo?? Nakakainis talaga!!

my night jobOnde as histórias ganham vida. Descobre agora