mnj ch29.b

57.6K 321 15
                                    

dave's

Pasimple ko syang tinignan. Diretso lang ung tingin nya. Ang tangos ng ilong nya sa ganitong anggulo. Ang haba ng mga pilikmata nya. Tapos ung mga mata nya, parang ang saya? Bakit kaya?

"Mga pare! Tignan nyo kung sino ung bumisita satin."

O_O

Shit. Si Vince. Gang leader ng kalaban naming gang. Shit shit shit!! Paano kami napunta dito sa teritoryo nila?? Shit! Di ko na namalayan. Naglabasan na rin ung 4 pa nyang kasama sa gang. Shit. Lima sila, mag isa lang ako.

"D-Dave? K-kilala mo sila?" tanong ni Julie. Ung mga kamay nya nakakapit na sa braso ko. Kitang kita ung takot sa mga mata nya. Sino ba namang hindi matatakot kay Vince? Puno ng tattoo ung katawan nya. Tapos ang laki pa ng katawan. Ung mala dambuhala ung laki. Kung ako lang, hindi ako takot sakanya. Ilang beses ko na rin naman syang nabugbog. Pero si Julie, natatakot talaga sya..

"Wow. Dave sino sya? Ang ganda. *Wolf whistle* Ayos din ang katawan. Baka naman pwedeng ibalato mo na lang sya samin. Di ba mga pare?"

"Oo nga Dave. Hinding hindi sya magsisisi samin." sang ayon ng isa. Nagsi tanguan din ung iba.

Humigpit ung kapit ni Julie sakin. Tapos tinatago nya ung sarili nya sa likod ko.

"Dave, a-alis na tayo dito." bulong nya. Nanginginig ung boses nya.

"Vince, huwag ngayon." gusto kong magmakaawa na hayaan na lang nya kaming makadaan ni Julie. Pero di ko magawa.

Isang ngiting aso ang sinagot sakin ni Vince. Shit. Ang sarap suntukin ng mukha nya. Tignan na lang natin kung makangiti pa sya ng ganyan pagkatapos ko syang bugbugin.

"Ano yun Dave? Huwag ngayon? Bakit? Ano bang meron ngayon?" tanong ni Vince.

"Boss, Valentine's Day ngayon. Baka may date pa sila."

"Dave..." bulong ulit ni Julie sakin. Shet. Anong gagawin ko??

"Woah! May date pa ba kayo? Baka naman pwedeng kami na lang ang magdate? Promise, papaligayahin ko sya."

Ang lakas ng loob nitong g*gong to ah!! Malaman ko lang na dumampi daliri nya kahit sa isang hibla ng buhok ni Julie, mapapatay ko sya.

Nanginginig na ung kamay ko sa sobrang galit. Napansin siguro ni Julie un, hinawakan nya kasi ung kamay ko. Pagkatingin ko sakanya, nakita kong umiling sya. Ayaw ba nyang makipag away ako?

"V-vince... P-please wag ngayon. Hayaan mo na lang kaming makadaan."

"Hoy mga pare! Narinig nyo ba un?? Tama ba ung rinig ko?? PLEASE daw??"

Siguradong hindi ako makakatulog ngayon... Hanggang hindi ko nabubugbog tong g*gong to!

"Vince, ngayon lang. Nakikiusap ako."

Nakangiting aso pa rin si Vince. Pero mukhang pinag iisipan nya ung sinabi ko.

"Okay. Boys, padaanin nyo na sila." utos ni Vince sa mga kasama nya na sya namang sinunod ng mga to. Pero may kakaiba. Nakangiti pa rin si Vince.

Naramdaman kong nakahinga ng maluwag si Julie. Kailangan naming makaalis ni Julie dito. Masyado na syang natatakot.

Di dapat madamay si Julie dito sa gang war na to e. Bakit naman kasi naisipan ko pang sa back gate dumaan e?! SHIT naman talaga. Di ko mapapatawad sarili ko pag may nangyaring masama kay Julie. Mas okay pa ata kung hinayaan ko na lang na nakita nya si Carlo. Mas ligtas sana sya ngayon.. Di sana sya natatakot. Kunwari pinoprotektahan ko sya pero eto kami ngayon, eto sya ngayon...malaki ang posibilidad na masaktan sya.

Kung g*go ung ex nya, pakiramdam ko ngayon, mas g*go ako...

my night jobWhere stories live. Discover now