mnj ch17

68.9K 433 70
                                    

carlo's

Kinabukasan, pumunta ako sa school kung saan nag aaral si Julianne. Doon, naalala ko ung mga sweet moments namin ni Julianne. Nadaanan ko ung garden kung saan ako sinagot ni Julianne. Ung canteen ko kung saan ako nagconfess sakanya. Pati ung radio room nadaanan ko din. Halos malibot ko na ung buong school pero di ko pa rin sya nakikita. Hanggang sa naalala ko ung lugar kung saan ko sya unang nakita.. She was the most nerdiest person on that place that time. 3 libro sabay sabay na binabasa. Nakakatawa talaga sya. Pero napansin ko na maganda talaga sya. Simple lang pero maganda talaga.. Tapos nalaman ko pa na matalino sya. At ang nakakatawa pa dun, hindi nya alam na ako si 'Dj JC'.. Di naman sa nagmamayabang ako pero sikat ako nung time na un. At sya lang ang hindi nakakakilala sakin..

Dali dali akong pumunta sa library pero nagulat ako nung makita ko sya sa hallway kasama si Steph.

Gumawa pa nga kami ng eksena sa hallway e. Pero wala akong pakialam. Gusto ko talagang makausap si Julianne. Nung nagawa ko ng mapatingin si Julianne sakin, may isang lalaki na biglang umepal at hinatak si Julianne paalis. Sya ung lalaking nakita kong galing sa loob ng bahay nila Julianne. Boyfriend nya ba un? Hindi ako papayag. Saakin lang sya!!

"BABAWIIN KO SI JULIA SA'YO!" yan lang ung nasigaw ko.. Hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Paglingon ko, wala na rin si Steph. Hinayaan ko na lang muna si Julianne. Baka kasi naguguluhan sya. Alam ko namang mahal pa nya ako e.

Oo mahal pa nya ako. Sigurado ako dun.. Un kasi ung nararamdaman ko. Hayst. Okay.. Un kasi ung gusto kong maramdaman.. Umaasa pa rin talaga ako na magiging kami pa rin sa huli.. Kahit sino pang umepal samin, ipaglalaban ko sya!

Kahit ung lalaki pa na tumawag sakanya ng 'Sweetie'. Badtrip! Kaano ano nya ba un?? Boyfriend nya ba un??

Saka bakit magkasama na naman sila ngayon???

"Julianne!!" di ko na napigilan ung sarili ko na tawagin sya. Kanina ko pa kasi sila sinusundan pagkalabas pa lang nila sa school.

"C-Carlo? Anong ginaga----"

Nakita kong parang nataranta si Julianne.

"Julie tara na." Di na sya pinatapos nung lalaki na un sa pagsasalita. At hawak na naman nya ung kamay ni Julianne!!

"Sandali lang pare. Kakausapin ko muna ung GIRLFRIEND ko."

Sabi ko sabay hawak din sa kabilang kamay ni Julianne.

Nagulat sila sa sinabi ko. Kahit ako naman nagulat din sa nasabi ko e. Pero totoo naman ung sinabi ko, GIRLFRIEND ko pa rin sya. Di naman kami nagbreak, officially.

"Girlfriend?? E g*go ka pala eh!!"

Di na ako nakasagot dahil naramdaman ko na lang ung malakas na suntok na tumama sa mukha ko. Ang lakas. Natanggal ata ung mga ngipin ko. May nalasahan na din akong dugo sa loob ng bibig ko.

Sinubukan kong tumayo pero malakas talaga ung suntok nya kaya medyo hilo hilo ako.

"Carlo..." narinig kong tinawag ako ni Julianne pero di sya lumapit.

"Julianne please. Let's talk!" Sigaw ko.

Nakita kong lumapit sakin ung lalaki at maya maya hinawakan nya ung kwelyo ng damit ko.

"Hoy!! Ikaw g*go ka!! Wag na wag ka ng lalapit kay Julie!! Akin lang si Julie!!"

Sabi nya sakin nang nakatitig sakin. Kitang kita ko ung galit sa mga mata nya.. Ung tipong kayang kaya nya akong patayin sa pamamagitan ng tingin nya..

Nakaalis na sila pero nararamdaman ko pa rin ung panginginig ng katawan ko. Takot ba tong nararamdaman ko??

========================

Anu masasabe nyo?

Comment?

Vote?

Thanks so much for reading po..

p.s.

Saka na lng po ako magdedic pag nakapag OL na ako sa pc :))

my night jobWhere stories live. Discover now