mnj ch36.h

53.4K 324 64
                                    

julianne's

Paano nangyari to? Paanong ako ang naging Prom Queen at hindi si Steph?? Dapat si Steph ang kasayaw ngayon ni Lance sa 'Royal Dance' at hindi ako. Sya dapat ung nandito!

Hayst. Alam ko namang hindi ko kasalanan na ako ung napili na Prom Queen e. Pero sobrang nagi-guilty ako. Kanina nung inalalayan akong tumayo ni Lance, nakita ko kung paano lumungkot si Steph. Akala ko nga mapapaiyak na sya e.

Ang lalo pang nakakapagpaguilty sakin e ung expression ng mukha ni Lance. Halata kasi na masaya sya. Paano ko ba sasabihin sakanya na hindi ako dapat ang makapartner nya. Dapat si Steph, ung bestfriend ko na mukhang gusto na sya.

Naiinis din ako sa pagsasayaw na to. Halata naman kasi na hindi ako marunong sumayaw. Naririnig ko nga ung ibang estudyante na pinagtatawanan ung pagsasayaw ko e. -___- E di sila na'ng marunong sumayaw.

CLICK

CLICK

CLICK

At eto pa a, pinipicturan kami ni Steph habang sumasayaw kami ni Lance.Sakin nakaharap si Steph kaya nakikita ko ung ekspresyon ng mukha nya. Ang lungkot pa rin ng mga mata nya.

*sigh*

"Okay ka lang Julia?" tanong ni Lance habang nakangiti pa rin. Paano namang hindi magkakagusto ung bestfriend ko sa lalaking to? E ang gwapo nya. Matalino pa saka mabait. Kahit nga ako nagkagusto rin sakanya dati e.

"I'm fine. Uhm.. Lance? Maganda ba si Steph?"

"Maganda.." sagot nya ng walang isip isip habang nakatitig sakin. Nakikinig ba talaga sya sakin?? Tsss..

"Kahit minsan ba tumingin ka na kay Steph??" Nakita kong parang naguluhan sya sa tanong ko.

"Huh? Oo naman. Tinitignan ko naman si Steph eh. Bakit?"

Hindi ko sya sinagot, sa halip pinilit kong maikot kami para magkapalit kami ng pwesto. Para sya naman ang nakaharap kay Steph.

"Lance. Tignan mo lang si Steph. Tignan mo syang mabuti ha." sinunod naman nya ung sinabi ko. Tinitigan nya si Steph. Paglingon ko sa bestfriend ko, nakatapat sa mukha nya ung camera nya. Pero alam kong nakatingin din sya kay Lance. Sana naman maintindihan ni Lance ung gusto ko talagang sabihin.

Eto lang ang pwede kong gawin para sa bestfriend ko e. Di ko naman pwedeng pilitin si Lance na magustuhan din si Steph e. Sana lang talaga makita na ni Lance si Steph.

Pagkatapos nung sayaw namin ni Lance, may mga naglapitang lalaki sakin. Niyayaya nila akong sumayaw. Ayokong maging rude pero masakit na talaga ung paa ko. Kaya nagpahatid na lang ako kay Lance papunta sa table namin.

Pero hindi pa kami nakakalayo ni Lance, nakita na namin si Carlo na papalapit samin. Di ko alam kung anong iniisip nya. Pero he looked so disappointed.

Hayst. I am the worst date ever!! Ako pa man din ang nagyaya sakanya na maging date ko pero di pa kami nakakasayaw kahit isang beses man lang. Totoo na naiinis ako sa mga pinagsasabi nya kila Dave kanina. Pero hindi naman tama na hindi nya maenjoy tong prom dahil sakin.

"Tara na Julia." sabi ni Carlo pagkalapit nya samin.

"Ah Lance? Sige na. Una ka na." sabi ko kay Lance.

"Sure ka? Kung gusto mo, ihatid na kita sainyo kung uuwi ka na." paghehesitate ni Lance. Di nya pinapansin si Carlo.

"No. Thanks. Di pa naman KAMI uuwi e." sabi ko emphasizing the word 'kami'.

"Are you sure? Basta tawagan mo na lang ako pagnagbago isip mo ah." Ang kulit ni Lance. Ayaw ni Steph ung pagiging makulit ni Lance. Pero bandang huli ata, isa pa yun sa dahilan kung bakit sya nagkagusto sa lalaking to. Teka, saan na ba pumunta ung bestfriend ko na un? Bigla na lang kasi syang nawala. Mukhang tumigil na sya sa pagkuha ng litrato samin bago pa matapos ung kanta. Hayst. Di naman nya siguro ako pinagseselosan, di ba?

"Ako ang date nya. Ako ang maghahatid sakanya." sabat naman ni Carlo samin na halatang nainis sa sinabi ni Lance.. Ayan. Kulit kasi e.

Tinignan ng masama ni Lance si Carlo. Naku. Baka magkaasaran tong mga to a.

"Lance just go. Okay?" sabi ko at pumagitna ako sa kanila. Mahirap na, baka magkapikunan e.

"Pero Julia---"

"Lance... Si Steph, baka hinihintay ka." pagkasabi ko ng pangalan ni Steph, natahimik si Lance. Di ko alam kung bakit, pero sana positibo ang ibig sabihin nito.

"*sigh* Okay.. I'll go look for her. Pero, just give me a call pag may kailangan ka." he said in defeat.

"Sure. Congratulation nga pala."

"Congratulation din Julia." pagkasabi nya nun, nilapit nya ung mukha nya sa mukha ko. Pero bago pa sya may magawa, hinarang na ni Carlo ung kamay nya sa mga mukha namin. Tapos nun umalis na agad sya.

Saka ko naman hinarap si Carlo. Pinilit kong ngumiti at tumayo ng maayos bago ako nagsalita.

"Can I have this dance?" sabi ko at bahagya pa akong yumuko sakanya.

Narinig ko syang tumawa. Mukhang natawa sya sa ginawa kong pagyuko. Pag angat ko ng ulo ko, nakangiti sya.

"Ofcourse MY princess."

+++++++++++++++++++++

dave's

"Babe, ang ganda ni Julianne no?" nagulat naman ako sa sinabi ni Kat. Nandito na kami sa kotse. Ihahatid ko na sya. Akala ko nga tatapusin namin ung prom pero bigla na lang syang nagyayang umuwi.

"Huh? Mas maganda ka dun Kat." Sabi ko. Di ko sya binobola ha. Totoo naman kasi un.

Narinig kong natawa sya sa sinabi ko. Ung tawa na parang kinikilig.

"That's why I love you Dave. Pero aminin mo, maganda talaga sya. Mukhang late bloomer nga lang. Pero pagnagkataon, magiging mas maganda pa sakin un. Ano na nga ulit tawag mo sakanya?"

"Huh? Julie?"

"Wala lang. I just noticed na ikaw lang tumatawag na Julie. Is that some sort of an endearment?"

Anong sinasabi ni Kat?? Endearment??

"No Kat! Kasi ga---"

"I know you like her Dave."

my night jobWhere stories live. Discover now