mnj ch36.b

54.1K 313 40
                                    

dave's

Nasaan na ba sila?? 8pm na. Kanina pang 7 nagstart tong prom na to pero hindi ko pa rin sila nakikita. Binilin kasi sila sakin ni Tito Harold. Tsk!

"Dave babe? Are you okay?" nakangiting tanong sakin ni Kat. Ang ganda nya ngayon. Dati naman na talaga syang maganda e. Mas lumutang lang talaga ung ganda nya ngayon dahil na rin siguro sa itim na gown nyang suot. Pagpasok pa lang namin kanina sa gate, pinagtitinginan na kami. Kung normal na araw nga lang ngayon baka pinagdudukot ko na ung mga mata nung mga nakatingin samin. Kaso prom naman namin ngayon kaya hinayaan ko na lang sila. Isa pa, ayaw ni Kat na nakikipagbugbugan ako sa harap nya.

"Okay lang ako. Ikaw?"

"I'm feeling great Dave!o Ang saya ko! Thanks sa pagpayag na pumunta tayo dito ah!" masayang sabi ni Kat tapos hinalikan nya ako sa labi.

"Ahem. Ahem."

O_O

Sinong?

"Uhm. Dave? Sya ba ung nagtututor sa'yo?" tanong ni Kat.

"Hindi. Kaibigan sya ni Julie." sagot ko naman. Gusto ko mang ipakilala sila sa isa't isa, e hindi ko naman maalala ung pangalan nitong kaibigan ni Julie. Pero mukhang kilala din sya ni Emman. Nung kasi naospital kami ni Julie, nakita kong sabay silang dumating. Mukha ngang malapit na sila sa isa't isa e.

"H-Hi. Uhm.. D-Dave? Si Julia? Nakita mo na ba sila ni Carlo?" tanong nya sakin.

"Malay ko."

"Tsk. Sabi na e." bulong nya. Anong ibig nyang sabihin??!

"Ano un?!" tanong ko. Mahinahon naman ung pagkakatanong ko pero nanlaki pa rin ung mata nya sa gulat.

"Ha? W-wala un! He he he." mautal utal nyang sagot.

"Ano nga un?!" iniinis ata ako nito e.

"Ano kasi. N-naisip ko lang na baka hindi dito dalin ni Carlo si Julia. Sige Bye!" mabilis nyang sagot tapos nagmamadaling umalis.

Ano daw? Hindi dito dadalin nung Carlo na un si Julie?? E saan??!

[flashback]

"E kasi matagal tagal ding hindi nagkasama ung dalawang un. Baka magtanan sila o kaya baka kung saan saan na lang sila pumunta. Dun sa madilim. Tapos pagbalik nila, di na sila dalawa. Tatlo na sila."

[end of flashback]

SHET! Mukhang tama nga si Mama!! Kaya pala wala pa rin sila! G*go ka Carlo!! Patay ka sakin!

"Dave?? Saan ka pupunta?"

"Babalik ako Kat." Di na ako nag aksaya ng panahon. Kailangan kong pigilan ung g*gong un sa binabalak nya! Hindi ko alam kung nasaan sila, kung saan sila pupuntahan, pero wala akong pakialam. Gagawin ko lahat para lang pigilan sya sa masama nyang balak kay Julie. Lahat ng pwede nilang puntahan, pupuntahan ko!

Nung nasa gate na ko, may bigla akong naisip. Tama! Tatawagan ko sya!

Unang ring pa lang, pinatay na nya agad ung cellphone. Shit! Bakit nya kinansel ung tawag ko?! Huli na ba ako??! Hindi ako papayag! Kaya tinawagan ko ulit ung number nya pero ganon ulit ung nangyari. Kinansel nya ulit. Shit talaga!! Don't do this to me Julie!

Naisip kong si Tito Harold na lang ung tawagan ko pero bago ko pa sya matawagan, nagring ung cellphone ko. Si Julie ung tumatawag kaya dali dali kong sinagot.

"JULIE!!! Nasaan ka?? Saan ka dinala ng g*go na Carlo na yan?! Pupuntahan kita! Sabihin mo, nasaan ka??"

"Huh? What are you talking about Dave?"

Tsss. Talagang nagdedeny pa si Julie! Ano na ngayon?? Pinagtatakpan na nya ung Carlo na un ngayon?!

"Julie! Wag ka ng magmaang maangan! Alam kong hindi kayo dito sa prom dumeretso ni Carlo! Shit naman Julie! Wag mong gagawin yan!! Sisirain mo lang buhay mo!! Tell me! Nasaan kayo?!"

"Errr.. Uhm.. Ano bang pinagsasabi mo dyan ha??!! Anong pagsisisihan??! Sabagay tama ka! Pinagsisisihan ko ngang pupunta pa ako sa prom na yan! Nakakainis!! Bakit ba kailangan mo pa kaming bantayan?!!"

"Julie! Wag mong gaga--- Huh? Pupunta kayo dito sa prom?"

"Unfortunately, yes. Nandito na kami malapit sa gate."

Pagkasabi ni Julie nun, may isang pamilyar na kotse ang dumating at dumeretso sa parking lot. Alam kong un ung kotse ni Carlo.

"Hello Dave? Nasaan ka ba?" narinig kong tanong ni Julie mula sa cellphone. Sabay nun ung pagbaba ni Carlo mula sa kotse. Tapos umikot sya para pagbuksan ng pinto si Julie. Tsss. Pa-gentleman effect pa.

Pagbukas nya ng pinto, may nakita akong isang prinsesa. Ang ganda ganda ng suot nung prinsesa. Isang pink na gown na kumikintab pag tinatamaan ng ilaw. Para tuloy syang nagliliwanag.Hindi kaya isa syang prinsesa na lumabas sa isang fairytale book? Ang ganda talaga nya. Kailan pa sya gumanda ng ganyan? Ung dati nyang deretsong buhok, kulot na ung dulo ngayon. Napaka elegante nyang tignan.

"Hello Dave??" naputol ung pag papantasya ko nung magsalita na naman sya mula sa cellphone. Bigla kong pinatay ung cellphone.

Teka. Pagpapantasya ba ung sinabi ko?? Hindi ko sya pinapantasya ah!! Tssss.

Nakita ko mula sa kinatatayuan ko na tinignan ni Julie ung cellphone nya. Tapos nilapitan sya ni Carlo. May sinabi si Carlo kaya napatingin sakanya si Julie. Tapos bigla nyang unti unting nilapit ung mukha nya sa mukha ni Julie.

"JULIE!!!!" napalingon silang dalawa sakin. Akala mo Carlo makakalamang ka? Di ako papayag!

"Dave?" sabi ni Julie nung nakalapit na ako sakanila. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagulat si Julie nung nakita nya ako. May nakakagulat ba sa itsura ko? Normal lang naman ung suot ko ha? Si Kat pa nga ung pumili nito e..

Bago pa makapagreact si Carlo, hinigit ko na ung kamay ni Julie. Hindi ako papayag na si Carlo ang kasama ni Julie. Baka kung saan saan nya pa dalin tong prinsesa na to, i mean si Julie.

"Teka. Ako ang date ni Julia!" pigil na sigaw ni Carlo.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan ko ng masama si Carlo.

"Anong pakialam ko??"

my night jobWhere stories live. Discover now